UNANG KWADERNO 2012

758 78 20
                                    

UNANG KWADERNO 2012 - ''MULA SA KWADERNONG NAGLALAMAN NG MGA HINDI PINAGISIPANG KWENTO''

''Bebang..'' 

 ''Bakit?'' 

 ''Bakit ang panget mo? HAHAHAHAHAHAHA!'' panunudyo ni Zec.

 Siya si Bebang. Pangit. Maitim. Mataba. Tampulan ng asaran. Halos lahat na ata ng kapangitan ay nasa kanya.  Tinuktukso siya ng lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya.

 PANGIT.

Kung pangit ka, talo ka.

Si Bebang, ni wala siyang magawa kundi umiyak at magmukmok sa isang tabi. Kasalanan ba niya na ipinanganak siyang pangit?

Walang nakakaintindi sa kanya. Ni wala din siyang mga kaibigan dahil pinandidirihan siya ng lahat ng mga tao. Wala siyang magagawa kung walang gustong makipagkaibigan sa kanya.

Minsan, iniisip niya na sana hindi nalang siya nabuhay sa mundo. 

Ngunit napagtanto niyang, ang lahat ng bagay ay my dahilan.

 At siya ay nabuhay dahil sa isang dahilan.

 Kahit kailan hindi niya sinisisi ang Diyos sa lahat ng mga nangyayari sa kanya. Sa katunayan, malakas ang paniniwala niyang hindi siya papabayaan ng Diyos. 

Wala siyang kamalay-malay na matagal na siyang tinalikuran ng kanyang Diyos. 

 Ang buong buhay ni Bebang ay hindi kailanman naging makatarungan sa kanya; hindi naging patas para sa kanya.

 ''Hello mga kaibigang puno! Kamusta kayo?'' Nang dahil sa kawalan ng kaibigan, naituon na lamang ni Bebang ang atensiyon niya sa mga halaman at puno - Naiiyak na kinakausap ang mga puno sa gubat.

Sa gubat. 

Diyan sa tumatakbo kapag naiiyak na siya at nawawalan na siya ng pag-asa, Kinakausap niya ang mga puno, mga halaman, at ang mga iba't-ibang insekto. Itinuturing niya itong parang mga tunay na kaibigan.

 ''Kamusta kayo? Buti naman at maayoskayo. Ako man hindi..Hindi ko alam kung kailan ako magiging maayos.''  sambit ni Bebang na may halong pagkalungkot.

 ''Bakit kaya nasisiyahan ang ibang mga taong makita at punain ang kakulangan ng iba? Lubha silang mga mapanghusga ngunit ano nga ba namang magagawa ko? Isa lamang akong hamak na...... PANGIT. Katulad ng sinasabi nila...'' pagpapatuloy niya.

 ''Hindi ko naman sila sinasaktan pero bakit nila ako tinutukso?'' tanong ni Bebang sa sarili habang kausap ang mga halaman.

''Bebang, sadyang ganyan ang buhay. Minsan mayroong nasa itaas. At mayroon din sa ilalim. Ang buhay ay kailanman di naging pantay.''    Isang mahiwagang tinig ang biglang nagsalita.

 ''HALA! Sino yun?? Ikaw ba yung nagsalita kaibigang puno? Nagsasalita ka pala?'' sambit ni Bebang.

'Bebang....'' muling bulong ulit ng isang mahiwagang tinig. 

 ''Bebang, nais mo bang taglayin ang nakakabighaning kagandahan? Ikaw ay binibigyan ko ng isang kahilingan.'' pagpapatuloy ng isang mahiwagang tinig.

Biglang  gumaan ang pakiramdam ni Bebang sa kanyang narinig. Wari'y  tinutukso siya ng  pagkatuwa at pagkabigla.

Isang kahilingan? Isang magarbong kahilingan.

''Talaga po? Ngunit paano?'' takang-takang sambit ni Bebang habang lilinga-linga sa paligid wari'y hinahanap kung saan nangagaling ang mahiwagang tinig.

''Isang tumataginting na kahilingan kapalit ang buhay ng iyong nag-aagaw buhay na ina. Magagawa mo bang patayin ang iyong ina kapalit ng panghabang buhay na kahilingan mo?'' sagot ng mahiwagang tinig.

''Ang buhay ng aking ina? Ngunit bakit?'' sagot ni Bebang.

''Oo o hindi lamang ang sagot Bebang.  Ang mga katanungan ay walang saysay.'' sagot nung mahiwagang tinig.

 Nag-isip si Bebang.

Ang nag-aagaw buhay ng kanyang ina kapalit sa kanyang magpakailanmang kahilingan?

Matanda na ang kanyang ina at malapit na rin itong mamatay.

 Desidido na siya sa kanyang desisyon. Ngunit paano siya nakakasiguro?

''Bebang, sinisigurado kong totoo ang lahat ng aking sinasabi. Magtiwala ka lang gaya ng iyong pagtitiwala sa Poong Maykapal na ang lahat ay iyong makakamtan.''  sambit ng mahiwagang boses na tila nabasa ang nasa utak ni Bebang.

Wala na siyang pinalampas pa.  Kumaripas siya agad ng takbo papunta sa kanilang bahay.

Nadatnan niya ang kanyang ina roon na nahimlay sa kanilang higaan. Pumunta siya ng kusina at kumuha ng patalim. Wala ng makakapigil pa sa kanyang adhikain.

Sinaksak niya ng wala manlang kaemo-emosyon ang kanyang minamahal na ina at matapos niya itong gawin ay pumunta agad siya sa kagubatan.

''NAIBIGAY KO NA ANG HINHINGI MO! PINATAY KO NA ANG AKING INA! KUNG GAYON, IBIGAY MO NA KAAGAD SA AKIN ANG AKING HINIHINILING!!'' sigaw ni Bebang.

 ''Kagaya ng aking sinabI, ang buhay ay kailanman di naging pantay.''

''Nais ko lamang subukin ang iyong katatagan ngunit ikaw ay nagpatinag. Ako ang Diyos. Ang siyang lumikha. At lubha kang mapangahas! Nang dahil sa iyong kalapastanganang ginawa, hinding-hindi mo na makakamit kailanpaman ang iyong kahilingan bagkus ikaw ay mananatiling PANGIT.  HABAMBUHAY.''

Kakaibang takot ang idinulot ng mga salita ng mahiwagang tinig. Biglang nag-iba ang anyo ni Bebang. Mula sa pangit..naging napaka-pangit. Nakakasuka ang kanyang itsura. Isang buhay na pangit!

Isang bagay lang ang natitiyak ni Bebang ng araw ding iyon. At iyon ay ang kapalaran niyang maging habangbuhay na pangit. 

 

Filipino Short Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon