Tip Numbers 1-5

493 20 1
                                    

Prologue:

Isa ako sa mga tao na gumagawa ng paraan para lang mapansin ako ng Crush ko. Sino ba namang hindi? Kahit pa gaano ka kaganda o kagwapo, pag malandi ang kalaban mo, talo ka no!

Sabi nga sa napanuod ko,

"You have to flirt, even a little."

Syempre dapat yung nasa lugar at very very light na flirt lang.

Handa ka na ba para sa ating Tips? Kung handa ka na, sumigaw ka ng

"Puuush!"

Babala: Ang mga tips na ito ay hindi gamot at hindi dapat gamiting panggamot sa anumang sakit na dahilan nang hindi pagpansin sayo ng Crush mo.

"PUUUSH!"

Tip Number 1: Name calling

Umpisahan muna natin sa pagtawag sa pangalan ng Crush mo. Syempre, kapag Crush natin, 90% ang tendency na alam natin ang pangalan nila. Kapag hindi mo alam, gumawa ka ng paraan! Wala na akong magagawa diyan.

Madali lang 'to. Boses lang ang puhunan. Parang The Voice. Isigaw mo lang ang pangalan ng Crush mo kapag nakita mo siya. Katulad nang ginagawa namin sa school, may hina-hire nga lang akong taga-sigaw, si Airah.

Kapag tumingin siya, bilisan mong mag-transform na parang si Optimus Prime. It's either tumalikod ka, kunwaring mag-text o tumawag sa phone mo, kunwaring mag-basa ng libro, o kunwaring hinahanap mo kung saan nanggaling yung sigaw. Pwede ka ring gumamit ng personal na taga sigaw. Lalong lalo na yung may malakas na boses na pang-Corporal sa ROTC.

Tip Number 2: "Pst"

Kung hindi mo talaga nagawaan ng paraan na malaman ang pangalan ng Crush mo, sitsitan mo na lamang siya. Batikan pagdating sa bagay na ito ang kaibigan kong si Rosanna.

Kung noon, lalaki lang ang sumisitsit, dapat tayong mga babae din! Kapag nakita mo ang Crush mo, sitsitan mo siya.

Kapag lumingon siya, gawin mo lang ang nasa Tip Number 1.

Tip Number 3: Hi *insert name here*

Example:

"Hi, Bernard!"

Sa tip na ito, hindi naman boses ang puhunan. This time, charm naman.

Sabi ng aking kaibigang si Joyce,

"Say 'Hi' with your sweetest voice and match it with beautiful eyes"

Samahan mo na rin ito ng iyong eye-catching smile, para effective.

Babala: Mas magiging effective ito kapag makakasalubong mo ang Crush mo sa daan. Hindi ito basta basta lang na kung saan saan ginagawa. Tandaan mo iyan kung ayaw mong mapahiya.

Tip Number 4: Panyo

Sino ba naman sa atin ang hindi gumagamit ng panyo?

Nagsisilbi itong proteksyon laban sa alikabok at masangsang na amoy. Ginagamit din itong pamunas sa pawis at dumi.

Hindi niyo lang napapansin, pwede din itong magsilbing pampukaw atensiyon sa iyong Crush.

ILAGLAG MO ANG PANYO MO SA HARAP NIYA!

Gamitan mo ng acting skills. Magkunwari kang di mo sinasadyang malaglag. Flexible ang tip na ito. Kahit makasalubong mo siya, nakaupo o nakatayo siya sa isang tabi, kahit pa nasa second floor ka at nasa first floor siya. Go lang.

Payo ko lang, kapag hindi niya pinulot, aba, pulutin mo! Baka isipin niya pa na wala kang kamay para pulutin yun.

Tip Number 5: Book/s

Kung sakaling hindi tumalab ang Tip Number 4, gawin mong alternative ang libro. This is the common thing na inilalaglag o nalalaglag. Pero hindi nalalaos; effective pa rin hanggang ngayon.

Same process. Ilaglag mo ang libro mo. Mamili ka naman nang ilalaglag, dapat yung magmumukha kang matalino. Maaaring mamili sa mga sumusunod:

-Accounting
-Law
-Biology
-Calculus

Kung wala kang libro ng mga nabanggit, humiram ka sa library. Wag mong bulukin ang library card mo!

Kung sakali namang pulutin niya, magpasalamat ka, tandaan ang 'SBE' - Sweet voice, Beautiful eyes, at Eye-catching smile.

Kung hindi, pulutin at mag-hysterical. Joke!

Twenty Ways to Catch Your Crush's AttentionWhere stories live. Discover now