Kabanata XV: UNIMPRESSED

29 0 0
                                    

UNIMPRESSED.

________________________________________

        THE WORKERS were just taking their first break when I arrived at the site. I’m late, but this time, it’s valid.

Nakipagkita pa kasi ako kay Mrs. Valerio para ipakita sa kanya ang revised layout plan na ginawa ko dahil may mga gusto siyang baguhin at dagdagan sa design. I also asked for Architect Fiah’s opinion about the plan. So far, she has agreed with most of my designs.

Inabot kami ng isang oras bago matapos sa meeting. I headed to the site right away dahil kailangan kong konsultahin ang mga engineer sa project na kasama namin sa project na ‘to.

I roamed my eyes around the site to look for him. It’s been a week since we argued about Aranquez. If it’s just me, I don’t want to remember that day. It’s too embarrassing.

My brows furrowed when I didn’t see any sign of him. Lumapit na lang ako kay Mang Kiko na nakaupo sa labas ng kubo. Nakaupo siya sa bench na gawa sa kawayan at nasa lilim ng mababang puno ng Ipil-ipil. Sa tabi ng bench na 'yon ay mga lumang hollow blocks na pinagpatong-patong para maging lamesa.

“Si Engineer Levi ho?” agad na tanong ko pagkalapit kay Mang Kiko.

“Naku Ma’am, hindi ata papasok si Neer Levi ngayon. Kahapon pa kasi masama ang pakiramdam niya,” aniya.

I frowned even more. Why didn’t I know about this? Kaya ba mainit ang ulo niya kahapon?

“Architect Yturralde.”

Nilingon ko ang tumawag sa’kin—si Foreman Madrigal na papalapit sa’kin.

Foreman Geronimo Madrigal is a senior engineer na kasama namin sa proyekto. He’s the lead engineer of the Engineering team—ang team ni Levi na humahawak sa proyekto.

He’s Levi’s senior, it’s just that Levi is good at communicating, kaya siya ang tumatayong spokesperson ng team nila at kumakausap sa mga kliyente.

Tumigil si Foreman Geronimo sa harapan namin ni Mang Kiko.

“Foreman Madrigal...” nakangiting bati ko sa kanya.

“Are you busy?”

“Not really, sir,” I replied.

“Ganun ba?” Ngumiti sa’kin si Engr. Madrigal, making the wrinkles at the corners of his eyes even more obvious. “Siya nga pala, tutal wala naman si Engr. Deogracias dahil sa sakit niya, maaari mo ba akong tulungan sa design plan na ‘to? Abala ang mga kasama ko at ayaw ko silang istorbohin,” aniya na itinaas pa ang nakarolyong blueprint sa kanang kamay niya.

I nodded politely. “Sure, Engineer.”

Nauna nang pumasok si Engr. Madrigal sa kubo. Mabilis ko namang binalingan si Mang Kiko at nag-excuse.

Pumasok na ako sa kubo at sumunod kay Engr. Madrigal na papunta sa kawayang lamesa.

Like what Engineer Madrigal asked, I helped to elaborate some details in the design plan.

“Thank you for helping me, Ms. Yturralde,” ani Mr. Madrigal habang palabas kami ng kubo. Wala na sa labas si Mang Kiko dahil bumalik na siya sa trabaho niya.

“No wonder Architect Quiñones is confident in leaving the project to you while she’s recovering. I’m actually surprised at how good you are with the design plan…”

Hearing that, a wide smile spread across my lips, pero agad na napalis ‘yon sa mga sunod na sinabi ni Engr. Madrigal.

“You’re good, contrary to what Engineer Deogracias said.”

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon