Kaibigan na Tunay

149 1 0
                                    

All Rights Reserved. Proyekto sa Filipino1. Roldan Marrianne. Viva Pirata.

Hanggang sa Huli

Sinasariwa ko sa aking mga alaala ang mga masasayang sandali na kami ay sama-sama. Kung paano nabuo ang aming samahan, kung saan nagsimula ang aming pagkakaibigan, kung paano kami nagkakasiyahan at kung paano kami nagdadamayan. Hindi man kamimadalas magsama-sama, wala mang araw-araw na pangangamusta, iba-iba man ang aming mga kasama, alam namin na hindi ito ang dahilan upang magkalimutan kami, na kung paano na ang mga ilog ay patuloy na namumukadkad at ang mundo'y walang tigil sa pag-ikot. Katulad din ito ng aming samahan na kailanman ay hindi matatapos. Nagkaroon ka na ng kaibigan? Oo ang sagot mo sigurado, ang saya diba? lalo na kung marami kayo at magkakasundo ang mga trip nyo. Yung tipong gala dito gala dyan, tambay dito tambay dyan, at tawanan na tila wala ng katapusan. Ganito kaming magkakaibigan na nabuo ng hindi inaasahan. Ang mga salitang Planet of The Apes. Hindi namin alam kung paano, saan, kailan, at kanino ito nagsimula.

Ako si Marrianne, Kolehiyo sa Lungsod ng Maynila. Dati akong kumukuha ng kursong BSPsychology kung saan ko sila nakilala. Masasabi ko na marami na rin akong mga naging karanasan pagdating sa mga kaibigan kung kaya't naisipan ko itong isulat. Sobrang sarap sa pakiramdam ang mag-karoon ng kaibigan lalo na pagtiwala kayo sa isa't isa, yung kulang na lang gawin niyo ng pare-pareho ang mga apelyido niyo at tumir kayo sa iisang bahay, yung talo niyo pa ang magkakapatid sa turingan. Masasabi ko na isa iyon sa mga pinakamasayang bagay na mararanasan mo habang nabubuhay ka pa. Kung kaya't dapat tayong matuto na humanap ng kaibigan na aagapay sa atin hanggang sa huli yung ipaglalaban ka din gaya ng ginagawa mo para sa kanya, yung kahit magkalayo kayo ng lugar na tinitirhan ay alam nyo sa isat'-isa na may kaibigan kayong matatakbuhan sa oras ng problema o pangangailangan iyon ba na parang Sanggang-dikit at Partners in crime. Ang sarap pakinggan at isipin ano? Masarap man isipin pero mahirap mangyari kasi lahat ng tao may pagkakaiba, pero kung makakahanap ka ng ganyan, huwag mo na silang pakawalan. Minsanlang dumatingsa buhay ng tao ang ganyang klase ng kaibigan. Maraming dadating ngunit pailan-ilan lang ang magtatagal kagaya ng kasabihan na Bantayan mo kung ano ang pupulutin mo dahil baka hindi mo namamalayan itinatapon mo na ang mga ginto kapalit ng mga batong pinupulot mo.

"Planet of The Apes"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon