Chapter 18: Kidnapped

1.8K 45 4
                                    

Maagang umalis si Darius kinabukasan dahil gusto niyang maabutan at makausap si Inha.

Pinapasok naman siya ng mga guards at nagtuloy ang binata sa study room ni Inha.

Kasalukuyang nagbabasa ito ng iilang papeles nang pumasok si Darius.

"Appa..." sambit ni Darius.

Kaagad namang napalingon si Inha ng marinig ang boses ng anak.

"Darius!" bakas ang tuwa sa boses nito at mabilis na ibinaba  ang hawak na folder.

Nagyakapan ang mag-ama.

Labis ang tuwa ni Inha sa muling pagtapak ni Darius sa kanyang mansion.

Ngayon lang kasi ito bumalik simula nang umalis ito ng Korea.

"Naparito po ako upang ipagpaalam si Reen.."  sambit ng binata nabg makaupo na sila.

Saglit na natigilan si Inha sa sinabi ng anak.

Si Reen ang kanyang personal assistant at lubos na pinagkakatiwalaan.

Kung titigil ito sa pagtatrabaho ay tiyak na mahihirapan siyang humanap ng ipapalit dito.

"Darius, alam kong nahihirapan kang makitang nasa panganib si Reen kasama ko kaya sige.. Ibibigay ko ang kalayaan nyo ni Reen.." sagot ni Inha matapos ang ilang saglit.

Bumakas naman ang tuwa sa mukha ni Darius.

Hindi niya inasahan ang kaagad na pagpayag ng ama sa kanyang hiling.

"Salamat! Salamat Appa!" sambit ni Darius.

Ngumiti naman si Inha.

"Isa lang abg hihilingin ko, ingatan nyo ang mga bagay na ibinilin ko.. At si Monique. Gabayan nyo siya sa darating na mga araw.." bilin ni Inha.

Napakunot noo naman si Darius.

Pero nakuha niya pa ring tumango.

Masaya silang nagbalitaan ng mga nangyayari sa loob ng pitong taon na pagkakalayo.

Natutuwa si Inha dahil kahit na nawalay ang anak sa kanya ay may taong gumabay dito at nagsilbi ding ama kay Darius.

Balak niya itong pasalamatan.

***

Darius POV:

Kahit na masaya at nakangiti si Inha sa aming pag-uusap ay bakas pa din ang lungkot at pag-aalala sa kanyang mukha.

Hindi naman ipinahalata ni Darius ang mga napapansin.

May iba akong balak upang matulungan si Inha.

Pero kailangan ko munang ilayo si Reen at siguruhing ligtas ang mag-ina ko.

Marami pa kaming napag-usapan ni Inha ng makaramdam ng mahinang pag ugoy..

Gumalaw ang ballpen na nakapatong sa mesa at gumulong ito hanggang sa mahulog..

Napatingin ako kay Inha.

Shit! Mali itong nararamdaman ko!

Napatayo ako at mabilis na hinila si Inha paalis sa pwesto nito.

Sakto namang kasabay ng paghila ko ay sunod sunod ang pagsabog sa iba't ibang bahagi bg lugar kasama ang kinaroroonan namin.

Napadapa kami ng sumabog ang dingding ng study room at nagliparan ang semento ng dingding na nabutas.

Kaagad na kinober ko si Appa at inilabas ko siya sa silid na iyon.

Behind That SmileWhere stories live. Discover now