Chapter 36: Sweet

1.2K 21 6
                                    

A/N: Eyy dur. Request ng birthday girl. Ehem Janess ehem! LaRome chap! Hehe. :3 Here we go..

Lance's POV

Inaantok pa rin ako, nag-cramming kase ako sa paggawa ng thesis kagabi. Ayoko ngang pumasok kaso may magagawa ba ako? Sayang tuition kung di ako papasok.

Kahet ayoko, tumayo na ako at naligo. Pagkatapos nun ay nagbihis na ako. Simple lang naman ako manamit ee, di ako katulad ng iba na papasok lang sa school ay branded pa ang susuotin. Di naman kase ako palabili ng damit.

Ilang araw na mula nung monthsary nina Veronica at RC. Buti nga at nakaya naming andun si Ren. Di dahil sa ayoko syang makita sa araw na yun. Ayokong makita pa nya kung gano kasaya si Veronica. Well, base kase sa nakikita ko sa kanya, she is happy.

Alam kong nauna na si Janess sa school namin. Magkaiba kase ang sched naming dalawa. Mas maaga ang call time nya ng dalawang oras kesa sakin.

*phone vibrating*

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko. I immediately read the message from Jerome.

From: Jerome

Sunduin kita?

Magpapasundo ba ko? Nakakatamad kaseng mag-commute. Mamaya makatulog pa ako, lumagpas pa ko sa school. -.-

To: Jerome

Sige.

Lumabas na ko ng bahay matapos i-lock lahat ng pinto. Wala mang kanakaw-nakaw sa bahay namin. Mabuti na yung sigurado.

Ilang minuto pa ay tumigil na sa harap ko ang puting kotse ni Jerome. Ilang beses ko na ngang sinabihan yun na papalitang kulay yung kotse nya e. Parang pang-mabaet lang kase yang kulay na yan. E kaso sabi nya, baka magalit daw si Tita.

Binuksan ko agad yung pinto sa harapan. Isang nakasimangot na Jerome ang bumungad sakin. Problema neto?

"O bat naka-busangot din yang mukha mo?" Tanong ko sa kanya. Nag-seatbelt ako.

"Tinatamad akong pumasok e. Ikaw?"

"Same reason. Tsaka kulang ako sa tulog. Mukha akong panda sa laki ng eyebags ko ngayon e." Sabi ko sa kanya.

"Di bale, maganda ka pa rin." Umakto akong nasusuka.

"Umayos ka nga! Kadiri! Mag-drive ka na nga lang!"

"Payag ka ba kung mag-aabsent tayo?" Tanong nya. Tinaas ko ang kilay ko.

"At bakit tayo mag-aabsent, aber?" Tanong ko.

"Para makapag-relax." What the?

"Sira ka ba? Sa mahal ng tuition-- Okay, nakalimutan kong mayaman ka nga pala. Basta! Wag na tayong mag-absent "

"Ganto na lang, ipagpapaalam ita kay Tito at Tita. Pag pumayag sila, aabsent tayo pero kung hinde, papasok tayo." Sabi nya.

"Sige ba!" Malakas ang loob ko dahil alam ko namang di papayag sina Mama at Papa. Kinuha nya ang cellphone nya at tumawag.

"Hello po.. Opo.. Magpapaalam lang po kami kung pede pong mag-absent kahey isang araw lang... Opo.. Talaga po?!... Salamat po.. Ahh teka po..." Pumayag sila? Weh?!

"Gusto ka daw kausapin." Sabi ni Jerome sabay abot ng phone nya sakin.

"Pa?" Bungad ko kay Papa.

[Mag-ingat kayo ah. Wag kang hihiwalay kay Jerome.]

"Seryoso? Pumayag kayo?" Tanong ko. Di pa din ako makapaniwala.

[Sabi naman kase nya ibabalik ka nya sa bahay ng alas-syete e. At tsaka, kelangan mo ding magpahinga ng onti. Wag yung puro aral lang.]

Her Secret Revenge [Completed]Where stories live. Discover now