Chapter 8

257 17 0
                                    

Mamayang gabi na ang debut ni Chloe at excited ma kaming lahat lalong lalo na si Ara. Mas excited pa nga siya kay Chloe eh.

Pinapunta kami ni Chloe ng maaga sa bahay nila doon na daw kami mag-lunch kaya naman sumang-ayon kaagad kami ni Ara.

Kailangan ko muna magpaalam kay nanay. Baka kasi malintikan ako kapag hindi ako nakapagpaalam sa kanya.

Nagwalis, nag-urong, nag-lampaso, nag-agiw at nagtupi ako. Tangina nakakapagod talaga.

Nasaan kaya si nanay?

Hinalughog ko si nanay sa buong bahay namin pero hindi ko siya namataan. Lumabas ako at nakita ko siyang nagdidilig ng halaman.

Kaunting napa-awang ang bibig ko. Ngayon ko na lang ulit nakitang nagdidilig si nanay. Siguro, ilang taon na ang nakalipas noong huli ko siyang nakitang nagdidilig ng halaman.

Naglakad ako papalapit kay nanay.

"Nanay debut po kasi ngayon ni Chloe. Pwede po ba kong matulog sa kanila?" Tumingin kaagad si nanay sa akin at kitang-kita ko ang pagkairita sa kanyang mga mata.

"Kahit hindi ka na umuwi wala akong paki..." Sanay na naman ako makarinig ng ganito kay nanay kaya minsan papasok sa kabilang tainga ko at lalabas ng kabilang tainga.

"...pakisabi na lang kay Chloe happy birthday" Naiwan akong nakatunganga doon. Parang may kung ano kay nanay na hindi ko maipaliwanag pero hindi ko na lang iyon pinansin.

Pumasok ulit ako sa bahay at gumayak na para makapaunta na ako sa bahay nila Chloe. Dadaanan daw ako ni Manong Elyas at Ara kaya dapat gumayak na ako.

Nagsuot lang ako ng maroon na v-neck shirt at shorts. Panigurado kasing may mga tao na sa bahay nila Chloe.

Nakareceived ako ng tawag kay Ara na malapit na daw sila kaya naman lumabas na ako ng bahay at naghintay sa labas ng gate namin. Kitang-kita ko na ang kotse nila at pinagbuksan kaagad ako ni Manong  Elyas.

"Im so excited omygosh." Sabi ni Ara habang tumitingin sa kanyang brush na may salamin sa likod.

"Ako din." Sabi ko. "Ara, may napansin ako kay nanay." Napalingon kaagad si Ara sa akin at itinaas niya ang kanyang dalawang kilay.

"Hmmm?"

"Nagdidilig siya ng halaman tapos pinapabati niya si Chloe." Sabi ko.

Bumaling ulit siya sa salamin at tiningnan ang kanyang sarili.

"Anong kapansin-pansin doon? Hindi lang siguro naka-inom si Tita kaya medyo good mood. Binati niya din ako noong birthday ko. Remember?" Siguro tama nga si Ara. Baka hindi lang naka-inom si nanay kaya medyo good mood siya at nakuha niyang makapag-dilig ng halaman.

Mabilis kaming nakarating sa bahay nila Chloe dahil wala namang traffic sa daraanan.

Pinapasok kami kaagad ng guards nila at diretso kaming pumasok sa bahay nila Chloe. Nakita namin siyang kumakain ng fried at pizza kaya umupo kami ni Ara sa harapan niya.

Kumuha ako ng dalawang fries at isinubo kaagad.

"Wow medyo maaga huh?" Napatango na lang kami ni Ara at sabay nilantakan ang pizza.

"Where's Tita Carina and Tito Louie?" Pagtatanong ni Ara sabay palinga-linga.

"May business meeting lang sila sa Bulacan. Mamaya ay nandito na din sila." Sabi naman ni Chloe at kumuha ulit ng isang slice ng pizza at sinubo kaagad ito.

Dumating na ang mga make-up artist ni Chloe at ang mga organizer ng events kaya naman sabay-sanay kaming kumain ng lunch at masayang nagkwentuhan. Syempre hindi mawawala si Katty na bidang-bida sa pagpapatawa niya.

Love Finds Me (#Wattys2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon