The Ex-Girlfriend Chronicles by xmeimeix

13K 34 1
                                    

Title: The Ex-Girlfriend Chronicles
Author: xmeimeix
Genre: Romance, Fiction

Synopsis:
Matagal nang magkaibigan sina Jep at Zai. Ang natatanging bonding nila ang pagget-together sa bawat break-up ni Jep. Si Jep na nag-iipon ng Ex-Girlfriends. Si Zai na naglilista ng mga Ex niya. Ang tawag ni Jep dito, Documentation. Ang tawag ni Zai, Ex-Girlfriend Chronicles. Gusto mo bang makita ang listahan nila? Basa na!

***

Favorite Quotes:

"Hindi naman sa wala kanh kwentang tao. May konti ka lang na pagkagago. Hindi ko rin alam kung ano tong ginagawa mo. Palit ka ng palit na parang nagpapalit ka ng T-shirt. Bakit hindi mo i-consider for once na magseryoso naman? Itigil mo na ito Jep. Humahaba ba masyado ang listahan. Itigil mo na tong kalokohan." -Zai

"Inaamin ko naman eh. Bobo ako. Duwag. Siraulo. Wala akong lakas ng loob para sabihin sayo ng diretso. Kung ano talagang nararamdaman ko. Matapang ako sa ibang babae. Madali ko lang sabihin sa kanila kung ano yung gusto nilang marinig. Pero, pagdating sa'yo nauubos ang lakas ko. Kulang na nga lang atakihin ako sa sobrang bilis ng puso ko. Kapag kasama kita eh. Paano pa kaya pag umamin ako. Pero totoo. Totoong-totoo ang nararamdaman ko. Hindi ko lang nasabi kaya, nagkaleche-leche tayo." -Jep

***

Kwento ito para sa mga taong PAASA at taong UMAASA. Yung tipong nagpapakita ng motibo para maniwala kang may 0.00000001 percent pang chance para magkatuluyan kayo. At ang masakit, palaging ikaw yung rebound niya pag may problema sya, ang tinatakbuhan niya kung kailan niya lang gusto. Sa story na ito, hindi lang paramihan ng naging Ex Girlfriends ang issue, kundi sa kung ano ang paraan niya, para tuluyang makipagbreak sa mga dating girlfriends niya at kung ano ang motibo niya para dun.

Hindi siya typical story na pinapakilig ka. At first, hindi ko maintindihan si Jep. Sa pinapakita niya, pwede na din siyang sabihan na "Casanova" or "Playboy". Sa dami ba naman ng naging girlfriend niya. On the other hand, si Zai naman, ang Forever Loyal na 'Childhood friend' ni Jep, na walang ginawa kundi ang maglista ng naging EX ng kaibigan niya. Good thing na, naging sociable si Zai at hindi umikot ang buhay niya kay Jep lang. Maganda ang concept lalo na't kung ano ang reason ng paglilista ng Ex Girlfriend Chronicles sa relasyon nilang magkaibigan.

External link ---->
If you like this story, click VOTE/ DO COMMENT. Thanks.
Happy Reading! :)

#477 in ROMANCE. Thank you guys. Medyo busy po ako sa IV training ko this week but I'm trying to update this friday. :D

Ciao!

LynzieM.

***

MUST READ STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon