CHAPTER 23 (IM HOME BUT LONELY AND ALONE)

24 2 0
                                    

(Author's Note: Matagal po akong nakapag update.Sorry. unang una dahil po wala ako sa wisyo..namatay po kase ung anak-anakan kong si Dave. At sobra po akong nalulungkot at nasasaktan hanggang ngayon. Kaya pag pasensyahan nyo na po. Thanks.)

Grey's POV

Finally nakarating din.

It's been a long time na nawala ako sa bansang ito. And now that i am here ano kayang mangyayari?

"Grey, lets go." Aya ni manager sakin

Sinundan ko na lang siya palabas.

Sabi niya kase driver niya ang susundo samin at ihahatid niya ako sa bahay.

Ayaw ko nga sana kaya lang mapilit si manager kaya hindi na ako tumutol.

Nandito na kami sa sasakyan.

Nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan lahat ng nadadaanan namin.

Pilitin ko man na wag isipin si Ram.

HIndi ko magawa.

Pakiramdam ko nanariwa lahat sa alaala ko lahat ng masasaya at masasakit na pangyayari saming dalawa ni Ram.

Ram..bakit ba hanggang ngayon ikaw parin?

Bakit ba hanggang ngayon hindi kita makalimutan?

Ang daya mo naman kase eh.

Nang-iwan ka agad. :(

"Grey are you okay?" My manager ask

"Yeah" matipid kong sagot

"C'mon Grey..i know your not."

Tsk. Pilipino talaga oh alam naman pala ang sagot nag tatanong pa.

"Manager hindi ko gets kung bakit ka pa nag tanong kung alam mo naman pala ang sagot."

"Gusto kong malaman kung nag papakatotoo ka na ba sa sarili mo. Grey, everytime na nag sisinungaling ka hindi kami ang niloloko mo kundi ang sarili mo"

Naks. Taray ni manager nag wwords of wisdom na naman. Minsan feeling ko siya si mom eh.

"Hayaan mo nalang ako manager."

"Grey, hindi ka makakapag move on kung hanggang ngayon kahit sa sarili mo hindi mo magawang mag pakatotoo. Try to be true to your self Grey. It will help you move on and let go all the guilts that you feel."

Boom sapul! Ang dali dali talagang sabihing mag move on at mag let go. Pero sobrang hirap gawin. Mas mahirap pa sa thesis at defense.

"Sya nga pala Grey, do you have any plans?" Pag iiba ng topic ni manager. Napansin niya sigurong naluluha na naman ako.

"Wala akong plano manager. Baka mag kulong nalang ako aa bahay."

Wala naman kase talaga akong plano.

"Well, in that case.Would that be okay if i ask you to come with me and help me buy gifts for your family and for my friends. You know naman ilang days nalang christmas na." Hay..wala naman akong ibang choice.

"Yeah sure. As if naman may iba pa kong choice diba?" Sagot ko kay manager

"Good. That's my girl." Nakangiting sabi ni manager

Naiiling nalang akong ngumiti at binalik ang tingin ko sa daan.

Haay.. kailangan pilitin ko na na mag let go.

Yun na lang ang huling sinabi ko sa isip ko at umidlip.

==========

"Grey, wake up. Were here."

I rub my eyes and slowly open it.

I saw our house full of christmas decor.

Decorations pa lang damang dama mo na ang pasko sa bahay.

Gusto ko muna sanang papasukin si manager kaya lang tumanggi siya dahil gusto na daw niyang makapag pahinga.

"Take some rest Grey. See you tomorrow." Manager said as she wave her hand to say bye.

" thanks." Un lang ang nasabi ko at umalis na sila.

Ako naman deretcho lang sa pag pasok sa bahay. Buti na lang dalawa lang ang maleta ko hindi ako nahirapang ipasok sa bahay.

Bago ko buksan ang gate tinitignan ko muna ang buhay.

Walang pinag bago  ganun padin ito malaki,maaliwalas sa paningin at maraming iba't-ibang bulaklak si mom lahat nag tanim nun mahilig siya sa orchids at anthorium.

Pag katapos manawa ng mga mata ko pumasok na ako sa bahay.

Namiss ko itong bahay na to, sobrang daming mga alaala dito.

Nakapasok na ko ng bahay wala man lang nakapansin sa akin. Nasan kaya sila?

Makaakyat na nga lang muna sa kwarto ko. Sobrang miss ko ang kwarto ko

Nandito na ako.

Walang pinag bago ang room ko.

Red parin ang theme ng room ko.

Ung gitara ko andito pa rin.

Makahiga na nga lang muna.

I really feel at peace today.

Iidlit na sana ako nang mapansin ko ung baboy na teddy na binigay ni Ram.

Niyakap ko ito at inamoy.

Naramdaman kong kumirot ung puso ko. Naamoy ko si Ram T_T

Paano ba kita nakakalimutan?

Hay naku. Na i stress na naman ako.

Makababa na nga lang at makakain.

Namiss ko ang pag kaing pinas at luto ni Mommy.

Bakit kaya ang tahimik ng bahay?

Papunta na ako ng kitchen

"Ms. Red?" Lumingon ako para makita kung sino ang tumawag sakin.

Si inday pala ang tumawag sakin.

"Hello. Mula ngayon Grey na ang itatawag mo sakin." Ayoko na kase talagang Red ang tinatawag sakin.

"Sobrang na miss kita Ms. Red ay Ms. Grey pala. Alam mo idol na idol kita ang sexy sexy mo at ang ganda mo pa. Grabe ang galing galing mong model." Natatawa ako kay inday. Nag ppose pose pa siya.

"Hahaha grabe ka talaga inday. May pag kain ba tayo?" Pag iiba ko ng usapan.

"Meron po. Kaya lang pritong isda na lang po kase wala po dito sila Mam at Sir."

"San nag punta sila Mom?"

"Nag bakasyon po sila kasama po si Ms. Thea"

Laglag panga ko sa narinig ko.

"Sayang naman. Hindi ko sila naabutan."

"Tawagan ko po sila gusto mo po ba Ms. Grey?"

"Ay wag na inday. Ok lang ako para ma surprise sila pag dating nila." Sagot ko

"Sige po Ms. Grey ipag hahain ko na po kayo."

"Thank you inday."

Pag ka tapos nun nag punta na si inday sa kitchen. Ako naman sa sala para manood muna ng tv.

Pag ka lipas ng ilang minuto tinawag na ako ni inday kaya pinatay ko na ang tv boring din naman kase eh. Puro balita lang.

Kaya nag punta na ako sa dining para makakain.

=======

Tapos na akong kumain andito na ako sa room ko. Sobrang bored ako. Ayoko namang puntahan si Sheen at sharm sa condo nila. Baka makita ko lang si alfred at dino. Lalo ko lang maaalala si Ram.

Hindi naman ako inaantok.

Hay naku..

I'm home, but lonely and alone.

Always and forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon