Attendance 16: Let it Out

267 9 2
                                    

A/N : Inspired ako XD HAHAHAHAH keme lang  sana na eenjoy yung chapters na ginagawa ko kahit bitin to 

-----------------------------------------------------------------------------------

Author’s POV

Ngayon ang Final Audition para sa Screening ng Dynamite Dance Troupe . Masayodong marami ang Groupo na sumubok at nakuha naman kaya kailangan talagang himayin lahat ng nakapasok.

Isang Beneficial Event ang Kalalabasan ng Program na ito may 12 pesos na Entrance , mapupunta ang pera para sa club ng school nila na tumutulong sa mga Disabled na mga bata.

Number 12 ang nabunot nila , 15 groups ang nakapasok kaya naman mabusisi sa pag jujudge

Habang palapit na ng palapit nakakaramdam na nang excitement at kaba ang Exo , “Kuya ! Wag ka ngang Kabahan nang lalagkit kana e , sayang yung foundation”*Masungit na sabi ni Belle kay Sehun “Ikaw kaya sa pwesto ko pandak , nang malaman mo yung feeling ko”*Sagot ni Sehun sabay nag Roll eyes

Bigla naman dumating sa Back stage si Ms. Danica “Good Luck A12 , Alam ko namang kaya nyong ilampaso yang mga kalaban nyo e,” *Nakangiting sabi ni Maam Danica at Nag wink , Nang Tinawag na ang Number nila. Dinala na kaagad ni Belle ang Usb at umupo na sa Tabi ni Lindsay at Brianna

“Go exo! Fighting!” *Sigaw ng mga taga A12 Nag kumpol nang kamay ang Exo at Sabay sabay na Sumigaw ng “WE ARE ONE !” na siya naman ding nagging dahilan ng sigawan sa Gym. Halos magigiba ang Gym sa lakas ng sigawan

[Kai] Shinsa sungyeo,Yeoreobun

Sobrang Sexy ng Boses ni Kai. Kaya lalong nag wild ang mga babae sa Gym..

Nag perform na sila ng Let Out The Beast , At Oo , Let Out the Beast nga..

Hindi mo aakalain na ang mga cute at pa humble faces nila ..

Ang bubbly Voices nila..

Ay mag Iiba..

Magiging Maangas , Hot at Sobrang Manly ng mgs muka nila ..

Ang boses nila Sobrang Sexy at Husky ..

Nang Matapos silang mag perform dudugo ang mga tenga ng mga tao sa loob ng gym dahil sa Tilian , Sobrang Wild ng mga Babae sa Gym . Nang mag mag punta sila sa Backstage “Chayeolllieeee! Ang Galing mo” *Sigaw ni Zoey sabay hampas sa Braso ni chanyeol “Ginalingan ko talaga para sayo” *Bulong niya “Ano ? Hindi ko marinig , Ang ingay e”*nakangiting sagot ni Zoey Nag sigh lang si Chanyeol at Ngumiti  kay zoey

Hannah’s POV

Grabe ! It was a Blassssssssssst ! Ang Galing nila , Halos Mabasag Ear drums ko sa mga tao dito sa gym , Hindi ko aakalaing ganun sila kaastig lalo na si Luhan . Akala ko kasi Babakla Bakla lang to pero hayop pala sa Dance Floor , Ang Angas Angas Angas niya . mas lalo ko tuloy siyang nagugustuhan. Dahil sa Galing niya sa Pag kanta at pag sayaw .

Lindsay’s POV

Hindi ko maiipag kakaila na nagwapo si Kai habang sumasayaw , kahit medjo sunog nga lang siya XD Jusme , kahit naman Man Hater ako marunong ako tumingin ng Gwapo gaya ng Kuya ko na Gwapo. Pero ang awkward parin dahil hindi ko parin makalimutan ang mga ginawa niyang uling na yan. Kinilig ako nun na ewan . Basta! Basta!

Belle’s POV

Ang Swerte ng Magiging Girlfriend ng Kuya ko , Dahil Talented na nga, Gwapo pa , kaso nga lang may pag ka bad to e, lalo na sakin , minsan lang yan sweet pero napaka brutal niyan sakin , Pero Idol na Idol ko siya sa Pag sayaw at Pag kanta , Sana Ganun din ako katalentado tulad niya. Hindi ako Naiingit, Kasi sabi niya bad yun , Kaya tinuturuan niya akong Sumayaw kahit na pag ka tigas tigas ng katawan ko XD Ganyan ka tyaga ang kuya kong Bulol

Yamashita UniversityWhere stories live. Discover now