31. | Doyoung's

763 45 24
                                    

Pagkabasa ko agad sa group chat namin na planong magpakamatay ni Yvonne agad naman ako umalis na bahay at dumeretso agad sa school. Sinabi ko agad sa kanila na uunahin yung school kahit wala pa sila, nag simula na agad ako hanapin si Yvonne mabuti nalang mabait yung guard namin at nagpapapasok.

Sa mga classrooms, Canteen, CR ( oo pinasok ko na kailangan eh, tapos rooftop...wala parin siya pumunta na ako sa may garden nang makasalubong ko na sila Yedam hyung.

"Ano nakita mo ba si Yvonne?" Tanong ni Kryzha sa akin at umiling ako sa kanya.

"Kararating niyo lang ba?" Tanong ko tapos yung iba sa kanila tumango tapos yung iba naman umiling

"Kanina pa ako andito tara sa bahay ni Yvonne inikot narin namin dito sa baba wala siya" sabi Jihoon at dumeretso na kami sa bahay niya. Si Yedam hyung na yung kumatok tapos maya maya binuksan na nung isang babaeng mukhang matanda na yung sumalubong sa amin tapos tinignan niya kami ng masama. Problema nun?

"Kailangan niyo?!"

"Si Yvonne po?" Tanong ni Haruto.

"Ayun lalayas na dito nag aayos na ng gamit sa kwarto niya, bakit? kayo ba magsusundo sa babaeng yan?" hindi ko na sinagot yung babaeng yun dahil pumasok agad ako sa loob

"Oy sinabi ko na bang pumasok ka?!"

"Bastos na bata"

Wala akong pake sa sinasabi niya at alam kong sumunod narin sila Seunghun hyung sa akin dumeretso agad ako sa kwarto niya at naabutan ko siyang may hawak na tali.

"Itigil mo yan Yvonne! Wag kang magpakamatay" Sabi ko at tsaka ko kinuha yung tali sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Yvonne...Please wag kang mag papakamatay. 

a/n; itutuloy ko pa ba ito or unpublish ko na ito? 

Thoughts | Kim DoyoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon