54. | Doyoung's

821 54 62
                                    

Ginabi ako ng uwi dahil pagkatapos namin magpractice para sa festival eh pumunta pa ako sa library para pag aralan ko mabuti yung irereport namin ni Joyce para sa isang araw.

Pagdating ko sa condo...

Nagulat nalang ako sa nakikita ko sa may sala dahil maraming lata ng alak sa mesa at tinignan ko naman si Yvonne na pulang pula na siya. Tss porket nasa legal age na siya pero-

Bakit siya naglalasing ngayon?

Nilagay ko na muna yung bag ko sa gilid at agad ko inalis yung mga pinag inuman niya sa mesa tapos pinagkukuha ko narin yung mga may laman, syempre itatapon ko na at kinuha ko narin yung hawak niya...

"YAH! KIM DOYOUNG BAKIT MO KINUHA AKIN YAN AH" hindi ko nalang siya pinansin, pero maya maya lang nag simula na siyang umiyak. Masasagot na ba yung mga tanong sa isip ko?

Tumabi naman ako sa kanya

"Yvonne, kung ano man yan tinatago mong problema pwede mo sabihin sa akin. Makikinig ako" sabi ko at tinignan lang niya ako at maya maya lang umiyak na naman siya, ewan ko ba pero bigla ko siyang niyakap

3 minutes? or 5 minutes? Nakayakap parin ako sa kanya hanggang sa naramdaman ko nang tumigil na siya bumitaw naman ako ng yakap at tinanong ko na siya

"Ilabas mo lahat ng kinikimkim mo ngayon"

Tinitignan lang niya ako ngayon, pero maya maya nagsalita na siya...

"Alam mo ba...kung anong nararamdaman ko palagi? Pakiramdam ko basura lang ako. Hindi na nga kumpletong pamilya dahil hiwalay na magulang ko at kinuha naman ako ni itay tapos nagpakasal siya sa iba...Alam mo ba akala ko nun magiging masaya parin ako pero hindi...hahaha pakiramdam ko talaga napakawalang kwenta ko, wala akong kayang gawin ni isa...ay hindi meron pala pag sasayaw lang pala pero sabi nga nila itay nun wala rin daw kwenta yun dahil hindi naman daw kami yayaman doon. Araw araw sinasaktan talaga ako ng step mom ko doon pati rin si itay...wala silang pake kahit halos mamatay ako sa ginagawa nila. Ni binlockmail pa nila ako noon na kapag hindi ako kinasal kay Junkyu, ipagkakalat nila yung background ko kaya ayun nung successful naman na hindi natuloy, sobrang saya ko pero pag uwi ko nun binubog ako ni itay...kasi paano na nga raw kami yayaman" hindi na ako nakapagsalita sa mga sinabi niya, pagkatapos lahat ng mga sinabi ko sa kanya...hindi ko manlang pinakinggan yung side niya, hindi ko manlang siya natulungan nung panahon sinasaktan siya ng step mom niya..

"Alam mo rin ba si Joyce? Yung kaklase mo...step sister ko pala siya napakaangas ano? Nung panahon na magpapakamatay na sana ako nun bigla niya ako niligtas alam mo ba kung bakit? Dahil gusto niya pa ako makita na nahihirapan" Ano?! Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko tapos step sister pala niya si Joyce...

"At eto pa problema ko doyoung...ikaw"

"Huh? Bakit ako??"

"ano ba meron sa inyo ng step sister ko?"

"Si joyce?"

"Ay hindi si kyra, sino pa ba step sister ko diba?! Alam mo naiinis ako sayo pero sa bagay hindi mo naman kasalanan kung bakit ako nagseselos sa inyo at tsaka hindi mo rin kasalanan kung bakit nahahulog nga ako sayo ewan ko ba ni palagi mo nga ako gustong inisin-" hindi ko na tinuloy yung sinabi niya, god! nag coconfess ba siya sa akin??

"Yvonne, hatid na kita sa kwarto mo bukas nalang natin pag usapan iyan" tatayo na sana ako pero nagulat nalang ako nang bigla niya akong itulak dito sa sofa at nasa ibabaw ko na siya

"H-Hoy Yvonne ang bigat mo-" hindi na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang inilapat ang labi niya sa labi ko...hinalikan niya ako?! Nanlaki mga mata ko dahil sa nangyayari ngayon, kumalas siya at nag titigan lang kaming dalawa. Pinulupot na niya yung braso niya sa leeg ko at sinabi niyang...

"I love you, Kim Doyoung"

Nung sinabi niya iyan ang bilis ng tibok ng puso ko at this time, I wrapped strongly around her waist and I pressed my lips against hers. It was just a smooth kiss.

I move away, but our nose is still touching each other...

"I love you more, Yvonne"

a/n; ayos lang ba yung ginawa ko? god! nahihiya talaga ako habang ginagawa ko ito.

Thoughts | Kim DoyoungWhere stories live. Discover now