T.R.O.Y Chapter 27: Need A War?

29.5K 443 39
                                    

Dedicated to ThatKPopObsession. Bilis niya atang magbasa. Hahahaha :D Keep reading!

AN: Here's my second UD. Ahahaha. Natapos ko na yung 3rd UD ko kaya maya maya maiipost ko na rin :D

READ... VOTE... ENJOY... COMMENT AND FEEDBACKS :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 27: Need A War?

Stacie's POV

Ngayon na nakuha na ni Yanna sa akin ang title, ano naman ang gagawin niya?

Ni minsan hindi ko naisip na gagawin ito ni Yanna. Super kampante lang ako kasi, alam ko namang palaban siya not to the point na she wants a revenge.

Wala naman akong maisip na paraan para matigil siya. She doesn't want Troy. Eh ano bang gusto niya? Sabi niya kukunin niya ang lahat. As if naman.

Pati ba naman si Hector? Sabagay magpinsan sila eh. Dapat nga ako yung magalit kay Hector kasi siya yung nangiwan at hindi ako. Bakit ba niya ginagawa ito sa akin?

Kung hindi sana nangyari ito, magiging maayos ba kami ni Hector? Sobrang namiss ko siya. Three years akong umaasang babalik siya. Pero, nung bumalik naman siya, masaya na kami ni Troy.

" Stacie, andyan na yung boyfriend mo. Hinihintay ka. "

Bumalik ulit ako sa sarili ko. Bakit ko ba iniisip ang mga bagay na iyon? Haayy. Bahala na. Lumabas ako ng bahay ng nakasmile to cheer up myself. Si Troy naman parang malaki eyebags? Naglalakad kami papuntang school. Holding hands pa kami pero tahimik lang kami.

" Troy? May problema ba? Bakit ang tahimik mo at malaki eyebags mo? Nagpuyat ka ba? "

" Wala. Hindi lang ako makatulog kagabi. Halika na, baka malate pa tayo. "

Wala pala eh. Hindi na ako nagtanong. Pero ako kinakabahan. Parang may mangyayaring hindi kanais nais ngayong araw. Tss wag ka nga magpakaapekto sa ganyan.

Pagpasok namin sa gate ng campus, nagtinginan sa amin yung mga tao. Nagbubulungan pa pero dinig din namin...

The Revenge of YannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon