Results

2K 126 34
                                    

Seryoso

Chapter Three: Results

Alesana_rain

***

"Congrats." matamlay na sagot ni Jen sakin.

Hay ewan. Bakit malungkot parin sila? Masaya naman ako ah. Dapat masaya rin sila para sakin.

"Thank you, ang saya naman." sabi ko sa kanya at lumipat muna ako ng upuan.

"Galing mo naman Yesah." puri naman sakin ni Rhona.

"Ang saya siguro sa feeling kapag ikaw lang sa girls ang nakapasa no? Congrats, ulit." sabi pa nya.

Masaya nga ba?

"Haha. Oo nga, ang saya. Oo, masaya talaga."

Ewan ko na talaga. Sasagot ako ng positive. Sasagot ako ng 'masaya' pero wala naman ka-feelings-feelings yung pagsagot ko. Parang walang kabuhay-buhay na ewan.

"Hay. Masaya ka ba talaga sa resulta, Ye? Halatado ka na eh. Umamin ka na kasi jan, pakipot ka pa." sabi naman sakin ni Pam.

Nilagay ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Tinigil ko muna ang pagsusulat.

"Kita mo na. Hindi ka nga masaya! Kunyari ka pa jan bal! Halata ka naman sa pagtawa mo palang, scripted na." sabi nya pa.

Minsan hindi mo talaga alam kung kaibigan mo yung mga ganyang kagaya nila eh. Imbis na damayan ka sesermunan ka muna bago ka i-comfort.

"Pwede ba, di naman kayo nakakatulong eh." nakakasakit na talaga ng ulo.

Nagulat naman ako nang biglang inayos ni Rhona ang pagkakaupo ko. Kinontrol nya ko ng sarili nyang kamay at niyugyog. Tinapik-tapik pa ni Pam ang pisngi ko at ibinaba ang kamay ko.

"Ano ba! Aning na ba kayong dalawa."

"Tingan mo na!" sabay pa silang dalawa.

"Anong tingnan ko."

"Pati pagtatanong mo at expression mo nawawala. Nasan na si Yesah?! Ininvade na ba sya ng mga alien?! Ininvade na ba ni Keir ang utak mo?! Selfish nya ah. Puso mo tapos utak mo pa." nags-speech ba sya?

"Parang baliw 'to si Kambal! Umayos ka nga! Mukha kang nadaganan ng sandamakmak na libro ni Mr. Bookworm mo!" sabi nya at hinampas ang braso ko. Ang brutal nyo, I wanna cry now.

"Eh kasi naman eh.." mangiyak-ngiyak na ko dito. Ayoko na, ayoko ng ganito. Nakakahiya sa kanila.

"Wag ka ngang mahiya samin! Sampalin kita jan eh! Maliit na bagay lang yan, Ye!" ang tinis ng boses ni Rhona kahit kailan.

"Eh wala naman kasi kayo sa posisyon ko eh!" sigaw ko pa.

"Wala ba? Edi palit tayo!" Ay boyset, literal naman masyado. Nakakairita naman.

"Kwento na kasi. Bakit hindi kayo parehong nakapasa? Bakit ikaw lang? Unfair naman nun. Dapat dalawa kayo eh." reklamo pa ni Rhona.

Sinimulan ko namang ipaliwanag sa kanila. Mabuti nalang at wala ang teacher namin at may pinapakopya lang. Hindi nalang ako kumopya dahil may mahihiraman naman ako ng notebook. (Tamad na kung tamad)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SeryosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon