Singsing

1.8K 18 7
                                    

BABALA: The characters, places and scenes are fictional and product of writers imagination. Be aware of some vulgar words, it is only used for expressing the characters feelings. Read at your own risk. Song choices and lyrics used in the story are not my property, credit goes to the respective owner.

Tittle: Singsing

Inspired song: Strangers again by Migz Haleco

----x

"wow! ang galing mo naman mag drawing bata."

agad kung nasarado yung sketch pad pagkarinig ko sa boses nayun at agad ko naman siyang tinignan.

"wag mo nga akun gugulatin" saad ko sa bata na nakasuot ng isang itim na bestida.

"sorry" sabi niya at agad nalungkot yung maganda niyang mukha na para bang iiyak na siya.

"oy oy bata! wag kang iiyak!"

and as if on cue umiyak na nga siya at sa sobrang pagkataranta ko ay napatakbo ako dun sa mamang sorbitero at ibinili siya ng ice cream. sabi kasi ni mama na pag malungkot ang isang tao eh, bigyan mo ng ice cream at giginhawa ang pakiramdam ng tao'ng pagbibigyan mo ng ice cream.

"oy bata, wag kanang umiyak lalo kang papangit niyan. it oh ice cream, peace offering ko sayo. tahan na ok?"

binigay ko na sa kanya ang ice cream at tumahan naman ito gaya ng sabi ko. 

"salamat po. alam mo ba kuya, si daddy ki kinuha na ng mga angel"

napahinto naman ako sa pagkain ng ice cream ko. "ilang taon kana ba?"

"9 po. ikaw ba kuya?"

"10. wag kanang malungkot ah? kung asa man si daddy mo ngayo tiyak masaya na siya and pag nalaman niyang umiyak ka, iiyak rin yun. diba ayaw mo namang mangyari yun?"

Isang ngiti lang ang ganti niya sa sinabi ko. Belib rin ako sa bata'ng to, kahit sa murang edad niya ay nagawa pa rin niyang ngumiti kabila ng nangyari sa kanya.

isang ngiti.

 

isang ngiti na nagpahinto bigla sa mundo ko. isang ngiti na para bang nasa alapaap ako. isang ngiti na kahit ako hindi ko alam kung ano ito'ng sensayon na nararamdaman ko.

Dumaan ang araw, linggo, buwan at taon naging matalik na kaibigan na kami. minsan nga tinutukso kami na baka isang araw biglang magkapareho na kami ng mukha sa sobrang closeness namin pero hindi namin pinapansin yun. ang mahalaga kasama namin ang isat-isa.

Lahat na ata ng laro nalaro namin pero ang pinaka paborito niyang gawin ay ang mag pinta. to make the long story short, naging apprentice ko siya at sa panahong iginugugol ko sa kanya, isa lang masasabi ko mabilis siyang matuto and dahil dun sumali kami sa mga patimpalak and dahil magaling siya eh, nanalo kami.

Isang Bagsakang KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon