Day 14: Ang pagtatapos

3.2K 110 3
                                    

PINAKATITIGAN ni Karylle ang sarili sa harap ng isang human mirror. Napakaganda ng wedding gown na kanyang suot, isa itong mermaid cut na pinalilibutan ng makikinang na sekwins. Kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan pero hindi pa din nawawala ang pagka-konserbatibo nito na mahahalata pa din dahil hindi ito tube.

"You're very beautiful K" Napaigtad siya nang makita si Vice na nakasilip sa may pintuan. Agad siyang tumalikod dito...

"Vice!!! Bawal pa tayo magkita bago ang kasal, anong ginagawa mo dito?" Ungos niya...

Nag-aantay siya ng sagot mula dito pero makaraan ang ilang sandali ay wala siyang marinig kung kaya't haharap na sana siya ng biglang...

*TSUP*

Agad na nanlaki ang mga mata ni Karylle sa sobrang gulat at di pa man din siya nakaka-recover ay agad siyang kinabig ni Vice atsaka may binulong na siyang nagpadagdag ng boltahe sa katawan niya...

"Walang pamahiin ang maaring makaharang sa pinakamagandang pangyayari sa buhay nating dalawa. Ikaw at ako ay maikakasal ngayon"

Wala na. Wala na talaga siyang masabi sa galing ni Vice sa pagpapakilig...

Bumuntong hininga siya "Buti na lang mahal kita... Kung hindi baka umatras na ko"

Agad namang nagtaad ng kilay si Vice "At bakit ka naman aatras? Mahal din naman kita ah!"

Sakto namang may naririnig na yapak si Karylle mula sa labas... Baka ito na ang mga photographers na sinundo ang kanyang ina para sa sandaliang shoot nilang dalawa...

"Magtago ka!"

"Ano? Ba't ako magtatago? Ano ko? Other man?"

"Dali na! Baka kasama na nila si Mama magagalit un pag di tayo sumunod sa kasabihan"

"Whatever" Kasabay ng pagsabi niya nito ang pagsang-ayon niya na magtago sa cabinet.

Wow lang naman diba? Groom siya pero kailangan niyang magtago sa nanay ng mapapangasawa niya... Napapailing na lang siya sa kakulitan ni K.

Samantalang si K ay huminga ng malalim at bumalik sa kaninang puwesto... Inayos niyang muli ang mukha at di mapigilang ngumiti dahil sa kapilyuhan nilang magka-sintahan...

Sakto namang dumating ang ina niya na nakakulay pula at malugod siya nitong niyakap at hinalikan sa noo "Ang ganda-ganda mo anak. Panigurado maiinlove sayo si Viceral ng 14x"

Napailing na lang siya sakanyang isipan. Kung alam lang ng ina na nasa cabinet ito... "Thank you Ma, you look wonderful too" At muli ay nagyakapan sila...

Matapos ang ilang shots ay napagpasyahan niyang maupo sandali... Nagpaalam ang ina na may kakausapin muna sa labas at ang mga photographers naman ay naghahanda na sa pagbaba niya sa hotel. Doon niya naalala ang kanyang mapapangasawa na malamang ay hinahanap na ng mga photographers! Dali-dali niyang nilapitan ang cabinet at pagbukas niya ay BOOM! Wala si Vice!

Nasaan na kaya ito? Agad niyang kinuha ang phone at saktong may lumabas na message..

From: Vice Pogi

Mahal ko, nakaalis na ko bago mo pa maalala na baka hindi ako makahinga sa loob. Nakakaloka ka! Yung totoo? Ikaw ata gumagawa ng paraan para di matuloy kasal natin eh. De joke lang. I'll see you later mahal ko. #harthart

Natawa siya sa #harthart. Ang ibig-sabihin kasi nito ay I love you. Hindi ba naman malaman ni Karylle kung saan napulot ni vice ang 'hart hart' pero naaaliw siya dito kaya hinayaan na lang niya...

Operation: Make him say YES in 14 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon