Chapter 6: Her Wonderful Times

12 0 0
                                    

Matching Hearts (Day 1)

Nandito ako ngayon sa room namin kasama si Emz. Nag-iisip kami ng idea para gagawin naming product. And about dun sa announcement ni Dean, kung sinuman ang makakakuha ng attention nung four students na ipapadala nya sa klase namin ay may prize daw na matatanggap. And that prize? I don't have any idea. Siguro kung anong coupon lang yan. Wala kasi talaga akong interest sa mga ganyang bagay. Ang habol ko lang ay grades. Sabi kasi ng Professor namin, ang premyo nya sa mangunguna sa activity na yun ay bibigyan nya ng 1.00! Yes po. Tumatanginting na UNO! Ang hirap kasi ng subject nya eh. Pero, grabe ang tiwala ng Professor namin sa four na students na yun ah. Masyado ba silang mahirap ipersuade na bumili ng product para magbigay sya ng ganung grade? Well, wala na akong pakialam dyan. Basta ang habol ko ay yung UNO sa Transcript of Records ko! Bwahahahaha!


"Hoy! Friend! Anong nangyayari sa iyo?!"


Sabay yugyog sa akin nang malakas na halos mahulog na ako sa upuan.


"Waaa! Ano ba naman, Emz! Sinisira mo naman ang precious moment ko dito eh!"


"Ano ba kasi ang iniimagine mo dyan?"


I smirked.


"Yung 1.00 na grade ni Ma'am! Haha."


"Nye! Wala pa nga tayong naiisip na product eh, ang layo na ng nararating ng utak mo."


"Ano ka ba Emz! Madali lang kaya mag-isip ng product!"


Bigla syang humarap sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat.


"Sige nga. Sabihin mo sa akin ngayon yang naiisip mong product na gagawin natin."


Seryoso nyang wika.


Luhh. Napasubo ata ako ah. Wala pa kasi talaga akong naiisip na idea para sa gagawin naming product. >_<


Maya-maya naramdaman kong binitawan ni Emz ang balikat ko.


"Tsk. Tsk. Sinasabi ko na nga ba at wala ka pa ngang naiisip. Paano naman natin mararating ang goal mo nyan."


>3<


"Ahh! Basta! Hintayin na lang natin magpakita yung apat na estudyante na yun. Pag nalaman na natin ang kanilang personality, makakaisip din tayo ng idea para dyan! Haha. Tiwala lang, bestfriend! Think positive!"


Maya-maya dumating na ang Professor namin at nagsimula na ang klase.


"Okay, class. I knew that you've already heard about the activity. In connection with this, gusto kong makilala ninyo ang four students na tinutukoy ni Dean sa activity na ito. Come on, guys! Pwede na kayong pumasok at magpakilala."


Sabay-sabay silang pumasok. Yung unang guy ay may salamin at nakalong-sleeves at black slacks. Nerd ang dating. Yung second guy naman, pa-cool lang. Naka-polo with a black shirt underneath and a maong pants at nakataas ang buhok. Yung mala-Elvis Presley ba. Next ay isang girl na sobrang ganda at sexy. Naka-shorts and hanging blouse with a matching bag on her shoulder. And the last but not the least ay simpleng guy. May highlights ang buhok nya. Naka-tshirt and pants lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon