Ikaw Lang

4.9K 79 11
  • Zadedykowane KathNiel fans
                                    

Ikaw Lang...

...Kahit na sinasaktan mo ako, ikaw pa din ang gusto ko.

Written by: Pamela Claudio // All Rights Reserved 2014

PS: Paano ba manuyo ang isang Daniel Padilla? Ano sa tingin niyo guys? =)) Play niyo yung Walang Iba para f na f bwahahaha.

Daniel's POV

Inihanda ko ang gitara ko at tinuno muna ito bago ako magsimula. Inihanda ko talaga itong araw na ito. Bakit ko pa ito ginagawa? Bakit ko nga ba ito ginagawa? Para saan? Para kanino?

Para sa taong mahal ko lang naman. 

Kung mahal mo ang isang tao, kaya mo namang magtiis diba? Kasi nga mahal mo siya. 

“Dumadami na ang tao. Ba ka magkaroon pa ng stampede. Alis na ba tayo?” tanong ni Katsumi sa amin.

“Uy, may nagtutulakan na. May mga reporters na din.” sabi naman nito ni JC.

“Kaya nga. Paano nila nalaman ito? For sure, trending na ito mamaya.” tanong naman ni Sed. 

“Mababaliw na ang mga fans pag nalaman nila ito. Worldwide trend na ito.” sabi naman ni Lester. 

“Hayaan niyo lang sila.” matapos kong itono ang gitara ko ay tumayo na ako. 

Narinig ko ang mga tilian ng mga fans. Naririnig ko na din ang mga pag-bbroadcast ng mga reporters. Wala akong pakielam.

Ilang beses ng nag-away. diba? Kahit palagi kayong nag-aaway, mahal mo pa din siya? Kahit anong mangyari, siya pa din? 

Hanggang sa magkasakitan na 'di alam ang pinagmulan. 

Napansin ko na sumilip na siya sa bintana. Hawak niya pa ang aso niya na si Snow. Napansin ko na din na may mga camera na nakatutok sa amin. Wala nang pakielamanan. Basta ako, gusto kong mangyari ay mabalitaan nila sa mundo na mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Kath. 

Pati maliliit na bagay na napag-uusapan. Bigla na lang pinag-aawayan.” 

“Bahay ni Kathryn 'yun diba?” 

“Bakit nandito ang P5?” 

“Shooting daw ba?” 

“I don't think so.” 

Napansin ko na tutulo na ang luha niya. Kahit hindi ko siya masyadong nakikita, halata na sa mga mata niya. 

Ngunit kahit na ganito. Madalas na 'di tayo magkasundo. 

“Ano ba ang nangyayari?” 

“Mukhang hindi shooting, walang director eh.” 

“Tsaka, mukhang walang tulog si Dj eh.” 

“Agree!” 

Wala akong tulog, kain at ayos sa sarili ko sa kakaisip nito. Tama sila.

Ikaw lang ang gusto kong makapiling. Sa buong buhay ko.” 

KathNiel: One Shot CollectionOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz