Final Chapter: Wedding

2.2K 55 3
                                    

Darius POV:

Nang makarating na kami nina Reen sa pinas, ay saka ko naman inasikaso ang paghahanap ko kay Monique.

Muli ako nagbalik ng Korea but with a different identity, sa tulong na rin ni phantom.

Sa korea ay napag alaman ko totoo nga ang balita si Johnny na ang bagong namumuno sa empire, at wala naman makapagsabi kung na saan si Monique dahil ang alam ng lahat ay patay na ito.

Kaya bigo ako bumalik sa pilipinas,nasaan ka Monique?.., sana nasa maayos lang sya.

Pagbalik ko naman ng bansa ay, saka naman ibinalita ni Lian na ikakasal na sila ni Rave.

They both deserve each other, sa dami ng pagsubok na pinagdaanan nila tama lang na lumagay na sila sa tahimik.

At dahil hnd pa naman ganun kakilala ng barkada si Reen ay inimbita ko sya sa kasayahan upang formal ko na sabhn sa kanila ang tungkol samin.

Sapat na ang isang taon upang ipagluksa si Yana, at alam ko tanggap na rin nila na wala natalaga si Yana at si Reen na ang bagong nagpapangiti sakin.

So sa reception ng kasal nina Rave at Lian ay pinakilala ko na si Reen sa kanila..

"Ehem.. young Lady..." sambit ko kay Lian ng makalapit.

"Ano ka ba Darius, wag mo na ko tawagin young Lady,.. Lian na lang.."nakangiting sambit nito.

"nakasanayan na kasi young Lady, so anyway, i want you to meet my fiancee Ms. Maureen Nurz..

" nice meeting you, at saka best wishes!!!.." nakangiting sambit ni Reen.

"Thank you..ako pala si Lian Vena San Diego and this is my hubby Raven San Diego..." pagpapakilala ni Lian sa kanila ni Rave.

At nagkuwentuhan na kami ng mga bagay-bagay.. Nang matapos ang reception ay niyaya ko ng umuwi si Reen at paniguradong naghihintay na si Darrene samin..

Kaya pagdating namin sa bahay ay sumalubong na nga si Darrene samin, masaya namin itong niyakap ni Reen.

Sino mag aakala na yung pagmamahalan namin ni Reen dati ay madudugtungan pa, at mabiyayaan ako ng isang bibong anak sa katauhan ni Darrene.

Kung tutuusin kontento na sana ako sa buhay ko ngayon kung andito lang sana si Monique, masayang-masaya na sana ang buhay ko ngayon.

Nang maihatid na namin si Darrene sa kanya silid ay saka naman kami pumasok sa aming silid.

Sa loob ay agaran nagpunta si Reen sa banyo at naligo.. ako naman ay naghubad na ng damit at tangin boxer ang iniwan..

Nakatanggap ako ng txt mula sa akin wedding planner, pinaasikaso ko na kasi ang kasal namin ni Reen sa iba para hnd na sya mapagod.

Gusto ko bukas wala ng iintindihin ito kundi ang ngumiti ng matamis para sakin..

I really love her, and tomorrow she will going to marry me.

++++

Reen's POV:

Nagising ako na nag-iisa sa kama.

Nasaan kaya si D?

Patamad akong bumangon habang itinakip ang kumot sa aking katawan.

Anong oras naba?

Sinipat ko ang orasan sa bedside table at nagulat ako na alas dyes na pala ng umaga.

Kaya pala nakaalis na si D.

Kaagad akong pumasok sa banyo at ginawa ang morning rituals ko.

Nagulat pa ko nang sa paglabas ko ay napadako ang tingin ko sa isang magarbong gown na nakasabit sa may pintuan.

Behind That SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon