T.R.O.Y Chapter 48: Accident " THE LAST CHAPTER "

23.3K 298 22
                                    

Dedicated to sweetadmirer. Hahahaha. Heto na yung request mo. Pero, hindi ata siya nakakiyak :D Hahahahaha XD

AN: This is the LAST CHAPTER of The Revenge of Yanna. May Epilogue pa po ah. SIguro I'll post it next week :D Mahaba haba ata itong ginawa ko. I do this just simply as I can :D Sana magustuhan niyo. Kung may violent reactions, just comment :D

Happy 15K Views TROY!! I ♥ 15 :D

READ... ENJOY... COMMENT AND FEEDBACKS :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 48: Accident "THE LAST CHAPTER"

Yanna's POV

Buong gabi, umuulan. Tila ba, nakikisabay ito sa nararamdaman ko. Hindi ako makatulog dahil sa katangahang ginawa ko.

Lahat ng bagay na ibinigay niya sa akin, ngayon ay hawak hawak ko. Ang mga teddy bears na binigay niya sa akin ay yakap ko lang. Kahit dito man lang, maramdaman ko na si Troy ang kayakap ko.

Napatingin ako sa malaking salamin sa kwarto ko. Namumugto na ang mga mata ko. Aanhin ko ang ang ganda kung wala na sa aking ang mga kaibigan ko at ang taong mahal ko.

Mas masakit ang ginawa ko sa kanya. Oo, physically sinaktan ko siya. Pero emotionally...

Sobra ko siyang nasaktan. Pati ang sarili ko, nasaktan ko na rin. Mas lumalim ang sugat dito sa puso ko.

Wala pa ring tigil ang mga luha ko sa pagbagsak. Sobrang sakit. Ang masama pa, mag-isa lang ako ngayon sa bahay.

Dahil siguro sa kakaiyak, nakatulog na ako.

***

Nagising na ako na mataas na ulit ang araw. Napatakip ako sa mukha ko kasi nasisinagan ako ng araw.

Naalala ko yung monthsary namin na nagsleep over siya dito. Dito sa kwarto ko, tumabi pa nga ako sa kanya para makasama siya pagpatak ng 12midnight.

Heto nanaman ako, may namumuong luha sa mata ko. Napakaiyakin ko na talaga.

The Revenge of YannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon