Tip Numbers 16-20

196 17 2
                                    

Tip Number 16: Facebook Moves

Facebook is a helpful way to connect with people. Imposible namang walang Facebook account ang Crush mo diba?

May tatlong paraan upang mapansin ka niya.

Una, i-like mo yung posts niya. Extra tip lang, kapag i-la-like mo, make sure na online siya para hundred percent assurance na mapansin niya.

Gawain ko kasi ito kaya masasabi kong effective ito. Another extra tip, kapag less than 2 hours yung post niya, wag mo muna i-like. Baka famous or pa-famous siya. Hindi niya mapapansin ang pag-like mo.

Mag-antay ka muna ng 2 hours and beyond bago mo i-like. Pero best way pa rin talaga pag online siya.

Ikalawa, PM or Private Message. Same principle lang, kapag online siya, tyaka mo lang siya i-chat. You can say Hi or ask some interesting questions. Wag yung questions na out of this world or not within his line of interests.

You can also send him a message during his birthday or local occasions such as Christmas, New Year, etc. May mga kilala ako na ganyan. Ginagamit ang mga okasyon para lamang maka-chat ang Crush.

Uso ang Seen hindi ba? Kung sakaling i-Seen ka niya, i-reply mo sakanya.

Example:

"Seen: 1:51 PM 😏"

Ikaw na ang bahalang maglagay ng emoticons. It's your choice.

Ikatlo, mag-comment ka sa posts niya. Lalong lalo na kapag picture. You can comment ❤ or any emoticons. Kung may iba kang gustong sabihin, go. Freedom yan nang ka-aurahan mo.

Tip Number 17: Forward, backward

Sabi ng kaibigan kong si Lilaine, isang way para mapansin ka ng Crush mo, ay mag-lakad ka ng pabalik-balik sa harap niya.

Kahit nakayuko man siya o hindi, mapapansin niyang may pabalik-balik na naglalakad. Mag-mukha ka mang ewan, napansin ka naman.

Tip Number 18: Straightforward

Nai-share naman sa akin ng kaibigan kong si Kim, na upang mapansin siya ng Crush niya, sinasabi niya ng direkta.

Example:

"Kuya, Crush kita."
"Christian, Crush kita"
"Hoy! Crush kita!"

Mga halimbawa lamang iyan. Kayo na ang bahala kung paano niyo i-dedeliver.

Tip Number 19: Makeover

Minsan, sa sobrang busy natin, hindi na natin napapansin ang ating sarili. Baka naman kailangan natin ng isang makeover. Maaaring mapansin ka ng Crush mo dahil magiging kapani-panibago ka sa kanyang paningin. Maaari ka ring mapansin, hindi lamang ng Crush mo, kundi maging ang iba pang taong nakapaligid at makakasalamuha mo.

Tip Number 20: Simplicity and Reality

"Simplicity is Beauty".

Naniniwala ako sa kasabihang iyan.

Kahit sa makabagong panahon na ating ginagalawan, may mga lalaki pa rin na gusto ang mga babaeng simple, yung walang arte. Kung may arte man, very very light lang.

Ang mahalaga lang naman kasi sa mga lalaki, yung magpapakatotoo ang babae sa kanila. Sana ganun din sila diba? Hahaha!

Tandaan: Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para magustuhan ka nang iba. "You were not born to meet other people's expectations".

Special Tip:

Kung ginawa mo na lahat ng Tips; at wala man lang tumalab, teh, move on na! Si Crush na ang may problema.

Epilogue:

Akalain mo nga naman, natapos na natin ang dalawapung paraan upang tayo'y mapansin ni Crush. Basis lamang ang mga ito. Maaari rin kayong mag-isip ng iba pang paraan upang mapansin ni Crush.

Nawa'y natulungan ko kayo sa simpleng bagay na ito.

Tandaan: "Flirtation is next to Relation"

Paalala: Kung sakali mang makita mo ang Crush mo, bumilang ka lang ng 1-20 at mamili sa ating Tips.

Voila! You now catch your Crush's attention.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Twenty Ways to Catch Your Crush's Attention 🎉
Twenty Ways to Catch Your Crush's AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon