IEWAG-32: Birthday or Condolence [?] (part I)

22.6K 505 3
                                    

IEWAG-32: Birthday or Condolence [?] (part 1)

Jannica's POV

"Stop smoking, Jannica! Ang baho!" reklamo ni Alex sa likod ko.

"Shut up! Makikiamoy ka na nga lang!" I yelled at her. I puffed my cigar one more time and threw it at nowhere.

"Happy?" I asked sarcastically. She rolled her eyes. The nerve!

"Tumawag na ba si Drake?" tanong nya habang minamatyagan ang naglalakihang mga lalaking nagbabantay sa entrance dito sa parking lot ng Elite Hotel.

Crap. Hindi ko alam na hanggang sa parking lot marami pa ring securities.

"We don't have to wait for his signal. Mabuti pa mauna na tayo sa loob. The earlier the better." I said in a determined tone.

She glanced at me. "Pinapangunahan mo na naman ang plano ng grupo eh." She whispered in an annoyed tone.

"Hey, Chen. Hindi ko kayo pinapangunahan. Ang akin lang dapat hindi tayo nagsasayang ng oras!" I shrieked.

"Kahit na! Pano kung magaya ulit ng dati? Pumalpak 'yung plano! Kaya ano? Nandito tayo ngayon! You're making things complicated!" sigaw nya rin.

I gritted my teeth and pushed her hard on the wall.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Why are you over reacting there?! Tell me! Mapagkakatiwalaan ka pa ba?" sigaw kong tanong sa kanya. She can't look at me.

"Stupid me. Bakit ko pa ba itatanong sa'yo? Hah. Remember Chen, once na tulungan mo si Lagdameo, hindi ako magdadalawang isip na isunod ka sakanya." I'm eager. I'm desperate.

Kahit kaibigan ko pa 'tong walangyang babaeng 'to kailangan ko pa ring gawin ang trabaho ko.

At sa ikakapanatag ng puso ko. I love Zeke. So much. And I won't let anybody take him away from me.

Kahit pa sabihing balak rin syang itakas ni Kevin mamaya. Ayoko pa rin. Mas mabuting ang grupo ang makakuha kay Lopez-girl cause I'm pretty sure na wala na syang kawala samin.

And it's useless for Kevin. Dahil hindi na sya aabutan pa ng sikat ng araw. I smirk.

"Magagandang binibini, invited rin ba kayo sa party?" napatingin kaming dalawa ni Alex sa nagsalita.

Nasa harapan namin 'yung mga securities na nagbabantay dito. What the perk!

But great, I think we can use our charms this time. Smirks by me.

Kevin's POV

Pinunasan ko ang butil butil ng pawis na lumalandas sa noo ko.

Umakyat ako sa rooftop ng Elite Hotel gamit ang harness. Tsk. Buti na lang nagawa ko ng maayos.

Inalis ko ang harness na nakakabit mula sa katawan ko. Itinago ko iyon sa isang bag at itinabi. Nagbihis at kinuha ang maskara.

Lastly, kinuha ko ang baril sa ilalim ng coat. Inasinta at maingat na naglakad palabas ng rooftop.

"Where are you going, asshole?" natigilan ako nang may tumutok ng baril sa pagitan ng mga mata ko.

Hindi ako natakot. Why would I? Handa na kong mamatay makuha ko lang si Marie.

"Chen, looks like I'm not the only one who's excited for this." Saad ni Hepworth. Tinignan ko naman si Chen na halatang nasira nga ang plano namin.

Tss. Dapat mamaya pa sila papasok dito. Hindi dahil hihintayin nila ang signal ni Rodriguez, kundi idi-discharge ko muna ang mga bombang nakaplanta sa mismong venue.

I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]Where stories live. Discover now