Kabanata 13

5.6K 248 21
                                    

FIESTA madaming handa at hindi pwedeng wala sila sa bahay dahil tiyak siyang sasama ang loob ng nanay niya. Kaya dinala niya si Kevin sa bahay. Hindi naman ito ang unang beses na nakapunta roon si Kevin. Madaming beses na nagpa-free medical check ito sa barangay nila kasama ang mga mababait din nitong mga kaibigang doctor kaya kilalang-kilala na ito sa barangay nila.

"Doc, kain ka rito sa'min!"

"Dito ka mag-dessert sa amin Doc."

"Mohana, dalhin mo dito si Doc mamaya. May pa lechon si nanay."

Tango lang nang tango silang dalawa. Masakit na siguro panga nitong si Kevin sa kakangiti sa mga kapitbahay niya.

"Alam mo," baling niya kay Kevin. "Kung tatakbo ka ritong barangay captain, tiyak na ang panalo mo." Natawa lang ito. "Sabihan mo ako kung may future plans ka, ako ang campaign manager mo."

"Ba't ba may pakiramdam ako na peperahan mo lang ako?"

"'Yan ang 'di ko gusto sa'yo e. Ang hirap mong lokohin."

Lumakas lang ang tawa nito.

"Ano bang handa n'yo?"

"Madami."

"Tulad nang?"

"Inasal na dragon." Hinila na niya ito dahil malapit na sila sa bahay niya. Naku, maliligo na naman siya sa sariling pawis dahil nakalimutan na naman niyang bumili ng aircon para sa sala. Ilang taon na rin niyang nakakalimutan 'yong bilhin. "Naghihintay na sila nanay at tatay sa bahay."

"Ipapakilala mo na ba ako?"

"Kilala ka na nila."

"Not the friend introduction, as your boyfriend this time."

Natawa siya, nabasa niya ang pagtataka sa mukha nito. "Ano ka ba? Araw-araw kong sinasabi sa kanila na boyfriend kita. Ang alam nila nanay ay boyfriend kita. Boto nga si tatay sa'yo kasi mabubuhay mo raw ako."

"Seriously?" Namilog ang mga mata nito.

"Assumera ako, don't me."


"HALIKA rito Kevin," tawag ng tatay niya kay Kevin. Nasa labas ito ng bahay kasama ng mga kumpare nito. May maliit na mesa na pinagsasaluhan habang nakalapag doon ang mga pulutan at pangtuma ng mga ito. "Uminom ka rito."

"Tay, hindi ho umiinom si Kevin." Chos lang 'yon. Alam niya namang umiinom ang 'sang 'to minsan pero mas madalas ang minsan. At isa pa, masama sa kalagayan nito ang alcohol. "Kayo na lang ho riyan. Kaya n'yo na 'yan. Huwag masyadong loser."

"Naku!" Lumapit ang nanay niya sa kanila. "Hayaan mo 'yang matandang 'yan. Enjoy lang kayo rito, anak. May salad sa ref, kuha lang kayo."

"Salamat, tita.

Napaawang naman ang labi niya nang malakas siyang tapikin ng nanay niya sa likod. Aray naman, ha?

"Gwapo talaga nitong nobyo mo, anak."

"Galing kong pumili, 'di ba?" Pasimple niyang kinindatan si Kevin. Naglapat ang mga labi nito sa pagpipigil ng ngiti. "Mahal na mahal ako niyan." Pasimpleng kinamot nito ang ilong sabay baling sa ibang direksyon.

"Aba'y dapat lang." Nakangiting ibinalik ni Kevin ang tingin sa nanay niya. 'Yong klase ng ngiti na gugustuhin mo na lang magkasakit para makita ulit si dok. "Mahal na mahal namin 'tong anak namin. Mahirap lang kami pero hindi naman halata sa katawan niya, 'di ba?"

"Nay!" Hinawakan niya ito sa braso. "Sinisira n'yo na naman image ko."

"Ano ka ba?!" Pinalo nito ang kamay niya. "Kasama ng pagmamahal ang pagtanggap niya sa mga kakulangan mo. Pero ang sa'yo anak, tanggap niyang nasobrahan ka." Tawang-tawa naman ang magaling niyang ina. Pwede kayang manapak ng nanay? Grabe siya e.

HB 3: HIS BEAUTIFUL ADMIRER - COMPLETEWhere stories live. Discover now