Day 9

4.2K 124 9
                                    

"Vice, you can't hide this for the rest of your life" Mahinang bigkas ng babaeng kaharap ngayon ni Vice.

Tinignan naman siya ng mariin ni Vice na ngayon ay halatang hindi natutuwa sakanilang pag-uusap, napayuko na lang ang babae.

"Wala kang pagsasabihan nito maski sino" Madiin na wika ng binata

Napalunok naman ang babae at unti-unting nag-angat ng tingin kay Vice na halatang may takot sa dibdib...

"P-pero, p-paano ung magulang k-ko? Paano yung---"

"I'll give them money, I'll provide their needs but you need to stay away from them and from me" Direktang sabi ni Vice

Naluluha namang yumuko ulit ang dalaga. Ayaw ni Vice na makapanakit ng damdamin ng iba pero ito lang ang paraan para hindi sila magkagulo ni Karylle.

"P-paano kung... k-kung d..di a-ako pp-umayag?" Alanganing tanong ng babae...

Vice just smirked as he heard what the woman has told. Nilapit niya ang kanyang mukha at hinawakan ang baba ng dalaga para tumingin ito sakanya. Ngayon ay kakaunti na lang ang distansyang naglalayo sakanila.

Vice whisphered "You don't dare lady, kasi masisira mo ang pangalan at reputasyon mo. Ikaw din" Yun lang at lumayo na ito at bumalik sa dating puwesto

Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga pero maya-maya ay magulat siya nang naglapag ng envelope si Vice.

"Kuhanin mo, alagaan mo ang sarili mo. Ayokong maririnig na di ka kumakain, o nagpapabaya ka. Please lang maawa ka sa bata"

Tinignan naman siya mataimtim ng babae. She swallowed before she get the envelope... "Vice, don't forget it's also your child"

--------

"Vice!" Napaigtad naman si Vice sa sigaw ni Karylle

"H-huh? Ano... Ano un?"

Napabuntong-hininga naman si Karylle at nilapag ang mga wedding magazines sa table. She looked at him intently,

"Are you hiding something? Why it seems that you're spacing out?"

Napahilot lang sandali si Vice sa sentido at inakbayan ang dalaga na halatang may tampo na sa tono ng pananalita nito...

"N-no. Uhm, hindi lang maganda pakiramdam ko. Sorry love" At panaka-nakang binigyan ng maliliit na halik si K sa pisngi...

Di naman maiwasan ni K na mapahagikgik at makiliti sa ginagawa ni Vice. Maya-maya pa ay bumalik na sila sa paghahanap ng mga wedding ideas na nakapaloob sa magazines.

Nakita ni Vice ang isang gown na may mermaid cut na kitang-kita ang pagka-elegante at conservative ng taong nagsusuot.

He thought K as he continue on scanning the wedding gown. Napansin naman ni Karylle ang tila pagtitig ni Vice sa magazine. Tinignan niya din ito at pagkuwa'y binalikan ng tingin ang kasintahan.

"Nagandahan ka sa model no?" Nakangusong tanong ni Karylle

Ginulo lang ni Vice ang buhok nito at inakbayan sabay pakita ng kung ano ang nasa magazine...

"Silly, nagandahan kasi ako sa gown"

"Ano? Gusto mo yan ang suot mo?" Mahina namang pinukpok ni Vice si K ng magazine,

"Ikaw ano ka din e. Syempre hindi! Pero pwede din--- Joke! Tignan mo ikaw nagsimula tas di mo naman mapanindigan" Paano naman kasi nanlaki mga mata ni K ng marinig ang pahayag ni Vice...

Operation: Make him say YES in 14 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon