Kabanata 12

5.5K 256 28
                                    

"KEVIN!" malakas na sigaw ni Mohana nang bumagsak ito sa sahig.

Mabilis na dinaluhan niya ito. Sumalampak siya ng upo sa sahig at pinahiga ang ulo nito sa kandungan niya. Malakas na malakas ang kabog ng dibdib niya. Anong nangyayari? Bakit ito bumagsak? Madaming pumapasok sa isip niya pero hindi niya nagugustuhan ang mga 'yon. Madami na siyang napapansin dito pero alam niyang pilit lang 'yong itinatago sa kanya ni Kevin.

Hinawakan niya ang mukha nito. He was still conscious, pero tila may masakit itong iniinda. Pikit ang mga mata pero hirap na hirap ang ekpresyon ng mukha nito. Hawak nito ang ulo. Pinipigilan niya ang maiyak sa mga oras na 'yon.

"Tay Anselmo! Nay Migring! Tulong po! Si Kevin!"

"Moh –" nahihirapang bulong nito. Ramdam niya ang sobrang panginginig ng kamay nito nang hawakan nito ang kamay niya. Sumilip ang pilit na ngiti sa mukha nito habang dahan-dahan nitong iminumulat ang mga mata. "I...I'm...o-okay..."

"Hindi ka okay," iyak na niya. "Tay Anselmo! Nay Migring! Tulong po!" paulit-ulit na sigaw niya. Hindi niya kayang maiakyat si Kevin sa silid nito nang mag-isa.

"This is mainly the reason why I have....so... many doubts... I... d-don't want you... to see me like...this..."

"Kevin, hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin 'to." Saktong dumating si Tay Anselmo, agad na nakasunod si Nay Migring dito. Parehong bumukas ang gulat at pag-alala sa mga mukha ng mga ito. "Tay, patulong ho."

"Dios ko!" Mabilis na tinulungan siya ng matanda. "Anong nangyari, inday?"

"Saka ko na ho ikukwento, Tay. Iakyat na muna po natin si Kevin para makapagpahinga."

"Mabuti pa," segunda ni Nay Migring.



HALOS tatlong oras ding nakatulog si Kevin. Nasa tabi lang talaga siya nito. Hindi niya ito iniwan. Sa napapansin niya, mas nagiging madalas ang pagsakit ng ulo nito. Maliban sa pagiging makalimutin nito ay madalas din itong magsuka at mahilo. Sa umaga, kapansin-pansin ang pamumutla nito.

Kilala niya si Kevin, hindi ito pabayang tao, alam niyang iniinom nito ang mga gamot sa tamang oras. Pero bakit ganoon? Kahit ang mga gamot nito ay 'di na rin kayang ibsan ang sakit na nararamdaman nito. Mag-iisang linggo na ang lumipas pero parang buwan na 'yon para sa kanya. Marahil buong araw kasi silang may ginagawa at kinaabalahan. Nasusulit ang bawat oras dahil tila ginto ang oras para kay Kevin.

Humigpit ang hawak niya sa isang kamay nito.

Positibo siyang tao at madalas niyang idaan sa biro ang lahat ng mga problema niya pero bakit ang hirap na makitang naghihirap si Kevin? Ang hirap magkunwaring okay siya. Nami-miss na niya ang malusog na Kevin. Ang ngiti nito na umaabot sa mga mata nito. Kahit na madalas pa rin itong nakangiti, nagbibiro at tumatawa. May pagkakataon na sa tuwing mag-isa ito sa sala o sa garden ay malayo ang tingin nito at madalas nakatulala. Malalim na malalim ang iniisip at halatang malungkot.

Kung sana pwede nilang paghatian ang sakit ng nararamdaman nito. Pero wala siyang ibang magawa para rito kundi ang maging malakas para rito. Kilala niya si Kevin, iisipin na naman nitong makasarili ito at isisisi na naman nito ang kalungkutan niya sa sarili nito.

Bwesit din kasi ang lalaking 'to!

Marahas na pinunasan niya ang mga luhang kumawala sa mga mata gamit ng libreng kamay. Umiiyak talaga siya, pero ayaw niyang ipakita 'yon kay Kevin dahil alam niyang malulungkot lang ito.

Mayamaya pa ay unti-unti nang gumagalaw ang mga mata nito hanggang sa magmulat ito. Agad niyang binati ito ng ngiti.

"Kumusta?"

HB 3: HIS BEAUTIFUL ADMIRER - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon