Chapter 11

1.2K 33 0
                                    


Jennifer's POV

Pagkatapos akong yakapin ni Lian nang mahigpit ayy bumitaw narin sya pero di ko talaga maalis sa isip ko si Lloyd nagsialisan na rin ang mga tao dito sa gymnasium kaya kami nalang ang natira dito

"You made a right decision"

"Wala lang akong nagawa kanina maraming taong nakatingin kaya tumango nalang ako , kaya wag kang ano dyan "

"Huhhh may sinasabi ka ba babe?"

What the....babe? Sinamaan ko nalang sya nang tingin kailangan kong hanapin si Lloyd..akmang tatalikod na sana ako nang pigilan ako ni Lian

"Teka...teka.. san ka pupunta?"

"Pwede ba Lian,may pupuntahan ako"

"Sama ako"

Di ko na sya pinansin at tumakbo papalabas ng gymnasium lahat ng nadadaanan ko ay ang sama ng tingin sa akin,hayyyy ano ba tong pinasok ko...

Saan ko ba makikita si Lloyd ,pumunta ako ng classroon pero wala sya dun narinig ko sa kaklase ko na puro vacant kame hayssss san ba pumunta yun ....teka alam ko na sa garden

Pumunta ako ng garden at hindi nga ako nagkakamali nandun sya sa ilalim nang puno nakahiga habang yung braso nya ay nakatakip sa mata nya

"Pssttt..Lloyd"

Tumabi ako sa kanya pero nakaupo lang ako.kaagad nya namang tinanggal yung braso nya na nakatakip sa mata nya

"Ohhh jenn ikaw pala yan"

May napansin ako sa kanya yung ngiti nya sobrang pilit lang tsaka yung mata nya sobrang lungkot

"Lloyd may problema ba?"

"Oo jennifer malaking problema"

"Mag share kanaman dyan baka kaya kitang tulungan"

"May gusto kase akong babae,pinaparamdam ko sa kanya na gusto ko sya pero naunahan na ako ng iba"

Natahimik ako bigla sa sinabi niya....jennifer wag kang assuming...Tinuloy nya lang ang pagsasalita

"Ngayon ko lang sya nakilala,ngayon lang din ako nakaramdam ng ganito,at ang masaklap pa sa lahat kaagaw ko pa ang kaibigan ko"

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya

"Ayaw ko syang masaktan , kaya kong magparaya para lang sa kaligayahan niya,kung dun siya sasaya masaya narin ako"

Sabay ngiti niya sa akin umayos siya ng upo ngayon ay magkapantay na kami

"Kung sa kanya ka sasaya masaya na rin ako"

Tumulo ang luha sa mata nya..ano ba to anong nang yayari sa buhay ko

"L-lloyd...."

Pinunasan nya ang luha nya at masayang bumaling sa akin di ko tuloy maiwasang itanong

"Bakit ako....maraming mas maganda sa akin mas sexy at-"

Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita sya

"Jennifer..napapasaya mo ako yung ang kaibahan ,hindi ako tumitingin sa pang labas na anyo para sa akin sobrang ganda mo"

Uminit ang gilid nang mata ko sa sibabi niya,,,,sobrang bait nya sa akin pero hindi ganyan ang nararamdaman ko para sa kanya

"Alam kong gusto mo si Lian pero ,once na sinaktan ka niya andito lang ako ,palaging nandito para saluhin ka"

Sobrang gulo na nang buhay ko ngayon....nang biglang dumating si Lian..

"Babe.."

"Ohhh lloyd andito ka pala,bat kayo magkasama"

"Iwan ko nalang kayo dito may gagawin pa kase ako"

Bago sya umalis ay ngumiti pa ito sa akin

Lumapit si Lian sa kinauupuan ko..

"Ohh may dala akong icecream"

Tumingin naman ako sa ice cream na hawak nya.

"Lian itigil mo na to"

"What bat ko titigilan ngayon pang sa akin kana"

"Pwede ba tigilan mo na tong paglalaro mo "

"Sa tingin mo naglalaro ako?"

Hindi ko nalang,sya pinansin pakiramdam ko iiyak na talaga ako

"Oh..bat ka naiiyak?"nagaalalang tanong nya

"Alam mo lian gulong gulo na ang buhay ko,pleasee lang itigil mo na to"

Umiiyak ako habang nagsasalita di ko na mapigilan ang luha ko

"Shhhh,tahan na di ako naglalaro seryoso ako"

Niyakap nya lang ako hanggang sa tumahan na ako

The Revenge of the Fatnerd✔Where stories live. Discover now