TBNP-3

7.1K 182 0
                                    

Nandito nanaman ako, sa isa sa mga benche's ng school malapit sa entrance gate. Hinihintay ko
 ang pinsan at kapatid ko---kapatid ko lang pala kasi, obviously late nanaman si trixie.


Kitam? Hindi ako late comers diba? Dahil ako palagi ang nauuna.


"Diba siya yung babaeng nakabangga ng five star dati?" Rinig kong tanong nung babaeng kakapasok lang ng entrance gate sa kasama niyang babae rin.


"Yeah. And she's wearing her black blazer again" sabi naman nung kamasa niya.


Tiningnan ko sila dahil sa pinagsasabi nila tungkol sa'kin at iniwas nila agad yung tingin nila sakin.


Kumakalat na talaga ang mga tsismosa sa panahon ngayon. Napatingin nalang ako sa gate at inaabangan ang anino ng babaeng hinihintay ko. Ma napansin akong dalawang babae na nagtutulakan papasok sa entrance gate ng school. Madapa sana kayong dalawa, ang aarte kasi. 


Ang tagal naman ng babaeng yun. Kung hindi ko lang talaga matitikman ang sigaw ni twinkle pag hindi ko siya hihintayin siguro natutulog na ako sa room namin ngayon.


"Princess!~  You've waited for me!" masayang sabi ni twinkle at lumapit sa'kin.


"Alam ko na kasi ang mangyayari pag hindi kita hinintay, nakakaawa ang eardrums ko." sabi ko at tiningnan siya.


"Kaya naman pala nag aalangan pumasok yung ibang studyante kasi may nakaabang na nakakakilabot na titig galing sayo na akala mo mangangagat. Tsk tsk." sabi ni twinkle sa'kin.


"May nangangagat na pala na mga titig ngayon?"  sabi ko sa kanya at tumayo na. "let's go" sabi ko at nagalakad.


"GUYS!" sigaw ni...Trixie.


Napahinto kami dahil sa sigaw ni trixie at tiningnan siya habang palapit sa kinatatayuan namin.


"Bakit hindi niyo ako hinintay?" sabi niya sabay pout.


"Hindi naman kasi namin alam na maaga ka ngayon. Oo nga pala! Himala maaga ka ngayon!" sabi ni twinkle sabay hampas ng mahina sa braso ni trixie.


Ako naman nakatingin lang sa kanilang dalawa. Nung napatingin sila sa'kin ay naglakad na ulit ako papunta sa room. Ewan ko, nakakatamad talaga magsasasalita.


"Here we go again, another no expression on her face" rinig kong sabi ni trixie at sumunod na sila sa'kin sa paglalakad.


Hindi pa pala siya sanay? Halos magkadikit na yung mga pwet namin sa araw-araw naming pagsasamang tatlo tapos hindi pa sila sanay? Tho, ngumingiti at nakikipag-usap naman ako sa kanila...MINSAN.


Pagkarating namin sa room wala pa yung guro namin. Pumunta na ako sa kadalasang pwesto ko sa room simula't sapul pa. Sa tabi ng binta sa huling upuan. Katabi ko naman si twinkle at ang katabi niya ay si trixie.


Nung napatingin ako sa labas ng bintana may nahagip ang mga mata ko, si mark may kalandiang babae. Hindi na nakakapagtaka, babaero eh.


"Where are you going?" tanong ni trixie sa'kin.


"CR" tipid kong sagot.


"CR o CANTEEN?" nakataas kilay niyang tanong.


Alam na talaga nila pag lalabas na ako ng room. Nakakagutom naman kasi talaga. Gusto kong kumain ng kumain. Haha


"Sama na rin kami total 15mins. ng late si maam kaya hindi naman na siguro dadating yun" sabi naman ni twinkle sabay tayo.


Palabas na sana kaming tatlo sa room ng mapahinto kami dahil sa isang sigaw na akala mo may sunog.


Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jul 07, 2018 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

The Black Numb Princess [UNDER EDITING]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang