Chapter 11.. burst out.

2.2K 31 1
                                    

Clancy's POV

5:30 ko nanaman sya nasundo. Eto dakdak nanaman sya ng dakdak. Bahala sya sa buhay nya. Ang dami kong dapat intindihin para makipagsabayan sa pagdadakdak nya. Halos isang buwan na din kameng nagkahasama nito. At medyo nasasanay na din ako sa mga pangaasar nya which is minsan sobra pa rin akong naaasar.

Wala rin ako sa mood ngayon dahil pinagalitan nanaman ako ni Dr. Santos. Lagi nalang mainit ang dugo non sa akin. Haixt. Kailangan atang bumawi ako sa lahat ng pagkakamali ko ah.

“hoy pandak, bakit ang tahimik mo?” tanong ng unggoy

“wala.”

Lumiko nanaman sya papuntang MOA.

“saan nanaman ba tayo pupunta?”

“kung saan ko gusto” sabi nya. Hay naku. Wag ngayon wala talaga ako sa mood.

“pwede ba? Tumupad ka sa kung anong usapan natin??” medyo inis na sabi ko.

“bakit sino ba ang may kasalanan lahat ng toh….di ba ikk…….”

“fine!!!!!!!!!!!!!!” hindi ko na sya pinatapos sa sinabi nya. Ayoko na kasi makipagtalo.

“haha. Okay.”

Nagpunta kame sa MOA,  magsashopping daw kasi sya. Sinusundan ko lang sya. Sa UNIQLO kame unang nagpunta. Medyo matagal din akong sunod ng sunod sa kanya. Sobrang naiinis na talaga ako, kasi daig nya pa ako kung pumili ng damit sobrang tagal. Medyo madami syang binili sa UNIQLO. Rich kid talaga oh. Amp. Hindi pa pala sya tapos mamili nagpunta naman sya Forever 21. Hindi ko na kaya. Napapagod na ako kakalad tapos ang dami ko pang kailangan asikasuhin at tapusin.

“marami ka pa bang bibilihin huh?” tanong ko sa kanya

“marami pa.” sabi nya habang namimili ng damit.

“kung matagal ka pa mauuna nalang ako. Iiwan ko nalang yung kotse ko sayo.”

“ayoko, antayin mo ako.”

“marami pa akong kailangan gawin.”

“eto maganda ba toh?” hinarap nya sa akin ang isang t-shirt. Tinalikuran ko sya. Sobrang naiinis na talaga ako. Grrrrr..

Siguro mga 30 mins. Pa akong nagantay. At ayun, natapos na din sya mamili. Kumukulo na talaga ang dugo ko kasi pass 8 na hindi ko pa din sya naihahatid sa condo nya.

Nagpunta na kameng parking lot. At papunta na din sa condo nya. Hindi ako umiimik kahit na sa anong sinasabi nya. Pero ano toh??? Tumigil sya sa may power station tapat ng bagong DFA.

“anong gagawin natin ditto? Tanong ko

“kakain, nagugutom na ako eh.” Sabi nya

“alam mo kung nagugutom ka sa inyo ka na kumain kasi marami pa akong kailangan gawin at anong oras na oh?? 8:30 na.” naiinis na sabi ko.

“gusto ko ditto kumain” sabay lumabas sya. Hindi ko na talaga kayang pigilan. Lumabas din ako.

“ alam mo wala na lahat to sa usapan natin eh.” Tumigil sya sa paglalakas pero nanatili syang nakatalikod.

“ang usapan natin susunduin lang kita at ihahatid sa Condo mo. Wala nang iba. Oh eh ano toh? Pati sa mga pansarili mong lakad sinasama mo ako.” Sigaw ko sa kanya.  Humarap sya sa akin at lumapit halatang naiinis na din sya.

“bakit sino ba ang may kasalanan huh?”

“AKO!!!!!!!!” sigaw ko sa kanya

“oh alam mo naman pala eh, anong sinisigaw sigaw mo jan” sabi nya. Waaahh..bwiset sya

“alam mo hindi ko na kaya, hindi ko na kaya yang ugali mo lahat yang pangaasar mo. Kung kailangan mo ng driver mo humanap ka.dahil ako??? Pagod na ako.okay” tumalikod ako sa kanya at pupunta sa kabilang side ng kotse ko. Balak ko na sanang umalis. Bigla syang nagsalita.

“nakikita mo toh??” tinaas nya yung phone nya. Pinakita nya ulit yung picture ko na nagbabayad sa MMDA. Sobra na talaga sya. Lumapit ulit ako sa kanya.

“Ano ibablock mail mo nanaman ako huh? Tanong ko sa kanya.

“hindi, tulad nga ng sinabi ko noon im just……..” hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya. Hinablot ko yung phone nya. Hinanap ko kung saan yung internet. Pero hindi ko makita. Hindi ko alam pano gamitin yung phone nya. Kaya binalik ko sa kanya.

“SIGE IKALAT MO YAN, WALA NA AKONG PAKELAM KUNG ANO MAN ANG ISIPIN NILA. HINDI NA KITA KAYANG TIISIN. ANO? ANG PAGKABANGA BA NG SASAKYAN MO ANG DAHILAN KAYA GANITO MO AKO TRATUHIN?? HUH?? BAKIT TINAKBUHAN KO BA YUNG NAGAWA KONG SIRA??HINDI NAMAN DI BA?? KASALANAN KO BA NA MABAGAL GUMAWA NG SASAKYAN YUNG PINAGPAGAWAAN MO HUH? HINDI NAMAN AH!! ALAM MASYADO KANG MAKASARILI, BAKIT IKAW LANG BA ANG NAAPEKTUHAN NUNG BANGGAAN NA YUN?? AKO DIN NAMAN AH. DAHIL SA BANGGAAN NA YUN HINDI AKO NAKAPAG CASE PRESENTATION, SYEMPRE HINDI MO YUN ALAM. SOBRANG HALAGA NG ARAW NA YUN PARA SA AKIN PERO KAHIT GANOON HINDI KITA TINAKBUHAN KASI ALAM KONG AKO ANG MAY KASALANAN. AT NGAYON TIGNAN MO? KANINA KO PA SINASABI SAYO NA MARAMI AKONG KAILANGANG TAPUSIN PERO ININTINDI MO BA YUN? HINDI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! KOTSE BA ANG KAILANGAN MO??? HINDI MO TALAGA KAYANG MABUHAY NA WALANG KOTSE? PWES SAYO NA YANG KOTSE KO AT WAG MO NA AKONG BULABUGIN OKAY?????????????”  umalis ako, iniwan ko sya pati yun kotse ko. Lumabas lahat ng galit ko. Nagcommute nalang ako pabalik ng hospital.           Sobra na kasi talaga sya.

Bring out the best in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon