27. her sacred scars

1.3K 11 0
                                    

Binalot ng kaba at takot si Agon ng biglang sumugod si Chaddler Asure sa condo niya para hanapin si Emperial sa kanya.

Nag away daw ang dalwang ito at nag walk out si Emperial at halos maghahating gabi na ay hindi pa rin neto mahanap ang dalaga.
Pero nang sinubukan niyang tawagan sa telepono neto ay agad niya itong nkausap.

"Where the hell are you?!", halata sa boses ni Agon ang pagaalala sa dalaga.
"Apartment." Lalong kinabahan si Agon ng mabosesan ang dalaga na umiiyak. "Please. If ever Chad will ask you, don't tell him." Yun lang at ibinaba na neto ang tawag.

Kung anuman ang napag awayan ng magpinsan ay hindi na niya alam yun. Ang alam niya lang ay kailangan niyang puntahan ang dalaga at siguraduhing okay ito.

Halos paliparin na ni Agon ang sasakyan patungo sa apartment ng dalaga.

Nagtaka pa siya ng madatnan niyang nakapatay lahat ng ilaw sa loob ng apartment.

Tatawagan na sana niya ang dalaga ng makita niyang nagbukas ang ilaw sa kwarto neto.

Kahit nkasarado ang gate ay agad siyang umakyat papasok. Pinihit niya ang door knob pero nkalock yun kaya kumatok siya ng malakas.

"Em. I am here.!" Pasigaw na sabi niya.

Agad na nagbukasan ang mga ilaw sa loob ng apartment. Nang ma i unlock ang pinto ay agad niya iyung itinulak.

Laking gulat pa ni Agon ng mabungaran ang namamagang mga mata ng dalaga.

"What the fuc--" hindi na niya tinapos pa ang sasabihin at kinulong niya agad sa mga bisig niya ang dalaga.

"What happened? Did he hurt you? What did your cousin do to you. Tell me.!" Agon.

Nabahala pa si Agon ng maramdaman niyang yumakap din ito sa kanya ng mahigpit at humihikbi!

Hindi alam ni Agon ang gagawin at nataranta siya ng marinig na umiiyak nga ito!

"Tell me please..." Ibinaon lalo neto ang mukha sa dibdib niya kaya hinayaan nalang niyang umiyak ito ng umiyak sa mga bisig niya.

Umabot ng halos thirty minutes ang posisyon nilang yun. Ayaw mang kumalas ni Agon sa yakap nila pero gusto niyang malaman kung anuman ang ginawa ng hayop na pinsan neto dito!

Pero nang gumalaw siya para kumalas ay don niya lang napansin na nkapikit na ang mga mata ng dalaga at nakatulog na ito.

Maingat niyang ginalaw ito at binuhat na paakyat sa kwarto neto. Iniisip pa ni Agon na baka maghapon itong umiyak at suot pa neto ang uniform neto.

Magaan lang ang dalaga kung tutuusin para kay Agon. Kaya doble ingat siya pagpapahiga dito sa kama neto. Hindi man alam ni Agon ang buong kwento pero alam niyang may mabigat na dahilan ang dalaga kaya ito umiyak.
Bumalik sa baba si Agon para ayusin saglit ang pagpark ng sasakyan niya. Nang maayus niya yun ay ini-lock na niya ang gate ng apartment pati ang pintu. Pinatay niya rin ang mga ilaw don at pumanhik na sa taas.

Wala siyang planong iwan ang dalaga, kahit anu pa ang mangyari.

Agon feels like, Emperial need him more than anything for now kaya handa siyang bantayan ito hanggang sa maging okay na ito.

Pag akyat ni Agon ay tulog pa rin si Emperial. Suot suot pa ang sapatos neto.

Dahan dahan niyang tinanggal ang sapatos at ang suot netong foot socks. Itinabi lang iyun ni Agon sa gilid ng kama.

Iniisip pa ni Agon kong kailangan niyang palitan ng damit ang dalaga. Nang makapag desisyun siya ay pumunta siya sa closet neto at kumuha ng isang malaking Tshirt.

Shape of My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon