MSG 22.

102K 2.5K 1.2K
                                    

Chapter 22.

Candice's POV.

"Saan tayo pupunta?" I asked him. papunta kami ngayon sa hindi ko alam. Seriously.

"Sa anywhere." He said. hawak ng right hand niya ang left hand ko while he's driving, nakapatong ito sa hita ko.

"Anong anywherer? Be specific." I said.

"Reyna beb naman, brat ka na ulit ah." He laughed. Natawa na din ako, atleast ngayon nabasawan ng malaki ang problema namin.

"Eeeehhhhhhh. saan ba kasi?" pangungulit ko.

"Sa anywhere nga, reyna beb! Hindi mo ba matandaan???" He asked.

Matandaan? Anywhere? Hmm.... Ah! naalala ko na, dito kami nag 'date' nung nagkita kami ulit!!

"Naalala ko na! Oh my gosh, sa wakas ay makakapunta na ako ulit don!" I giggled.

"That's my reyna beb. Babasahin ko yung letter mo na nakasabit don sa balloon." He smirked.

Hindi ko na maalala kung ano ang isinulat ko don, pero sure akong mahihiya ako sakanya pag nabasa niya yon.

Ang saya saya ko ngayon, magkasama kami, magkahawak kamay at walang sama ng loob. Walang bangayan at pang-iinsulto. Pure LOVE!

After an hour or so ay nakarating narin kami. Medyo traffic kaya hassle pefo at last andito na rin kami!

Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad na hinawakan ang kamay ko.

"Woah..." I mumbled. may maliit na tent doon!

"Did you prepared for this?" I asked.

"Yes. actually, kagabi ko pa ito pinaayos, kagabi sana kita dadalhin dito at makikipag-ayos na ako, kaso nakakainis ka, umalis ka nanaman ng bahay. Saan ka ba galing kagabi?" Medyo nagtatampo yung tono ng boses niya. Hahaha cutie naman ng mahal ko.

"Actually...... to the hospital."

"Why? are you sick? saan? dapat tin---...."

"Xerxes was confined, critical state."

"Bakit?"

"Huh? don't you remember? You almost killed him nung nag TGIF tayo..."

Napakamot siya ng ulo. "Seryoso? Critical state? Ehhh, deserve niya yun. Gago siya eh. tawagin ba naman akong stupid pilot at ang lakas ng loob lumandi sa iyo?" medyo galit niya pang sabi. Ugh, ang cutie talaga ng mahal ko!!

"Mahal ko, kung tutuusin ako naman talaga yung may kasalanan eh. Malay ko bang nagselos ka pala." I poked his cheek.

"Reyna beb, hindi ako nagseselos.. it's just that, ayaw kong may gumagawa ng ganon sa pagma-may ari ko." He said.

"Ahh, hindi ka nagseselos? Possessive lang?"

"Uhm.... i guess, protective is the right term." he laughed.

"Sus, palusot."

"Nakakapag-tampo ka parin kasi hinalikan mo yung neck niya." He looked away.

"Cutie mo naman beb! Hahaha! di ko yun hinalikan, baliw. nilapit ko lang yung mukha ko sa leeg niya."

"Ganon na rin 'yon."

"Wag ka na magtampo. Sige na, hindi ko na siya lalapitan kapag magaling na siya. Basta off limits ka na rin kay Cheska."

Bigla siyang natahimik when i mentioned Cheska. Mahal niya ba talaga si Cheska para maging affected siya?

"Beb, malabo.." he said.

"Ang alin?"

"Girlfriend ko si Cheska eh...." He mumbled. Ouch.

"O-oh.... pano na tayo?"

"Hindi ko rin alam..."

"Pwede ka namang makipag-break sakanya ah? Ako ang legal dito, mistress lang siya." Inirapan ko siya. masakit parin isipin na may kabit siya kahit okay na kami.

"Hindi kasi ganon kadali yon..."


"At bakit hindi? May nangyari na ba sainyo?" I asked. Tangang question yan Candice, malamang meron.... nagtanong pa ako kahit alam kong ikadudurog ng puso ko yung isasagot niya.

He remain silent. Alam ko na yung sagot. Shit, masakit to ah.

"M-m... Mahal mo ba si Cheska?" Isa ko pang tanong. Martyr ka talaga Candice noh? Again, alam ko na yung sagot.

He slowly nod. Shit, shit. Ha ha ha. Hindi masakit.... hindi talaga.

"Pero syempre mas mahal kita, mahal na mahal kita. Natutunan ko lang siya mahalin dahil andon siya nung mga panahong kailangan ko ng kaibigan..." He explained.

"Okay sana kung may nangyari lang sainyo eh... kaso minahal mo siya..." I cried. hindi ko na mapigilan yung luha ko. Mas masakit pa to kesa sa mga nangyari this past few days...

"Beb, wag naman ganito.... maso-solusyunan natin 'to.." hinawakan niya yung kamay ko.

"Okay lang naman na dalawa kami eh, okay lang talaga... kaya ko magtiis kasi di ko kayang mawala kita ulit. Pero shit naman, ang sakit kaya, ako yung asawa pero may nakikihati pa... Ano bang meron siya na hindi mo kayang pakawalan?"

"Kasi nga may butas yung puso niya, may asthma pa siya, beb hindi ko naman kaya yung ako pa yung magiging dahilan ng pagkawala niya... beb sobrang hina ng puso niya, bawal masyadong malungkot, bawal mabigla, bawal maging sobrang saya... bawal ang deep emotions... kaylangan steady lang yung nararamdaman niya... beb.... hindi ko na alam.." umiiyak na rin siya. Niyakap ko nalang siya.

Naiintindihan ko siya, kung bakit hindi niya magawang pakawalan si Cheska. Mahal niya si Cheska kasi naawa siya, Mahal niya ako kasi ako yung gusto niyang makasama habang buhay.

"I love you, Daniel Jacob Anderson. maayos din 'to, i will never leave your side... ever again.."

My Stupid Groom (MBB II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon