~~chapter 16~~

42K 736 6
                                    

 

 

Chapter 16

 

 

CYAN’S POV

“I am Mrs. Vettel mother of Reagan Evan Vettel and this is his fiancée Zoe Spears the daughter of business tycoon Elizondo Spears, at ikaw pampalipas ka lang nya ng oras, how much do you want para iwan mo ang anak ko.” Teka di madigest ng isip ko ng maayos eh. Nakakatanga SILA.

“Ikaw pala ang kinakalokohan ng anak ko, he also giving you expensive things, LV bags, shoes, jewelry wow nice really nice how old are you again hija?” dagdag pa nya.

Kinalolokokhan? I didn’t ask for it binibigay nya yun ng kusa ah.

“20 Madame.” Parang alam ko na kung ano ang gusto nyang sabihin pero ayaw ko naman na maging bastos sa kanya.

“20? Too young to be a gold digger sabagay kapag mahirap walang pinipiling edad lahat gagawin umangat lang sa buhay. Kakapit sa patalim kung kailangan tsk tsk tsk.” Naka taas kilay na sabi nya habang naka de quatro pa sa couch.

“Ma’am I think sobra na po kayo hindi naman po pera ang hanap ko sa anak nyo, I love your son Madame hindi ko naman po hanggad ang pera nyo at yung binibigay nya hindi ko naman po yun hinihingi sa kanya kusa nya po yung binibigay.” I said in a low but serious tone.

“At sino naman ang niloloko mo? And who do you think you are? You’re just nobody isa ka lang hamak na hampas lupa! Mangagamit ka opportunista! Leave my son and name your price.” may nilabas pa sya na check book at saka pinirmahan at saka tumayo sya at sinaksak sa dibdib ko yung check.

Zoe gave me a mocking look habang naka cross arms pa. Kinuha ko lang yung check at saka nilapag sa desk ni Reagan ng maayos. Ganto ba kapag akala mo langit at lupa ang pagitan nyo?

“Reagan is only for me and look at you ewwss wearing cheap dress yuck! Take the check and leave.” God! May mas maarte pa pala kay ate spring magsalita at ang sarap hatakin ng dila nya para mastraight magsalita konti na lang talaga bibinggo na sa akin tong dalawa na to.

“Kahit kelan hindi ka babagay sa anak ko dahil sa isa ka lang hamak na pobre, ang mayaman ay para sa mayaman kaya matuto kang lumugar and can’t you see my son has a fiancée kaya kung di pa malinaw sayo pinaglalaruan ka lang nya isasama sa mga collections nya I know my son well kaya kung ako sayo tanggapin mo na lang to at wag ka ng lalapit pa sa anak ko kahit kelan.” Bakit ba may mga matapobreng mayayaman? Ganto ba talaga ang mundo? But I won’t believe them unless si Reagan ang magsabi.

“Excuse me lang po I don’t want to be rude pero I think sobra na po kayo wala po kayong karapatan na maliitin ako you don’t know me as well as I don’t know you so if you’ll excuse me po.” Yun na lang ang sinabi ko kahit na gusto ko silang sigawan gusto kong magwala sa mga sinasabi nila.

The Bratty Bitch (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon