Chapter Four: Famiglia

13 2 0
                                    

"Welcome home dears!" Ani Mrs. Kendall  “Good evening po Queen”  bati naman ng apat na lalaki sa ginang.

“Baaaaaabbbbbbbby!” sigaw ni Mr. Kendall mula sa loob ng bahay at patakbong tinungo ang kinaroroonan ng anak. Pagkalapit niya kay Arya, ay dagli naman niya itong niyakap. “Kamusta ang misyon baby? Nahirapan ka ba? Ano? Ano?” sunud-sunod niyang tanong sa anak na animo’y galing sa galaan at ngangayon lang nakauwi.

“Malcourio” ani ni Mrs. Kendall, na nagpakalma kay Mr. Kendall, dahil nababatid niyang malalagot na naman siya sa asawa dahil sa pinakitang asal kanina.

“Ayos naman po ang kinalabasan ng operation daddy. Matitigil na din po siguro pansamantala ang pagtaas ng mga bilang ng mga kabataang babae na nasasangkot sa drug and rape cases.” Paliwanag ni Arya sa kanyang ama.

“Mabuti pa, pumasok muna tayo sa loob at doon na lang natin pag-usapan ang lahat ng iyan.” Ani ni Mrs. Kendall at nauna ng pumasok sa loob, agad din namang nagsipagsunuran sila Arya dito.

Habang naglalakad, biglang nagsalita si Mr. Kendall na naging dahilan ng pagtigil sa paglalakad ng apat na lalaki. “Bakit may sugat ang prinsesa ko?” ani nito na masama ang tingin sa apat.

“Ahh,.. ehh, master, kasi...” pautal utal na ani ni Mike na animo’y parang natatae na ewan.

“Malcourio, malamang masusugatan si Arya, tigilan mo na yang mga batang yan, pagod sila kaya wag mo silang stress-in” utos ni Mrs. Kendall na patuloy sa paglalakad at hindi nililingon ang kinaroroonan ng limang lalaki.

“Hmph” nag-pout si Mr. Kendall na parang isang five year old na hindi napagbigyan ang gusto nito.

Tumuloy silang lahat sa isang napakalaking bulwagan na nasa main house ng mansion ng mga Kendall. Sa loob nito ay may isang napakalaking TV screen na maiisip mo na rin na parang nasa loob ka ng isang sinehan. Makikita mo rin dito ang iba’t ibang klase ng mga baril na nakahanay sa kabilang side ng bulwagan, mga marbol na lamesa na napapalibutan ng mga magagarang upuan, mapapansin mo na parang isa rin napakalaking conference hall ang nasabing bulwagan. Dito ginaganap ang mga mahahalagang pagpupulong ng Famiglia Kendall tungkol sa mga misyon nila sa underground construction. Lahat ng tungkol sa mafia ay dito nila isinasagawa at isinasaayos. Nang makaupo na ang lahat ay agad namang ibinalita ni Red ang lahat ng nangyari sa misyon kanina.

 “Nakakainis talaga dad, bakit naman kasi ganun pa yung napatrabaho sakin? Nasikmura niyo talaga yun?” reklamo ni Arya sa ama. Tinutukoy nito ang flirting job na ginawa niya kanina.

*pout* Hindi naman ako ang nagplano ng ganun eh, yung mommy mo” sagot naman ni Mr. Kendall sa nagtatampong anak.

“Kailangan din matutunan ni Arya ang lahat ng bagay na alam nating makakatulong sa pagiging successful ng bawat misyon natin” ani ni Mrs. Kendall na prenteng prenteng nakaupo sa kanyang upuan at nahigop ng tsaa.

“Pero wifey, ayaw ko naman madungisan ang prinsesa natin!” reklamo naman ni Mr. Kendall sa asawa na parang isang maliit na paslit na hindi nabigyan ng kendi.

“Seriously hubby? Ikaw ba talaga ang supremo ng Aberdeen Family?” tinaasan ng kilay ni Mrs. Kendall si Mr.Kendall, na sya namang nagpatahimik dito. Aberdeen Family, yan ang pangalan ng famiglia ng mga Kendall sa mafia world. Hangga’t maari kasi hindi pwede malaman ng kahit na sino na miyembro sila ng underground construction, dahil alam naman natin na ang mga nabibilang sa mafia ay involved sa mga illegal na gawain, pero kahit na ganun, ang pamilyang Aberdeen, na pinanghahawakan ng mga Kendall na syang namamayagpag at tinuturing na high rank sa lahat ng pamilyang nabibilang sa Mafia, ay pinaiiral ang prinsipyong gagamitin nila ang posisyon na ito para magkaroon ng katahimikan sa underground construction. Sila ang nagsisilbing batas, na may layuning gamitin sa tama ang pagiging myembro ng mafia, pero may mga illegal na gawain din ang di maiiwasan, dahil para maging high rank ang isang Famiglia, kailangan mo ang tatlong bagay, yaman, lakas, at kapangyarihan na katakutan ng marami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Betrothed (on-going)Where stories live. Discover now