Chapter 5: Her Troubles

19 0 0
                                    

Eto na syaaa! Ang Chapter 5 ng HER OWN LOVE STORY :)


CHAPTER 5

Nandito ako ngayon sa aking kaharian. Malawak ang espasyo nito na pinalilibutan ng mga upuan. Tahimik rin dito. Malayo sa mga maiingay na nilalang. Makakapag-isip ako ng mga magagandang eksena para sa aking istorya. Tanaw ko rin ang magandang bakuran ng aming eskwelahan. Ngayon, ang kailangan ko na lamang gawin ay huminga nang malalim at magsimula nang magsulat.

Ang tema ng aking istorya ngayon ay tungkol sa magkasintahan noong unang panahon na pinilit na paglayuin ng kanilang mga magulang sa kadahilanang may di pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang pamilya. Isang mortal na magkaaway simula pa noong panahon pa ng kanilang mga ninuno.

*nosebleed*

"Teka nga muna. Wait! Romeo and Juliet lang ang peg? At saka di ko na kaya ang malalalim na tagalog."

"Eh maganda kaya, friend! At saka tingnan mo oh. Kakaunti pa nga lang ang naisusulat mo, nosebleed ka kaagad dyan. At saka PILIPINO ka po kaya, bakit magdudugo ang ilong mo sa sarili mong wika?"

Napatingin naman ako kay Em nang masama.

"Asuus. Adik ka lang kasi sa istorya ni Isabelle at Samuel ng Ikaw Lamang eh!"

"Waaa! Sige naman na, friend! Pagbigyan mo na ako. Igawa mo na ako ng story na somewhat related dun."

"What? Ayoko nga. Baka maakusahan pa tayo ng Plagiarism nyan ee. Kilala mo naman ako diba? I will never ever do that kind of thing. Yan na nga lang principle ko sa buhay."

"Eh anong gusto mong gawin ko, Clarice? Magpaalipin na lamang sa mga iyon? Ayoko pang mangyari sa akin yun! Kaya, please, Clarice? Igawa mo na lang ako ng story na makaluma. Sige naaa. Please? *puppy dog eyes* "

Napatingin ako sa mga mata nya. Papaano pa ako makakatanggi sa ganyan? Kahinaan ko yan e. Ang daya naman ni Em.

"Oo na. Oo na. Gagawin ko na. Pero sarili kong plot ah. Basta ang setting ang sinauna. Kung bakit kasi, susugod sa mga pustahan na din naman pala kaya."

Nakipagpustahan kasi yan sa mga seniors ng Literature Club na mga perfectionist pagdating sa mga "medyo" classic na stories. Well, in short, gusto nila yung sinauna lang. Kung bakit kasi nadamay pa ako sa mga pakulo nitong bestfriend kong ito.

Tiningnan ko ang paligid. Malayung-malayo sa dinedescribe ko kanina. Nasa loob lang naman kami ng aming classroom na napapalibutan ng napakaingay na mga kaklase. Batuhan ng papel. Tsismisan dun. May mga nagrereview. May natutulog. At may mga tulala na para bang pinagbagsakan ng kung ano. 

I sighed. I remember what happened yesterday. That was my most unlucky day. Paano ba naman, binulabog ako nung Kyle na yun. Well, siya na nga pala si Kylie. What a boring name. Wala halos pinagkaiba sa dati. Tapos, si Annoying Guy naman. Sundan ba naman ako maghapon sa school. Stalker lang ang peg. Nakakainis >_<

At yun nga. Nung pauwi na ako, umulan nang malakas at nagkataon pang wala akong dalang payong. Ayun. Napasugod pa ako sa ulan nang wala sa oras. Tapos yung bwisit na jeep, dun pa dumaan sa may dinadaanan ko, ayun, para lang naman akong basang sisiw pag-uwi ng bahay. Mabuti na lang at di pa ako nagkakasakit.

"Friend! Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?"

Napabalikwas naman ako dun.

"Haha. Hindi e. Ano nga ulit yun?"

Her Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon