Kabanata VIII: A VISIT

51 1 0
                                    

A Visit.
- - -

NAGISING ako nang maramdaman ang init ng sikat ng araw na tumama sa'king mukha mula sa nakabukas na double glass window ng room ko.

"Shocks! It hurts." Papikit-pikit akong umupo sa gilid ng kama habang sapo ang mabigat kong ulo.

May hangover ako dahil sa pag-inom namin kagabi. I glanced at the alarm clock on my bedside table before standing up. I woke up too late. Fortunately, there was no on-site visit today; otherwise, I would have been in big trouble.

"Saan ka galing kagabi, Keira? Bakit late ka na umuwi?" I was greeted by Dad's, as always, serious voice, pagkarating ko sa kusina. He's intimidatingly sitting at one end of the table, surveying me with a serious expression on his face.

"I just went out with my friends," I said before sitting down on the other side of the table across from him.

Dad exhaled violently. "Hang out with your friends again? Wala ka na bang ibang alam na gawin bukod diyan?!"

Napapitlag ako sa kinauupuan nang malakas niyang ibinagsak ang isang kamay niya sa table, kasabay ng pagdagundong ng nanggagalaiting boses niya sa buong kusina.

"Hindi kita pinag-aral para maging pariwara, Keira! Ano bang plano mo sa buhay? Kailan ka ba magtitino ha?!"

Umigting ang panga ko sa narinig, but I chose not to say anything. Sa nanginginig na kamay dahil sa sakit ng ulo ko, inabot ko na lang isang tasa ng kape sa harapan ko.

Ibinaling ko ang mga mata ko sa gilid. Ayokong sabayan ang galit niya. Ayokong makipagtalo dahil alam kong kahit anong sabihin ko, hindi ako mananalo sa kanya. He's always right and must always be right.

I ate my breakfast quietly until Aunt Norin came and sat next to Dad. I greeted Tita Norin casually before finishing my breakfast and leaving the kitchen.

I PARKED MY BLACK AUDI IN FRONT OF A PASTRY SHOP. I was about to unbuckle my seatbelt when I saw my reflection in the rearview mirror!

"Ughh! I hate eyebags!" My nose wrinkled as I stared at the dark shadows under my eyes.

I got that from all the thinking I did after Levi drove me home last night. Iyon ang kauna-unahan niyang paghatid sa'kin.

I grinned at that thought. Still grinning, kinuha ko ang Prada sunnies ko sa storage compartment at isinuot iyon. I clutched my black Versace bag before I got out of my car.

I ignored those amused stares directed at me, thinking I was a celebrity. Taas ang kilay na nagpatuloy ako sa paglalakad papasok sa pastry shop.

"Keep the change," I said to the waiter after she handed me my order. It's a 6-inch chocolate cake and two Frappuccinos.

Inayos ko muna ang suot kong sunnies bago tumalikod. Naglakad na ako palabas ng shop at sumusunod sa'kin ang tunog ng takong mula sa 4-inch strappy heels ko.

Inilagay ko ang mga binili ko sa shotgun seat at binuksan ang stereo bago pinaandar ang sasakyan. I'm going to Blynth, where Levi's condo unit is.

BUMUKAS ang pinto ng unit sa pangatlong bell ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

Wow! Napasipol ako nang tumambad sa'kin ang mapanuksong hitsura niya.

"Hi! I'm...umm...I have..." Sunod-sunod akong napalunok ng sariling laway nang bumaba ang mata ko sa nakaumbok sa ilalim ng puting tuwalyang nakatapis sa baywang niya.

He's not wearing anything under that towel! I felt heat spreading through my body from my naughty thoughts.

Napakagat ako ng labi nang gumapang na paakyat ang tingin ko sa V-shaped torso at six-pack abs niyang nangingintab gawa ng tubig na tumutulo pababa mula sa basa at magulong buhok niya.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon