Epilogue: CAT & DOG BABY

35.2K 841 126
                                    

EPILOGUE: Cat & Dog Baby

"Hi baby Demi!"

"Ang ganda mo namang baby!"

"Kamukhang-kamukha niya si Millie 'no?"

"Ano kayang namana niya kay Levi?"

"'Yung ilong! Tignan niyo!"

Napasimangot ako nang ituro ng isang big girl ang ilong ko.

"Hala! Sumimangot!" Natawa pa 'yung girl.

"Pati pagsimangot namana kay Millie ba."

Naiinis na ako kaya naglikot ako sa pagkakabuhat sa akin ni Lola.

"Naku, tinotopak na naman." Natatawa si Lola nang ayusin ang pagkakabuhat sa akin. Tinalikod niya ako sa mga babaeng kanina pa ako tinitignan. Yumakap naman ako sa leeg niya. "Sige kumain lang kayo diyan, ah?" Sabi pa ni Lola dunsa mga girls bago naglakad palayo.

"Ma! Ako naman po ang bahala kay Demi." Si Mama ko! "Kumain na po muna kayo."

Nang marinig ko ang boses ni Mama, mabilis ko siyang nilingunan at inabot.

"Sige, sige." Buti naman binigay ako agad sa kanya ni Lola.

"Baby kooo," pinanggigilan ako ni Mama na yakapin at halikan sa pisngi. "Happy ka ba sa first birthday party mo ah?"

Tinignan ko lang ang mukha ni Mama. Ang ganda-ganda niya. Totoo kayang kamukha ko siya gaya ng sabi ng mga nakakakita sa akin?

Naglakad si Mama at umikot dito sa McDo na pinaggaganapan ng birthday party ko. Alam na alam ko ang lugar na ito kasi madalas namin itong puntahan kasama si Papa t'saka kasi may playground dito na may maraming bata. Ayun nga 'yung playground, oh. Nakikita ko mula rito.

"Ay tipaklong!" Napasigaw si Mama nang bigla siyang hawakan sa bewang ni Papa. "Pusandi naman eh!"

"Oh, oh, tinawag mo akong pusandi." Pabulong na sagot ni Papa. "Akala ko ba titigilan na natin 'yan at baka ganyan din tayo tawagin ng anak natin?"

"Ikaw kasi! Ay naku!"

Natawa si Papa at kinuha ako mula kay Mama. "Kamusta baby namin, ah? Kumain na ba kayo, Millie?"

"Kakain palang sana. Ikaw ba?"

"Hindi pa, eh. Tara, sabay-sabay na tayo."

Pumuwesto kami sa isang table. Kandong ako ni Papa at pinakain niya ako ng spaghetti. Si Mama naman lagi akong pinupunasan ng bibig. Pati si Papa, pinupunasan niya rin. Bakit kaya? Hindi naman na baby si Papa kagaya ko, ah?

Habang kumakain kami, may mga lumalapit sa amin para batiin ako. Mga ninang at ninong ko raw sila. Pinag-bless ako sa kanila ni Papa tapos binibigyan nila ako ng gift.

Maya-maya, nainis na ako kaya naglikot ako sa kandungan ni Papa.

"Oh bakit anak?" Inayos ni Papa ang pagkakandong sa akin pero naglikot pa rin ako at pilit na tumayo. "Aaay, Demi."

"Akin na, buhatin ko." Sabi ni Mama.

"Hindi na, ako na." Tumayo na si Papa at binuhat ako. Yey! "Tapusin mo na lang muna 'yang pagkain mo."

Tumango si Mama. Tapos nakita ko ulit 'yung playground. Tinuro ko iyon.

"Hm?" Nakita ni Papa ang tinuturo ko. "Gusto mo dun?"

Hindi pa ako makapagsalita kaya tinuro ko lang nang tinuro 'yung playground. Naglikot din ako kasi gusto kong bumaba at maglakad.

"Ma," tawag ni Papa kay Mama. "Dun muna kami sa may palaruan ah?"

"Sige." Ngumiti si Mama.

Nilabas nga ako ni Papa dun sa playground. Binaba niya rin ako at hinayaang maglakad papunta roon. Pero masyado akong excited kaya medyo nagmadali ako. Kaso ang hirap tumakbo kasi baka matumba ako.

"Dahan-dahan lang, Demi." Inalalayan ako ni Papa hanggang sa makasampa ako sa mat.

Ang daming bata dito. Puro mas big pa sila sa akin. May mga tumatakbo, may nag-i-slide, at lahat sila happy!

Tumalon-talon ako at naglakad-lakad. Ang dami talagang bata! Tapos dun naman sa labas, ang daming very big girls and boys na kasing big ni Papa.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Papa nung lumabas ako ng playground para tignan ang mga very big boys and girls. Tapos tumakbo ako. "Demi!"

"Ah!" Sigaw ng batang lalaki na nabangga ko. Parehas kasi kaming tumatakbo kaya parehas din kaming natumba sa sahig. "W-Waaaaah! Daddyyy!"

Nagulat ako nang biglang umiyak 'yung batang nabangga ko.

"Demi!"

"Andy!"

Sabay na tawag ni Papa at ng isang very big boy na lumapit dun sa batang umiyak. Nilapitan din ako ni Papa at binuhat.

"Uh, pasensya na p're." Sabi ni Papa dun sa very big boy.

"Ah, it's okay. Pasensya na rin." Binuhat nung very big boy 'yung bata. "Nasaktan ba anak mo?"

"Ah, hindi naman. Eh 'yung anak mo? Umiyak siya eh, kaya baka siya ang nasaktan."

Natawa 'yung very big boy. "No. Iyakin lang talaga 'to."

Tinignan ako nung batang lalaki na nagsa-sob na lang ngayon. Tinignan ko rin siya. Mas big pala siya nang kaunti sa akin. Mas big siya kaya dapat mas strong siya. Pero bakit parang hindi naman? Ang iyakin pa.

"Andy, say sorry to the baby girl na nabangga mo."

Hindi nagsalita 'yung bata at tinignan lang ako. Natawa naman si Papa at pati 'yung very big boy.

"Okay lang 'yun. Hayaan mo na." Sabi ni Papa. "Sige ah?"

Tumango si Very Big Boy at umalis na kami ni Papa. Pero nilingunan ko pa 'yung bata. Nakatingin din siya sa akin habang naglalakad sila palayo nung very big boy na may buhat sa kanya. At sa paglalayo namin, may iba akong naramdaman.

Pakiramdam ko lang, magkikita pa kami ulit...

xxxxxx END xxxxxx

FINAL A/N:

Ayun lang ang Epilogue? Uhm, oo, ayun lang. Pasensya na lang sa trip ko. XD (Anyway, na-gets niyo ba agad kung kaninong POV itong Epilogue? LOL)

Baby Demi's(with Baby Andy) story? Magkakaroon niyan pero matagal pa. Sarreeeh. May story pa kasi akong need gawin before yun. :p

*Sa may hindi pala alam, si Andy kanina ay baby mula sa isa ko pang story, yung "Playboy's Baby" (pansin ko kasi based sa comments ng iba, na may non-PB readers sa inyo)*

C&DB special updates? Hmm... Baka mai-feature ko na lang sila sa special updates ng PB dun sa "More Crazy Moments" :)

Book 2? Jusko, wala na. Happy ending na, oh? XD

Soft copy? Yes, magkakaroon. It will be available soon at my Weebly site: hha-stories.weebly.com

Next story ko kapalit nitong C&DB? Yung "Haunting Aubrey" na muna. Matagal na yung pending eh. LOL.

So ayown. Thank you na sa lahat ng nagbasa ng story ng PusaKal love team! Lalo na sa mga nag-e-effort mag-comment! Salamat, salamat, salamat!♥♥♥

-AZURE✫

Cat & Dog BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon