ELEVEN

1.7K 28 3
                                    

We are never ever ever ever getting back together ~ Lol. Natatawa ako sa lyrics na ‘to. I’ve been hearing Miranda singing the same song for almost an hour. May paganyan-ganyan pa siya tapos malalaman ko na lang na sila na pala uli ni Papa Clarence. :D

Imbyerna yung babae na yun. Todo deny pa na ayos na sila nung hot niyang asawa. Kunwari wala na siyang feelings para dun pero kapag nandito naman parang ‘sila’ kung kumilos. Pati pagpunta ng banyo ay inaalam pa nila. Tss.

“Geronimooooo! Bukas na yung flight niya pabalik sa Pinas. Anong gagawin ko? Malulungkot si baby Cla kapag hindi na siya makakadalaw.”

Inirapan ko siya. Ang chaka lang niya, if I know sarili niya ang tinutukoy niyang malulungkot kapag bumalik na sa Pinas ang gwapong si Papa Clarence. :D

“Edi pigilan mo o kaya naman sumama kayo pabalik.” sabi ko sabay tingin uli dun sa magazine na binabasa ko.

Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko. Inagaw niya yung magazine na hawak ko, “Alam mo naman na hindi ako pwedeng bumalik dahil kay Bry, di ba?”

See? Sira-ulo na ‘tong si Miranda. Yan ang napapala ng mga tanga. Tsk, tsk. Iiwan tapos babalikan. Nakaka-bwiset lang di ba?

“Edi bawiin mo yung ‘yes’ mo kay Papa B ko. Alam mo magiging unfair ka kay Bryle kung pakakasal ka sa kanya pero ang totoo yung asawa mo pa rin yung mahal mo.”

Napayuko siya sa sinabi ko, guilty eh. HAHAHAHA! Kfine. Ang mean ko na. So what? Eh sa naiinis ako sa pinag-gagawa niya. Tsk. Nagiging unfair siya sa mga taong nagmamahal sa kanya. Shems!

“Ayoko. Kung talagang mahal pa ako ni Clarence dapat siya ang gumawa ng paraan para magkabalikan kami.”

“Ang taray lang ‘teh! May ganyang drama pa?” then I laughed, “Hindi pa ba sapat yung effort niya na pagpunta dito para makita kayo ni baby Cla? Ano pa bang gusto mong gawin niya, magsuicide sa harap mo?”

“Eh, Georgie hindi yun ang ibig kong sabihin. Double his efforts, alam mo na. Ipaglaban naman niya kami ng anak niya.”

Jusko, hindi ko alam kung anong nangyari sa utak nitong si Miranda. Tanga ba talaga siya o nagtatanga-tangahan lang? Kalurki lang. Tsk.

Bad Girls Found Out 2: War of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon