II. ANG HINAHANAP NG PUSO

39 1 0
                                    

II. ANG HINAHANAP NG PUSO

“Good morning class!”, ang masiglang pagbati ni Ms. Bello.

Si Ms. Bello ang professor nila sa literature. Siya rin ang tinuturing ni Roe na bestfriend at pangalawang ina. Si Ms. Bello ay teacher ni Roe at Ricson noong sila ay nasa high school pa lamang, ngunit natapos ni Ms. Bello ang kanyang Masters Degree in Literature kaya nagpasya na itong magturo sa college.

Tapos na rin ang pagcheck ng attendance at maguumpisa na ang klase.

“Present! Maam Present!”, ang malakas na sigaw ng isang lalaki na papasok pa lamang ng classroom.

“Mr. Arman, late ka nanaman at kahapon ay absent ka”, ang marahan ngunit may pwersang pagtatanong ni Ms. Bello.

“Maam, sorry po medyo may pinagdadaanan lang po ako ngayon”, ang malungkot na sagot ni Arman.

“Okay sige pagbibigyan kita ah huli na ito”, sagot ni Ms. Bello.

Hindi kilala ni Roe si Arman dahil si Arman ay transferee lamang sa kanila university. Hindi na naabutan ni Roe na dumating si Arman dahil nagsimula na ang leave of absence niya dahil sa kanyang operasyon.

Napansin ni Roe na parang malalim ang iniisip ni Arman. Nalilito rin siya na bakit hindi maalis ang kanyang tingin at atensyon sa lalaki.

Simula ng nagging sila ni Ricson hindi siya nakaramdam ng kahit na ano mang dahilan para magbigay ng ganung atensyon sa isang lalaki. Dahil hindi niya iyon ugali. Pero bakit parang iba si Arman. Parang may anong meron sa kanya.

KRIIIINNNGGG!!!!!

Iyon ang tunog ng bell na nagsasabi na tapos na ang klase ni Ms. Bello. Nagusap muna sandal si Roe at si Ms. Bello dahil sobrang naMiss nila ang isat isa. Binanggit rin ni Ms. Bello sa kanya na Accountancy rin ang kurso ng bago niyang classmate. Hindi naman niya tinatanong kay Ms. Bello pero hindi niya alam kung bakit nito nasabi sa kanilang paguusap.

“Hon punta na ako sa second class ko, sunduin kita mamaya pagkatapos ng classes natin”, ang sabi ni Ricson habang kausap ni Roe si Ms. Bello.

“Maam, una na po ako”, ang bati ni Ricson kay Ms. Bello.

Ngumiti naman si Ms. Bello bilang tugon kay Ricson.

Accounatncy ang course na kinukuha ni Roe, kaya ang ibig sabihin nito ay classmate niya si Arman sa lahat ng classes niya. Hindi tulad ng kay Ricson na isang subject lang dahil sa minor subject na sabay nilang kinukuha.

Nagpaalam na rin si Ms. Bello kay Roe dahil may klase pa itong susunod.

Nagutom bigla si Roe kaya nagpasya siyang kumain muna sa canteen ng school.  Habang naglalakd siya ay nagulat siya na may isang lalaki na naglabas ng sigarilyo sa bulso nito. Agad niya itong nilapitan.

“Mister, bawal ang manigarilyo sa university”. Ang marahang sabi ni Roe sa lalaki.

Ngunit laking gulat niya dahil ang lalaking iyon ay si Arman.

“Ah ganun bawal ba? Hindi ka naman siguro magsusumbong hindi ba?”, ang tugon ni Arman na medyo may kayabangan ang dating.

“I don’t think that is a good attitude mister”, ang sagot ni Roe.

“Okay Okay akala mo naman ikaw ang President ng Student Council kung makapag bawal ka sa akin”, ang pabirong sagot ni Arman.

“You are absolutely right”, ang sagot ni Roe na medyo naiinis na dahil sa mahangin na paguugali ni Arman.

Biglang natahimik si Arman at walang sabi sabi na umalis.

“Hey, hindi ka lang mahangin bastos ka pa!”, ang pagalit na bulong ni Roe sa kanyang sarili.

Pero kahit ganoon ang nagyari. Pakiramdam ni Roe na bakit parang matagal na niyang kilala si Arman. May pakiramdam siya na may problema ito na kailangan ng tulong.

Pero pinagwalang bahala ito ni Roe, basta ang alam niya ay bastos at mahangin ang lalaki na iyon.

Natapos ang ilang klase ni Roe pero hindi niya nakita si Arman. Inisip niya na nagCutting classes ito. Ngayon ay mas tumindi ang iniisip niya na hindi mabuting tao si Arman. Pero bakit ba niya iniisip si Arman? Iyon ay hindi rin niya alam.

BEEEPPP!!!! BEEEPPP!!!

Busina ng sasakyan ni Ricson na handa na siyang sunduin at umuwi na.

MY BORROWED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon