Chapter 14

936 35 10
                                    


HIM

I was contemplating on whether to do it or not.

She continued to kiss me at iniwas ko naman ang tingin ko kaya hindi niya ako nahalikan sa labi.

"What's wrong?" she asked me while cupping my face using her hands at nakakandong parin sakin.

"Bella, I-I'm sorry." sabi ko at inalis siya sa ibabaw ko.

Lumipat siya sa shotgun seat at tsaka ako hinarap.

"What the fuck, Kiefer? You can't leave me like this," sabi niya at tumingin sa katawan niya na halos hubad na.

Nanatili akong diretso ang tingin habang hawak hawak ang manibela ko.

"You know what, I'll just drive you home. Where—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang hablutin ang mukha ko at halikan.

"Bella what are you doing?!?" sabi ko at pilit umalis sa halik niya.

"What we are supposed to do." sabi niya at patuloy akong pilit na hinahalikan.

Ibinitaw ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sakin.

"No, stop. This isn't good," sabi ko at natigilan naman siya.

"What's the problem?" she asked me. Mas calm na ngayon at nakita ko na nag-aalala siya.

"I-I don't know, I'm sorry." sabi ko.

"I'm sorry too," sabi niya at nagulat naman ako doon at napatingin sakanya.

"I guess you're confused? You look problematic earlier. I can feel it," sabi niya.

"Wala naman na kayo diba?" she asked me.

"What?" tanong ko.

"The girl kung bakit ka nagkakaganito ngayon. Don't tell me you're cheating," sabi niya sakin. Naguluhan ako pero naiintindihan ko naman.

"Wala." sabi ko.

"Walang kami at wala siya," patuloy ko.

"So tell me, what happened?" sabi niya habang humikab pa at inayos ang damit.

"It's a long story. Iuuwi nalang kita sainyo," sabi ko at inistart na ang kotse.

"Psh. That's too boring, come on, you can tell me." sabi niya.

Tumawa ako ng bahagya at nagsimula na magmaneho.

"Where are we going?" tanong niya nung lumabas na ako sa parking ng bar.

"I thought you wanna know?" I asked her habang nagd-drive parin.

"Yes, pero where nga?" she asked while looking at me.

"I know a coffee shop in Tagaytay," sabi ko at tumingin sakanya.

Nakita ko naman na ngumiti siya.

"Daming arte," sabi niya.

Inilingan ko nalang.

HER

My schedule is free na for the whole day after I had some meetings with the doctors and nurses. As for my rounds, natapos ko naman and they're all doing well so binilin ko nalang sila sa mga nurses dito and if anything happens binilin ko nalang sa assistant ko and she knows what to do.

I decided to go home early dahil for the past few days naging sobrang busy ako sa hospital at ginagabi na ako umuwi.

Hindi ko na naabutan na gising si Andi dahil past bed time niya na pag dumadating ako and I have to leave early for work during mornings.

Hindi ko naman na ginigising si Andi dahil ang sarap pa ng tulog niya. Ako nalang nagluluto ng breakfast niya and nagp-prepare ng milk para paggising niya tapos hinahalikan ko nalang bago ako umalis at binibilin ko sa yaya niya.

"Mommy!" sigaw ni Andi nang makita akong pumasok sa pinto.

Nakita ko na nanonood sila ng yaya niya ng Finding Nemo sa sala habang nakaupo siya sa sofa at nakakumot pa kasama noong favorite niyang stuff toy.

Tumayo siya at tumakbo papalapit sakin. Yumuko naman ako para mayakap ko siya habang yapos na yapos niya yung legs ko.

"You missed mommy?" I asked her and nagnod naman siya while still hugging my legs tight.

"I missed you too baby," I told her and kissed her.

"Erwy? (Early)" tanong niya at tumango naman ako.

At a very young age nasanay na siya sa work ko. Although sometimes umiiyak pag aalis ako or wala ako but I'm so proud of her na she's somehow independent na.

"Yes baby." sabi ko.

"Come." sabi niya at hinila ako sa sofa.

Nagpaalam muna ang yaya niya na magluluto sa kitchen at tumango naman ako.

Pinaupo ako ni Andi sa sofa katabi niya at kinumutan din ako kasama nung stuff toy niya.

Niyakap ko naman siya at nakasandal siya ngayon sakin habang nanonood at yakap yakap ang stuff toy niya.

Habang nanonood kami, may scene sa movie na nagkita na si Nemo tsaka yung Dad niya.

Nagulat naman ako nung biglang nagsalita si Andi.

"Dawwy? (Daddy)" she asked me and I froze naman bigla.

I know it will come to this point but I'm not expecting it to come this early.

Hindi ko alam ang isasagot ko at buti nalang nagsalita siya ulit.

"I'm sweepy, (I'm sleepy)" sabi niya at humikab.

"Okay baby," sabi ko.

Pinatay ko ang TV at binuhat siya dala dala yung bear niya at dinala ko siya sa room namin.

Hiniga ko siya sa bed at tsaka tinabihan.

As usual, yakap yakap niya ang braso ko at tinatapik ko naman siya habang dumedede sa baby bottle niya na may milk.

Di ko namalayan na nakatulog na rin pala ako at nagising nalang ako nang marinig ko si Andi na may sinabi.

"Kiwf? (Kief)" hindi ko alam kung ano yung tinutukoy niya o sino o kung tama ba ako ng rinig.

***

TequilaWhere stories live. Discover now