Chapter 3

1.8K 42 0
                                    

Jennifers Pov

Natulala ako sa sinabi ni adele na kaya nilang manggulo ng buhay ng isang tao ,pero ano naman ngayon,hindi naman nila ako mapapansin kase hindi naman talaga ako kapansin pansin,kung sa pisikal na itsura ,isang mataba at nerd ako, pero ok na ako don mas gusto kong tahimik nalang ang buhay ko

Naglalakad kami ni adele papuntang classroom ng harangin ako ng pamilyar na babae,wait teka lang hindi lang pamilyar pero kilala ko to ahh ito yung tinapunan ako ng milk tea,tskk ano naman kayang gagawin neto,bahala na di ko nalang sya papansinin

Lalagpasan na sana namin sya ng bigla syang nagsalita

"And where did you think your going?"sabi niya

Wala akong balak na kausapin sya kaya tumalikod na ako pero bago pa ako makatalikod ay nahawakan na nya ang mahaba kong buhok na di nasusuklay,

"Arayyyyyy....,ano bang problema mo?"sabi ko ng may pagkairitang boses

"And your asking me if what is my problem,tssk your so stupid .Ikaw ang problema ko ang pangit mo,nakakasuka,nakakadiri at cheap angsarap mo lang kaseng pahirapan"

"Next time na makita kita dito na pakalat kalat,you better leave this school because you are not belong here"umirap sya at saka tuluyang umalis.

Napabuga nalang ako sa hangin dahil sa sobrang inis,di ko magawang labanan sya kase alam kong wala akong laban,at alam kong kakampihan sya ng mas nakakarami dahil sikat sya at mayaman

"O-ok k-ka lang ba jenny?" sabi ni adele nana may halong awa sa akin

"Ok lang ako,sanay naman na ako ehh ano ka ba,wala lang yun,tara na baka malate pa tayo sa klase natin."

Hinila ko sya para di na sya makapagsalita pa kase ayokong pagusapan pa ang nangyari kanina,sa totoo lang di ako ok parang sasabog na nga ako ehh pero kailangan kong magpakabait at kailangan kong hindi pumatol sa kanila para mapanatili ko ang scholarship ko sa school na to,sayang naman kase...kung di ako makakapagtapos ehhh isang taon nalang naman at gra-graduate na ako ng college

Nasa tapat na kami ng classroom,pumasok kami ni adele at napagpasyahan naming magkatabi nalang kami tutal wala naman atang gustong tumabi sa amin,

Nagkwentuhan muna kami ng tungkol sa buhay namin mayaman sila adele sila ang may ari ng kilalang mall sa Makati pero hindi sya katulad ng iba na mayabang down to earth syang tao at yung ang nagustuhan ko sakanya kahit ngayon lang kami nagkakilala. Nag kwekwentuhan kami ng umingay ang paligid

Kyahhhhhhhhhhh....

Omy ghadddddddd

Akin kanalang Lloyd.....

Lian babyyyy

Lanceeeeeeee.....

"Aisttttt,pati ba naman dito,ang ingay naman"inis kong tugon sa mga nagsisisgawang babae pero pabulong lang kase baka paginitan nanaman nila ako

Bigla namang pumasok ang professor namin at pinatahimik ang mga kaklase ko

"Ok classs,quiet,Mr. Gomez please introduce yourself "

Agad naman siyang tumayo at nagpakilala sa harapan

"Im Lian Gomez,hope that we can all be friends "sabay kindat

Agad agad namang naghiyawan ang mga babae sa loob ng classroom dahil sa kindat nung Lian  tsssk,play boy

Sumunod naman si adele,naging tahimik ang lahat nung nagpakilala sya ilang bulung bulongan ang narinig ko pero agad naman silang tumigil nung pinatigil sila ni Prof.

Discusssss

Discusssss

Discusssss

Discusssss

At sa wakas uwian na,agad akong nagpa alam kay adele,dahil may trabaho pa ako sa coffe shop palinga linga ako hang naglalakad dahil baka makita nanaman ako nung babaeng nagbuhos sa akin ng milk tea sa sobrang pagmamadali ko nauntog ako sa pader,pero parang wala namang pader dito kanina ahh at napatingala ako

"Sinasadya mo bang bungguin ako ng paulit ulit?"naka smirk nyang tanong

"S-sorry d-diko s-sinasadya."syete bakit ako nauutal

Bigla syang umalis at wala ng ibang sinabi ,bakit ba ako nauutal aisttttt....,jennifer naman

pinagpatuloy ko nalang ang pag lalakad hanggang sa maka labas ako ng gate agad kong pinara ang taxi at pumunta sa coffee shop na pinagtratrabahuan ko

««««««Coffee Shop»»»»»

"Good afternoon po maam"bati ko sa manager namin,alam nya na working student ako at alam rin nyang mag isa nalang ako sa buhay

"Good afternoon den,maglinis kanalang ng mga table,at mag hugas ng mga pinggan at pwede kanang umuwi alam kong pagod ka sa school mo kaya magpahinga kana pagkatapos"sabi ni maam percy

"Ok po maam percy,thank you po" masayang sambit ko

Agad kong ginawa ang mga dapat gawin sa coffee shop at pagkayapos ay nagpa alam na ako kay maam percy at saka umuwi.Nilakad ko nalang ang bahay namin kase malapit lang naman

Pagkarating ko sa tapat ng gate ng bahay namin ay ramdam ko ang katahimikan nilabas ko ang susi ng gate atsaka pumasok sa bahay tanging mga tunog lang nang mga susi ang naririnig ko dahil sa katahimikan hindi gaya dati na maingay dahil meron pa sila nanay at tatay na laging nag aasaran

Di ko namalayan na umiiyak na naman pala ako ,pinunasan ko ang luhang lumalandas sa pisngi ko at pumunta nasa banyo para maligo bago matulog. nawalan ako ng gana kumain dahil nalulungkot ako na mag isa ko lang kakain ,nahiga ako sa kama at tumingin sa litrato namin nila nanay at tatay

"Nay,tay hayaan nyo magsusumikap ako para makapagtapos ako ng pagaaral gaya ng gusto ninyo"dahan dahan akong nilamon ng antok hanggang sa ako ay makatulog

The Revenge of the Fatnerd✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon