IV. ANG NAKIKILALA NG PUSO

20 1 0
                                    

                                                                IV. ANG NAKIKILALA NG PUSO

 Maganda ang nagging umaga ni Roe. Paggising niya ay nasa dinning table pa ang kanyang papa at iniintay siyang makasalo sa breakfast.

 “Anak ko kain na tayo”, ang nakangiting sabi ng kanyang ama.

 “Papa happy ako na sabay tayong kumakain ng breakfast, minsan kasi an gaga agad mo umalis”, ang palambing na sabi ni Roe sa kanyang ama.

 “Kamusta kayo ni Ricson, Masaya ako anak na si Ricson ang boyfriend mo. Hindi ako natatakot dahil alam ko, he is a  good man”, ang sambit ng kanyang ama.

 “Papa opo ok na ok kami ni Ricson, simula noon hanggang ngayon napaka-bait niya at maalaga”, sagot ni Roe sa ama.

 Natapos ang breakfast ng magAma ng puro tawanan. Ilang araw  din kasi na halos hindi sila nagkikita sa iisang bahay dahil na rin sa busy schedules ng kanyang ama.

 Pagkabihis ni Roe at handa na siya sa pagpasok sa school ay agad ng dumating si Ricson para sila ay sabay na pumasok sa school.

 “Good morning hon and I love you”, ang bati ni Ricson kay Roe pagsakay nito sa kotse. Pinagbukas pa siya nito ng pinto. Isa talagang gentleman si Ricson.

 “I love you too hon”, malambing na sagot ni Roe sa kasintahan.

 “Hon, nabalitaan ko na medyo nagkasagutan daw kayo ni Arman sa class natin. I hope you’re ok hon?”, nagaalalang tanong ni Ricson kay Roe.

 “Ok naman ako hon, may pinagdadaanan lang pala si Arman kaya ganoon ang asal niya, wala na iyon sa akin hindi naman ako nabastusan. Dahil ganoon naman talaga kapag may debate sa klase”, sagot ni Roe.

 Walang klase si Roe at Ricson kay Ms. Bello ngayon pero si Ricson ay may ibang klase at si Roe naman ay magtratrabaho sa student council’s office kaya naghiwalay muna ang dalawa.

 “Ms. Roe!!! Ms. Roe!!!”, ang medyo malakas na tawag ng isang lalaki sa kanya.

 Ito pala ay ang security guard ng university.

 “Ms. Roe pinapatawag daw po kayo sa Dean’s office”, sambit ng guard kay Roe.

 Hindi na nagtanong si Roe dahil alam niya siguro may student nanaman ang nagkaroon ng violations. Agad siyang nagtungo sa office ng dean nila.

 “Good morning ma’am”, ang pagbati ni Roe sa kanila Dean pagpasok nito sa opisina.

 Ngunit nagulat siya dahil ang student na nakaupo sa harap ng mesa ni Dean ay walang iba kundi si Arman.

 Sinabi ng Dean na si Arman ay nahuli na naninigarilyo sa CR at ilang beses na itong hindi pumapasok sa klase. Dahil ditto maari siyang maSuspend sa university.

 Pinakiusapan ni Roe si Dean para magawan ng paraan upang hindi na maparusahan si Arman. Ganito rin naman ang ginagawa ni Roe sa iba pang students na nagkakaroon ng violations.

 “Sige Ms. Roe hindi siya masuSuspen pero kailangan siyang tumulong sa student council’s office for one month”, ang sabi ng Dean.

 Mukhang aangal si Arman sa desisyon ng Dean pero agad sinipa ng bahagya ni Roe ang paa ni Arman at tumingin si Roe na parang nagmamakawa na huwag nang sumagot pa.

 Natapos ang paguusap at magsisimula na ang unang araw ni Arman bukas sa pagtulong sa student council activities.

KINABUKASAN ay agad na ngang nagtungo si Arman sa student council’s office. Wala pa si Roe sa office ng dumating si Arman. Ngunit ilang sandal pa ay bumukas na ang pinto. Agad napatingin si Arman sa taong papasok sa pinto at agad siyang napatulala.

“Good morning Arman, pero bakit parang nakakita ka ng multo?”, pabirong sabi ni Roe.

“Hindi hindi sorry, ngayon lang kasi kita natitigan ng husto. Ang ganda mo Roe”, sagot ni Arman.

Hindi alam ni Roe kung nagbibiro si Arman pero parang namula siya sa sinabi nito. Maging ang ibang students na nakarinig ay para bang kinilig.

“Ewan ko sayo Arman, mapagbiro ka talaga”, sagot ni Roe.

“Hindi Roe maganda ka talaga. Salamat pala sa tulong mo”, dagdagni Arman.

“Sa amin ka nalang Arman kasi my boyfriend na si Ms. President”, pabirong sabi ng mga ibang officers ng student council.

Nagkatawanan lang ang lahat at nagsimula na ang meeting para sa gagawing outreach program ng council.

Naguguluhan si Roe, dahil bakit parang Masaya siya na kasama niya si Arman. Dahil mas lalong lumalapit ang kanyang loob sa lalaki lalo na ngayon na nagkakasama sila at nakikilala niya ito na mabuting tao.

BEEEP!!! BEEEEEP!!!

Ang tunog ng cellphone ni Roe sabay ng pagtatapos ng meeting. Nagtext si Ricson na may emergency review ang mga classmates nito sa isang condo na malayo sa university katya nagpaalam ito at pinayagan naman ni Roe. Sinabi ni Roe na magpapasundo nalang siya sa driver nila.

“Boyfriend mo?”, ang tanong ni Arman kay Roe.

“Oo hindi raw niya kasi ako masusundo kasi ay review sila ng classmates niya biglaan daw”, sagot ni Roe.

“Sige kung pwede ako nalang maghahatid sayo doon din naman ang way ko”, pagaalok ni Arman.

“Ok sige thank you”, ang sagot ni Roe sa invitation ni Arman.

Hindi nakaramdam ng pagaalinlangan si Roe. Hindi niya alam bakit siya pumayag sa invitation ni Arman na ihatid siya. Ngayon lang ito nangyai sa kanya.

Nang sila ay nasa kotse na…

“Alam mo Roe parang nakikita ko sayo si Celine”, paumpisang sabi ni Arman.

“Pareho kasi kayong maganda, mabait, matalino at masipag sa pagaaral”, dagdag ni Arman.

“Thank you Arman, at ngayon mo lang nabanggit Celine pala ang name niya”, tugon ni Roe.

“Oo Celine nga, alam mo galit ako sa kanya pero mahal ko parin siya at magaan ang loob ko sayo Roe dahil sa mga tulong mo nailabas ko ang nasasaloob ko noong nag Debate tayo sa klase at yung problem k okay Dean, salamat talaga Roe”, pasasalamat ni Arman.

“Welcome Arman at salamat sa paghatid ditto nalang ako”, tugon ni Roe.

Nakarating na nga agad sila sa tapat ng bahay ni Roe.

“See you tomorrow Roe”, paalam ni Arman.

“Thank you and same here Arman”, sagot ni Roe.

MY BORROWED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon