Chapter 39 Waken

2.1K 42 4
                                    

Bryan's Pov


Nang makaalis na si Manager Kim kanina ay naiwan kaming dalawa dito ni Nickolas ang cousin ni Sheena.

"Kumusta na yung si Sky? Nahuli na ba siya?" Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya.

"Yeah, sabi ni Manager Kim nahuli na daw ng mga pulis," sabi ko at nagpatango-tango na lamang siya.

"Excuse me?" Bigla kaming napatayo ng lumabas ang doktor sa may E.R

"Dok, how was her?" Tanong at tumingin naman siya sakin.

"Medyo natagalan ang pagtanggal namin ng bala sa may bandang tiyan niya dahil hindi agad siya nadala dito sa hospital, but good thing hindi natamaan ang liver niya kundi maaaring may mangyari sa kanya na masama!" Nakatitig lang kami sa kanya at bakas pa rin sakin ang matinding ka ba.

"S-so, she's fine now?" Nauutal na tanong konsa doctor. Kainis kasi, ayaw niya pa kaming diretsuhin!

"Sa ngayon hindi pa, kailangan po natin magsagawa ng blood transfusion dahil maraming nawalang dugo sa kanya," napahinga na lang ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Fvck ambulance! Kung dumating lang sila ng maaga siguro hindi masyado malala ang lagay ngayon ng mahal ko!

"I volunteer," sabi ko at tumingin ng seryoso sa doctor.

"Okay," sabi niya at nauna nang maglakad pero naramdaman ko ang paghawak ni Nickolas sa braso ko.

"What dude?" Tanong ko kaya napakunot ang noo niya.

"Kadugo mo ba siya? Kailangan na katulad din ng dugo niya ang isasalin sa pinsan ko di ba?" Nag-aalalang tanong ni Nickolas sakin kaya I pretend to smile at him.

"Trust me, I feel we have a same blood," sabi ko at unti-unti na rin niyang tinanggal ang pagkaka-kapit sa braso ko. Nagsimula na akong maglakad kasunod ng doctor at pumasok sa isang kwarto kung saan ginagawa ang pagkuha ng dugo.


***

"How many days she's been waken daddy?" Buhat buhat ko si Brix habang tinitignan namin si Sheena na nakahiga sa hospital bed. Nakakainis pero wala man lang akong nagawa para iligtas siya kay Sky.

"I don't know but we can trust her, kailangan niyang gumising para sa'ting dalawa di ba?" Kakalipat lang ni Sheena dito at sakto namang dumating ang anak ko.

Sobrang saya ko lang dahil ngayon, feel ko na ang pagtawag sakin ng anak ko ng daddy. Kahit na masyadong bata pa si Brix hindi naging mahirap sa kanya na tanggapin ang daddy niya na nawala sa tabi niya five years ago.

"Opo, Mom please awake na po. Tagal niyo nang natutulog diyan ehh, simula nung nabaril kayo" sabi ni Brix kaya binaba ko siya sa pagkakabuhat ko sa kanya.


"Anak, lakad ka na muna kay tito Nick mo huh," sabi ko at ibinigay ang kamay niya kay Nickolas na kanina pa kami pinagmamasdan.

"Nick, labas mo muna siya." Sabi ko at tumango na lang siya.

"Gusto mo ba nang ice cream? Tara na!" Sabi ni Nickolas at lumabas na sila ng kwarto na 'to.

Napalingon naman ako kay Sheena na mahimbing pa rin ang tulog niya. Nanghina talaga siya.

Naglakad ako papalapit sa kanya bago ako naupo sa may tabi niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"Mahal, sorry kung hindi man lang kita nailigtas kanina huh? Sorry wala ako sa tabi mo para protektahan ka sa bala na yun!" Sabi ko at hinawakan ng mahigpit anh kamay ko. Naiiyak na naman ako. Shit kasi ehh! Kung hindi lang ako nahambalos ni Sky nung vase siguro nailigtas ko pa siya.

"D-dapat ako yung nakahiga diyan at hindi ikaw! This is my fault! Please wake up Mahal ko," humihikbing na sabi ko. Bago hinaplos ang buhok niya nang dahan-dahan.

"Gumising ka na, di ba sabi ko sayo dadalhin pa kita sa harap ng altar? Bilisan mo at baka magbago pa isip ko," natawa ako dahil sa sinabi kong yun, oo balak kong mag-propose sa kanya kapag gumising siya.

"Gumising ka na diyan, may ipapakita kasi ako sayo mahal ko" sabi ko habang nilalabas sa kanang bulsa ko ang maliit na kulay maroon na kahon at inilagay ko iyon sa kamay niya.

Napaiyak na lang ako dahil sa ginawa kong yun. Kahit na pa siya sobrang saya ko lang dahil kahit na hindi pa niya ako nakikita at least sana narinig niya ang sinabi ko ri ba?

Sa buong buhay ko. Para akong agila noong nasa mga kamay pa ako ni Sky. Taling-tali ako sa pagmamahal niya. Ginagawa ko ang lahat para mahalin siya pabalik pero hindi ko kaya nun ehh.. parang may pumipigil sakin dati pero ng malaman ko na si Sheena pala ang tunay na mahal ko ay sinamantala ko na ang pagkakataon na magkasama kami nung may naganap na shooting. Una pa lang malakas na ang kutob ko na siya talaga ang babaeng hinahanap ko. Sheena Perez. Base sa pangalan niya at ang tingin niya sakin ang nagpapatunay na siya na nga. Kahit hindi man niya sabihin sakin.


"Matagal ko nang alam na ikaw talaga si Sheena Perez alam mo ba? Halata kasi sa kilos mo ehh, tsaka yung pag-aalinlangan na palapitin sakin ang anak mo..na yun pala anak ko rin hahaha" natawa na lang ako sa pinagsasa-sabi ko.


"Magising ka na kasi diyan para hindi na ako mukhang engot dito na kinakausap ang isang magandang tulog na binibini," sabi ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Pinunasan ko muna ang luha ko at tumingin sa wrist watch ko. 7 pm na pala kaya napatingin na lang ako sa pintuan dahil nagbukas ito.

"Nakatulog na," nakangiting sabi ni Nickolas sakin bago niya ibinaba ang natutulog na si Brix sa mahabang sofa dito sa loob ng kwarto.

"Salamat," sabi ko sa kanya bago ko ibinaling ang tingin ko kay Sheena.

"Di pa rin nagigising? Hoy panget! Gumising ka na diyan! Di ka na nahiya kay Mister mo! Hahaha, sige Bryan balik na rin ako sa sweety ko." Tinanguan ko na lang si Nickolas bago siya lumabas ng kwarto.

Hinigpitan kong muli ang hawak ko sa kamay ni Sheena bago ko ito hinalikan. Tinitigan ko lang siya hanggang sa dinalaw na ako ng antok.

Hanggang sa tuluyan nang pumikit ang mata ko at natulog na.



Sheena's Pov

Nagising ako sa mahinang hilik na malapit sa akin at ramdam ko ang paghawak ng taong 'to sa kamay ko.

Nang imulat ko ang mata ko, sumalubong sakin ang mukha ni Bryan na malalim na ang tulog. Napangiti na lang ako dahil siya pala ang may hawak ng kamay ko. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Siguradong kanina pa ako nito hinihintay na magising.


"M-mahal ko, gising na ako"




***

A/N: Sorry ngayon lang nag-updated mga readers ng Bryna Loveteam hahaha.

Ito na lang muna, babawi ako next time. :)


Try niyo basahin ang kakatapos ko lang na one shot story na "HINDI TAYO ANG ITINADHANA BY: CLAIREMOON14" visit my wattpad profile para makita nito ito. Thanks.


Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]Where stories live. Discover now