Kabanata 8

54.6K 902 4
                                    

Kabanata 8

CYAN

Ang tahimik ni Belle habang papauwi kami. Ni hindi nga sya umiimik habang nag dadrive ako. Nagaalala ako para sa kanya.

"Is there something you want to share with me Belle?" Nagaalalang tanong ko sa kanya. Para kasi syang nasa third dimensional world. Chos! Pero sa totoo lang nagaalala ako sa kanya.

"Ha?" Gulat na sabi nya. Mukhang hindi nga nya ata napansin na nasa bahay na kami. "Ha ha. Kaw talaga ang lawak na naman ng imagination mo. Pagod lang ako." pilit na ngumito sya sa akin.

"Belle, kilala na kita. I know may gumugulo sa isip mo. You can tell me what it is. Handa akong makinig." Hinatak ko sya papapupo sa couch. Pinatay ko rin ang tv para hindi sya ma distract.

Peke syang tumawa sa akin. "A-ano ka ba. Wala nag. Ay! Alam mo ba ang sarap ng kinainan natin kanina. Grabe nabusog ako sa sasarap ng pasta nila." Masarap naman talaga ruon. Kay Tita Mignonette ito pero si Kuya Trevor na ang nag hahandle.

Pinaningkitan ko sya ng mata. Ang galing nito talagang ibahin ang usapan.

"Wag mo nga akong niloloko Luanne Belle! Alam ko may problema ka ano nga yun?!" ang hindi madaan sa pakiusapan, pwedeng daanin sa galit galitan.

"Okay, okay, sige na nga. Kanina kasi ang bilis mong maglakad..." She said and paused.

"So ako pa may kasalanan?" nakasimangot na tanong ko sa kanya.

Kinuha ko ang sushi na gawa ni Mommy para sa amin at sinimulang kainin. Nakakagutom maghintay sa kanya.

"Hindi. Makinig ka nga kasi muna. Ayun nga, kanina nakabangga ko yung tyahin ko habang sinusundan kita. Bigla kang nawala at nakita nya ako kaya ayun nagwala sa ospital at pinahiya ako. She accused me na malandi at walang utang na loob. Basta marami pang masasakit na sinabi. Nakita ko rin yung tito ko at yung anak nila na naka confine dahil may dengue." Parang batang sumbong nya. I clenched my fist.

"You're not malandi tandaan mo yan. At hindi totoong wala kany utang na loob sadyang mga wala lang silang kwentang tao. Let's forget about them, isipin mo na lang meron ka nang bagong pamilya sa amin." Ngumiti sya akin at tumango.

Ayaw ko nang palakihin pa ang issue dahil alam kong kapag nag tanong pa ako sa kanya masasaktan lang sya. Mas magandang isipin nya na lang na kami na ang bago nyang pamilya. Kasi para sa akin, kapatid ko sya.

Pinilit kong ibahin ang usapan namin. Nilantakan namin ang mga padala ni Mommy sa amin at nagkwentuhan ng mga magagandang bagay. Sinabi ko rin sa kanya na plano naming pamilya ang mag punta sa abroad for vacation at dapat kasama sya. Sila mommy na ang bahala sa papers nya.

"Morning Cyan."

"Wow ang bait mo naman Belle may libre talaga akong breakfast in bed. Hihi." Tinawanan nya lang ako habang nilapag yung niluto nyang bacon at hotdog.

Mukhang maganda ang mood nya. Sabay kaming kumain ng luto nya. Mabuti na ito kesa sa malungkot na naman sya dahil sa ginawa ng impakta nyang tyahin.

"May pinadala pala si Mommy Paris na bicol express. Grabe ang sarap! Kumain ako kanina, di na ako nakatiis. Tapos yung kare kare na fave raw ni daddy Rain. Girl, taob ang lahat ng restaurant sa sarap." I chuckles. Kung naririnig ni mommy ang mga papuri nya naku papalakpak na naman ang tenga nuon.

"Tip ko sayo para ipagluto ka araw araw ni mommy ng mga ganung ulam. Purihin mo lang ang luto nya at konting bola. Sure na sure yan ipagluluto ka nya palagi. Gawain naming magkakapatid yan e."

The Bratty Bitch (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon