Chapter 5

437 20 0
                                    

Wala kaming pasok tuwing Thursday, ngayon lang ako may oras para pumunta sa coffee shop ng mommy ni Chloe dahil kailangan ko ito upang maasikaso ko ang pangangailangan namin ni nanay. Nahihiya na ako kay Aling Josie dahil ang ibang pera niya sa sweldo ay ipinangtutustos niya sa amin. Isang janitress si Aling Josie sa isang pabrika at alam kong hindi ito sapat para sa aming tatlo. Kahit hindi niya kami kadugo ay pamilya na ang turing niya sa amin. Ganoon kabait si Aling Josie upang tulungan kami.

Buti na lang at may naitabi pa akong pera noong nagtrabaho ako sa pabrika kaya ito ngayon ay ginagamit ko upang ipang-baon ko sa eskwela o kaya naman mga gamit na kailangan ko sa eskwela. Idagdag pa ang mga allowance na nakukuha ko sa tatlong scholarships ko. Ang laking tulong talaga nito. Lalo na yung scholar ko sa CHED na 15k per sem. Malaking tulong talaga at nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi niya kami pinababayaa.

Si Tita Carina na mommy ni Chloe ang nag-alok sa akin ng trabaho na ito. Buti na lang talaga at kilala ako ni Tita Carina. Malaking tulong ito para sa amin ni nanay.

Hindi na niya ako inassess pa o hiningan ng kahit ano bagkus ay kusa niya akong pinasok sa kanilang coffee shop. Laking pasalamat ko sa pamilya ni Chloe.

Nagbihis ako ng white v-neck na t-shirt, pants at sneakers. Ipinusod ko ang aking mahabang buhok upang malinis at presentableng tingnan. Bumaba ako para ipaghanda si nanay ng pagkain na ngayon ay tulog pa rin dahil naka-inom na naman siya kagabi. Halos alas-tres na ng madaling araw siya umuwi dahil nakipag-inuman na naman siya kila Aling Carmelita.

Nagluto na ako kanina ng tuyo at itlog, ipinaghain ko lamang siya at ipinagtimpla ko na din siya ng kape. Hindi ko na din naabutan si Aling Josie dahil maaga din ang kanyang pasok.

Lumabas na ako ng bahay at laking gulat ko na tumambad sa akin ang kotse ni Van. Nakasandal siya sa harap ng kanyang kotse at naka-ngiti sa akin.

Shit. Anong ginagawa niya dito?

Lumapit ako sa kanya at ngayon ay naka-giti pa rin siya.

"V-van? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nakita kong may mga dumadaang etchosero at etchosera na tumitingin sa amin ni Van pero hindi ko na sila pinansin.

"Sinusundo ka." Mahina niyang sabi.

"Ha?"

Lumingon ulit ako dahil baka kung sinong makakita sa amin at isumbong ako kay nanay buti na lang at wala.

"Pinapasundo ka ni Tita Carina. Tara na." Hinigit niya ang kamay ko at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil kaagad niyang binuksan ang engine ng sasakyan.

Napa-awang ang aking mga labi sa bilis ng pangyayari.

Lumingon siya sa akin. "Balita ko, papasok ka daw sa coffee shop nila Tita Carina kaya naman ako na ang inutusan niya upang sunduin ka." Kinindatan niya ako at nagsimula ng magmaneho ng sasakyan.

"Ah. Eh. Nakakahiya naman sayo naabala pa kita." Nahihiya kong sabi.

Diretso lang ang tingin niya sa daan, napatingin ako sa mukha niya kahit na naka-sideview lang siya at gwapo pa rin siya. Aish. Ano ba itong iniisip ko. Jusmiyo marimar!

"Ayos na ayos sakin basta ikaw and wag mo kong titigan ng ganyan baka matunaw ako, ikaw din hindi mo na ako makikita kapag natunaw ako." Humarap siya sa akin at halos ika-awang ng mga labi ko. Ngumiti ulit siya at kumindat pa. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

"Baliw." Sabi ko. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga magagandang bahay na nadadaanan namin.

Iglang saglit pa ay nakarating na kami sa tapat ng coffee shop nila Chloe pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan at nagpasalamat ako sa kanya.

Love Finds Me (#Wattys2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon