[Chapter 15] REMINISCENCE

836 20 0
                                    

[Chapter 15] REMINISCENCE

Tatlong araw na ang lumipas. Thursday na ngayon. Wala pa din sila Ferds, Art, Kiko at Gigs. Haaaay. Nandito nga pala ako sa garden ngayon. Busy ang mga teachers eh. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ata sa sports fest this coming September.

“Uy.dela Rosa. Nandito ka na naman?”

~~,) May asungot na naman dito.

“Hindi. Wala. Picture ko lang ‘to na nasa malaking frame.” --,) sagot ko.

Tumawa siya. Tawa tawa ka pa diyan. ~~,)

Umupo siya sa bench. At dala na naman niya ‘yung beats niya. Soundtrip ng soundtrip.

“Ano, magssoundtrip ka na naman tapos matutulog ka at papaalisin mo ako dito? Magtigil ka ah. Nauna ako dito. Kung gusto mo, ikaw ang umalis. ~____~” sabi ko sa kaniya.

Tinanggal niya ‘yung headphones niya.

“Ha?”

Ayy p*ta hindi pala narinig. ~~,)

“Ayoko na ulitin.”

Tumawa ulit siya.

“Ba’t ba tawa ka nang tawa? Sira ulo ka ‘no?” sabi ko.

“E nakakatawa ka e. May problema ba sa pagtawa ko?” sabi niya.

“Wala naman.”

Hindi na siya kumibo. Sa halip, parang nakatulala lang siya ngayon. Ang awkward naman ng lalaking ‘to. Pogi sana e ~~,)

Ryan’s POV

Natutuwa lang naman ako sa’yo eh. Gusto ko ngang sabihin sa’yo na ikaw lang nagpatawa sa’kin nang ganito e. Simula nung ma-heartbroken ako kay Cheska, parang nawalan na ako ng dahilan para tumawa.

Natahimik ako bigla kasi nagflashback na naman lahat ng nangyari sa amin ni Cheska. Lahat ng pangyayari sa buhay ko. At pagdating sa ganito, parang nanghihina ‘yung loob ko.

Grade 9 kami noon ni Cheska, muse na siya lagi ng section namin, at ng year level namin. Kami lagi ang magkapartner sa foundation day o kaya kapag Valentines. Actually, madalas kaming kunin as teenage models ng isang magazine kaya na-develop kami sa isa’t isa.

Iba pa si Cheska noon. Tahimik lang. Natural ‘yung ganda. Kaya niligawan ko siya. Dahil lagi kaming magkasama, hindi naging mahirap ang panliligaw ko sa kaniya. Sinagot niya ako.

Masaya. Masaya sa simula. Pero nung kalagitnaan na, tuluyan nang nawawala. Nagkaroon kasi siya ng contract sa isang TV network. Kinuha siya as commercial model. Ako naman, hindi ko tinanggap dahil alam ko masisira ang pag-aaral ko kapag nagstart ako sa ganoong career.

Nawalan na siya ng time sa akin noong time na naging busy siya sa sunod-sunod na pictorial at shoots. Masarap sanang magkaroon ng girlfriend na sikat, tinitingala, feeling mo napakaswerte mo pero sa totoo lang, para akong sinusunog sa tuwing makikita ko siyang na-lilink sa iba. Yung relasyon namin, tumagal ng tatlong taon.

Pero isa lang sa tatlong taon na ‘yun ‘yung perfect. The other two years, no communication. She has changed a lot. No love from her. She was linked with many boys. I was left in the air. In short, ‘di lang kami officially split. Pero sa totoo lang, matagal na kaming parang nagbreak. Hinintay ko lang na siya ang makipagbreak. Ayokong sa akin manggaling.

“Huy!” tinapik ni dela Rosa ang hita ko nagulat naman ako. “Bipolar ka ba? Kanina lang napakamaligalig ng buhay mo tapos ngayon nag-eemo kang hayup ka.”

-_____- Hayup daw ako.

“Wala lang. May naalala lang *ngiti*” sabi ko.

“Kailangan pag may naaalala nananahimik? Pwede mong isigaw ‘yung nararamdaman mo. Lahat kasi ng tinatago mong hinanakit, nagiging utot.” Sabi niya

She's Like a DudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon