Dreaming

2.1K 106 30
                                    

Chapter Two: Dreaming

Alesana_rain


 "Aray ko naman Yesah! Kumalma ka naman 'te!" natatawang sabi ni Dana sakin.

Tumawa rin ako sabay tili. Pero dahil medyo nasa katinuan pa naman ako eh tinikom ko kaagad ang bibig ko. Mahirap na, may cctv pa sa katabing building.

"Grabe na! Grabe na talaga! O Jusko!" sabi ko at umaktong mahihimatay.

Eh sino ba naman kasi ang hindi mahihimatay.. sa kilig?! Ikaw kaya ang makarinig ng ganun mula sa taong..

"Hindi ka naman kinikilig nyan? Grabe. Halos baliin mo na ang braso ko kakakapit at kakahampas mo sakin ah?!" saway naman nya sakin.

"Wala kang pake! Eh kinikilig kasi ako eh! Grabe! Kung ikaw siguro ang nasa posisyon ko, baka ikamatay mo pa sa sobrang kilig yung marinig mo na--

Hindi ko na tuloy natuloy yung sasabihin ko kasi may dumating na isang estudyante. Babae pa naman. Baka isipin naglalalandi kaming dalawa ni Dana dito sa cr.

Iniba ko nalang muna ang topic.

"Grabe yung MATH  no'? Ang ganda ng lesson, nakakasipag tuloy mag-aral!" sabi ko at kinindatan ko naman si Dana.

Na-gets naman nya agad.

"Oo nga. Pati tuloy ako nagiging masipag na. Interesado ka na tuloy KAY MATH." at talagang diinan daw ba ang 'kay math'.

Tiningnan lang kami nung babae at naghugas na sya ng kamay at umalis. Akala nya siguro kung ano yung pinagkukwentuhan namin.

Eh kasi ate kinikilig lang naman ako kay payatot na Keir na matalino na matangkad na.. payat parin.

Chos. Dreaming again Yesah!

Tuluyan na nga syang umalis at tumili na ako ng tuluyan. Ok, malandi na ba ako? Sorry ah, sadyang kinikilig lang talaga.

"Iba talaga ang epekto sa'yo ni Keir noh? Baliw ka na ata Yesah eh!" sabay hampas sa buhok ko.

"Oo nga. Nababaliw na ko. Sabi ko joke lang pero nagkakatotoo na ata eh." bigla kong inayos ang sarili ko. Yung mukhang tao na ayos. Tumayo ako ng tuwid at pinagpagan ang palda ko.

"Tama ka nga. May tama ka." sabi nya.

"Oo. Ah ewan. Basta. Di ko alam. Ah basta. Ay ewan ko nga! Ay ang gulo! Ay naku!"

Dahil wala ng patutunguhan ang pinag-uusapan namin, pero naniniwala parin akong may patutunguhan kami ni Keir (chos), tumawa nalang ulit kami at bumalik na sa room.

Pagbalik namin sa room, siya agad ang nakita ko. Eh paanong hindi, nakatayo lang naman sya sa pintuan at pinapaikot ang ballpen nya sa kamay nya.

"Excuse me nga!" umakto akong itutulak sya dahil nakaharang sya sa daanan ko.

Tiningnan nya lang ako at umalis. Bumalik sya sa upuan nya. Para ngang inirapan nya pa ko bago tumalikod sakin eh.

"Sungit mo. Kala mo kung sino, payatot naman." bulong ko at umupo narin ako sa upuan ko.

Kumuha nalang ako ng libro sa bookshelf namin at nagbasa. Ganito talaga ako kapag naiinis, dinadaan ko nalang sa pagbabasa. Pero hindi ko naman talaga minsan binabasa. Minumurder ko sila sa isip ko.

Pero pag si Keir, niyayakap ko.

"Chos!" sabay tawa ng pagkalakas-lakas. Dreaming again!

Napatakip naman ako ng bibig. Tumingin ako sa mga kaklase ko na busy-ing busy. At tama nga ako. Nakakahiya man pero wala eh. Nangyari na.

SeryosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon