IEWAG-19: Stalking

23.8K 508 21
                                    

IEWAG-19: Stalking

Aizer Matt's POV

Pinaikot-ikot ko yung bola sa daliri ko. Kanina pa ko nakatambay dito sa hallway kung saan sya madalas dumaan.

"Hi Aizer!" bati ng mga napapadaang babae sa harap ko. Nginingitian ko lang sila na halos ikamatay nila sa kilig.

Yung iba paulit-ulit na lang sa pagdaan at halatang nagpapapansin lang.

Ang gwapo ko naman talaga oo! Hahahaha!

Ang tagal naman ng awasan nila. Asan na kaya yun?

"Hi, Ms.Isha! Pwede po bang pa-autograph dito sa bola ko?"

Napalingon agad ako dun sa nagsalita. Volleyball fan nya yata yung babae.

"Sure!" she was smiling while signing the ball. Hindi ko alam pero bigla din akong napangiti. Beautiful dimples as ever.

"Waah! Ms.Isha! Si Aizer po oh! Nakatingin sayo! Yeee~"

Napaiwas ako ng tingin. Anak ng pusa! Ngayon lang ako nahiya at kinabahan ng ganito!

Sa sobrang kaba ko hindi ko namalayan nakalampas na pala sya.

"SANDALI! MISS NUMBER ONE!!!"

Hindi sya lumingon. Ampupu.

Binilisan ko ang lakad ko. Pucha kasi. Athlete to eh. Ang bilis maglakad.

"NIKA! SANDALI!"

I know her name pero masyado ng maraming tumatawag ng Isha sakanya.

I want to call her a unique one. Yung tawagin ko pa lang sya alam nya ng ako yun.

Hinawakan ko ang wrist nya atsaka ihinarap sakin.

"Anong kailangan mo?!!!" galit nyang tanong. Ang ganda nya pa rin kahit ganyan sya.

"Ikaw---" inamba nya ko ng suntok buti nasalo ko. Ngayon, hawak ko ang kamao nya.

"Bitiwan mo ang kamay ko sinasabi ko sayo," kalamado at madiin nyang sabi.

"Tanggapin mo muna to,"

Pinakita ko sakanya ang bolang hawak ko. Napakunot sya ng noo tsaka nagpumiglas na hatakin ang kamao nyang hawak ko pa rin. Hindi ko kasi masabi sakanya kaya naisip ko na isulat na lang ulit sa bola.

"Anong gagawin ko dyan?!!?! Ah, gusto mo na naman sigurong mahalikan ang bolang yan noh?"

Napangiti ako sa sinabi nya.

"Hindi bola, yung labi mo"

Lalo syang nagngitngit at nagpumiglas. "Nika---"

"Shet! Sinong Nika?! Isha ang pangalan ko!!"

"Oo, pero Nika ang gusto ko!" nginitian ko sya "AAWWWWW!!!" tinapakan nya yung paa ko kaya nabitiwan ko sya at tumakbo na palayo.

"NIKA!!! I JUST WANNA ASK YOU TO GO ON A DATE WITH ME!!!"

Isha's POV

"NIKA!!! I JUST WANNA ASK YOU ON A DATE WITH ME!!!"

Hindi dapat ako titigil sa pagtakbo pero parang may utak ang mga paa ko na sinasabing tumigil ako.

Tapuu. What the hell is going on with me??!!! I loathe them right?! Pinapahirapan nila ang Bestfriend ko diba?! And yet my day won't last not until he talked with me.

I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]Where stories live. Discover now