TBNP-1

19.1K 303 0
                                    


"Princess! I'm glad you're already here!" sabi ni twinkle pagkakita niya sa'kn.




Si Twinkle pala, ang half sister ko. Fil-Am yan. Ako naman si Princess Ayeesha Loreen. Mas matanda ako ng isang taon sa kanya but we're in the same year in school. Hindi rin kami sa iisang bahay nakatira dahil ang papa niya talaga ang mahal ng mama at ako? Isang bunga ng karahasan. 


It was 17 years ago nang mangyari ang karahasan nayun. Hindi ako nagpapatawag ng ate sa kanya, isang taon lang naman agwat namin.


Tiningnan ko lang siya imbes na sagotin. Alam naman niyang hindi ako late comers sa school eh, hindi man halata.



"there you go again with that poker face of yours" sabi niya sa'kin at umirap. Para namang hindi na sanay ang babaeng to. Sa ilang taong nagkakasama kami na ganyan na lagi ang suot ko sa mukha. Pati nga dito sa school natawag na akong numb dahil sa pagiging walang reaksyon ko sa lahat ng ginagawa nila'ng pambubully sa'kin.



"let's go" sabi ko nalang sa kanya at nagsimula nang maglakad.

"Wait, What about Trixie?" tanong niya.

"oh? Hindi kapa sanay?" Tanong ko sa kanya. 



Si Trixie naman ang nag-iisang pinsan namin ni Twinkle. hindi na kasi namin nalaman kung saan na nilagay ng Diyos yung ibang kamag-anak namin.

Sa aming tatlo si Trixie ang palaging late sa lakad. Magkasing-edad lang kami ni Trixie. Yang babaeng yan...may tinatago yang pinakamalaking sekreto.




"Oh yeah, right. let's go, let's find our new classroom! Weee, I'm so excited to meet our new classmates!" sabi niya na pumapalakpak pa. Kailangan pa talaga n'yang sumigaw eh noh, para siyang bata.


-_-


Class A-4 kami. Matatalino naman kami kahit papano.

Nakarating naman kami sa room ng hindi pa nahahawa sa kabaliwan ni Twinkle. lahat nalang ng estudyanteng nakakasalubong namin eh nginingitian niya ng pagkawagas-wagas. Ibang-ba talaga kami ng babaeng to. SOBRANG magkaiba.


Sa unang araw ng pasokan eh walang pumapasok na guro sa room kasi "Getting to know each other" pa raw ang mga estudyante. Ang corny diba?

Pumunta nalang kami ni Twinkle sa canteen pagkatapos niya isa-isahin ang mga kaklase namin at nagpakilala. Para siyang tatakbong prisedente.

-_-

Habang kumakain kami ni twinkle, may biglang kumausap sa'min.. 



"Hey guys!" tiningnan namin ni Twinkle yung nagsalita kahit na kilala na namin siya sa boses palang. 



Sino pa ba ang nag-iisang dakilang LATE? Edi si Trixie Park. Binalik ko naman agad yung atensyon ko sa pagkain ko, hindi naman ako mabubusog sa pagtingin at pagbati sa kanya eh.

Masama na kung masama. As if i care. I care about my food.




"HI!" masiglang sabi ni twinkle.




"Sanay na ako sa babaeng yan. Basta pagkain na yung karibal natin?! Nako, nako, wag nang umasa!" sabi ni Trixie na may pasapok pa ng kamay sa kanyang noo pagkaupo niya sa harapan namin.



Ang sarap naman kasing kumain at tsaka gaya nga ng sabi ko hindi ako mabubusog kung titingnan at kakausapin ko lang siya, masasayang pa laway ko--teka familiar ang bahong yun ah.. napatingin ako sa box na nilagay ni trixie sa mesa namin at pagkabukas niya nito bumungad sa maganda kong mukha ang isang kumikinang na...

The Black Numb Princess [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon