Chapter 43 Taste

2.4K 49 5
                                    

"Daan kaya muna tayo sa mga wedding gown? Pwede ba?" Bigla kong sambit kay Bryan na nakangiti habang diretso ang tingin sa harap habang nagmamaneho.

"It'a sounds good, sige" sabi niya kaya napatango na lang ako habang may malaking ngiti sa labi ko.

After minutes at nandito na kami sa sukatan ng mga wedding gowns, sa sobrang saya ko hindi ko na namalayan na agad-agad ko nang tinanggal ang seatbelt ko at dali-daling lumabas ng kotse.

"Hey, wait for me!" Napatigil ako ng sumigaw si Bryan. Natawa na lang ako sa kanya kasi madali na rin siya papalapit sakin.

"Hay, 'wag mo ulit ako iwan ahh... Halika at may ipapakita ako sayo na susuotin mo mismong wedding natin," sabi ni Bryan at hinila ako papasok sa loob. Pagkapasok namin, sari't saring mga nagga-gandahang wedding gowns ang bumungad sa akin. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakanganga na.

"Hey Mr. Bryan! Where's your bride?" Napatingin na lang ako sa lalaki na mataba na naka-salamin na nagsalita. Nagulat ang ekspresyon niya ng makita niya ako.

"OMG! Ikaw pala ang bride ni Mr. Bryan, hope you'll be happy with him! Hindi mo lang alam kung gaano ako humahanga sa'yo----bilang isang modelo to confirm for your soon to be husband!" Sabi nitong lalaki na lalaki pero kung magsalita ay bakla. Hahaha, nakipag-beso siya sakin at naramdaman ko ang marahan na paghila sakin ni Bryan palayo dito, natawa na lang ako ng bahagya dahil sa ginawa ni Bryan.

"Nice to meet you too," sabi ko at kumapit na sa braso ni Bryan. Alam kong nagseselos na 'to ehh!

"Pwedeng pakikuha na yung napili kong gown para sa kanya?" Napatingin ako kay Bryan at nakita ko rin ang paglaki ng mata niya kaya it means faster. Haha.

"Maupo ka muna dito," sabi ni Bryan at inalalayan akong maupo dito sa couch, napatingin na lang ako sa mukha niya. Natawa na lang ako bigla.

"What's funny?" Sabi niya kaya naman nahampas ko tuloy yung kamay niya.

"Aray?" Sabi niya.

"Hahaha, bakit ka ba ganun? Akala mo naman aagawan ka! Hoy! Baklush yon huh?!" Natatawa kong paliwanag sa kanya.

"Kahit na! Lalaki pa rin 'yon! Pwede naman magbago isip nun kung gugustuhin niya maging----" bigla ako napatayo at tinakluban ang bibig niya. Bakit ba kasi siya sumisigaw dito? Nasa malayo ba ang kausap niya!? Hays.

"Hinaan mo nga ang boses mo! Malayo ba ako para sumigaw ka?" Giit ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Aysus!

Unti-unti niya tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya at inalalayan na ulit ako maupo.

"Stay behave, 'di pa magaling 'yang sugat mo." Paalala niya kaya ngumiti na lamang ako. Sobrang care niya talaga sakin!

"Mr. Bryan and Ms. Sheena, pwede niyo na daw po makita yung pinili ni Mr. Bryan na wedding gown para sa inyo," nanlaki ang mata ko sa sinabi nung babae na parang inutusan lang na puntahan kami dito. Tiningnan ko si Bryan na nakangisi sakin. Aba!

"Seryoso ikaw ang pumili? Ang alam ko wala kang taste lalo na sa mga damit pambabae ahh?"

"May taste ako! Kaya nga kita napili at minahal di ba?" Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Aysus! Di ako kinilig dun ahh... Hahaha!" Sabi ko at hinawakan na lang ang kamay niya. Sana hindi niya mapansin ang mukha kong namunula na! Haha.

"Let's go?" Sabi ko at nginitian siya. Tumango naman si Bryan bago inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ko at bigla na lang ipinulupot ang braso niya sa bewang ko.

Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]Where stories live. Discover now