Chapter 8.. First day. :)

2.4K 30 3
                                    

Kinabukasan.

Clancy POV

Inaayos ko na lahat ng data ng mga patients ko. Binisita ko na din sila. Marami akong kailangan ayusin, kailangan ko lahat maayos ng maaga yun. Kung hindi dahil sa unggoy na yun edi sana hindi ganito ako kacramming ngayon.  Lakas mang istorbo talaga nun. Buti nalang, laging pang morning duty ko, tuwing hapon pwede ako makaalis para masundo ang unggoy na yun. Saktong 4:00 pm ako umalis sa hospital para masundo yun. Bahala sya sa buhay nya, magantay sya dun ng matagal. Mga 4:45 na ata ako nakarating medyo traffic kasi.

Nakapark na ako. Malayo palang nakita ko na sya na parang badtrip na papalapit sa sasakyan ko.

LUmapit sya sa tapat ng bintana ko, binaba ko yung bintana ko medyo tumungo sya para pantayan ang bintana ko. Ako naman daretso pa rin ang tingin ko, hindi ko sya tiningnan. Hehe gusto ko lang sya asarin, para naman makaganti ako. Hehehe J    

“hoy pandak, ano bang sabi ko sayo? Di sabi ko 4:00pm ang labas ko?? At ayoko sa lahat pinagaantay ako ng matagal??? >_<. It’s already 4:50 in my clock” sabi nya. Pero teka anong sabi nya?? Ako pandak?? Grrrrr.. konting inches lang naman ang tinangkad nya ah.ang lakas talaga mangasar nito. Hmnp.. pero pinipigilan ko ang sarili ko na makipagasaran sa kanya..

Hindi ko sya sinagot.  Alam kong naiinis na sya. Haha.. bahala sya.

“hoy pandak, nakikinig ka ba????? Bumababa ka na nga dyan…..” bigla kong binuksan ang pinto ng sasakyan ko, sinadya ko nanaman na patamaan sya.

“aray ko….  Nakakadalawa ka na huh.. nanadya ka talaga noh??” nag grinned sya.. natutuwa akong Makita sya na naiinis. Haha kasi alam kong sa ganoong paraan ako nakakaganti sa kanya.

Dare daretso lang ako naglakad sa kabilang pintuan ng sasakyan ko at pumasok na rin ako. Pumasok na din sya.

“tsssiii. Hello may kasama ba ako?.. uso magsalita..”sabi nya..

“alam mo??? Ang ingay ingay mo.. “ sabi ko sa kanya. Totoo naman eh kanina pa sya dakdak ng dakdak.

Wala syang ginawa kundi asarin ako, kesyo napaka reckless ko  magdrive, tapos ang pandak ko, tapos ang sungit ko daw, tapos panglalaki daw ang features ng katawan ko.. tssssiii ganito lang ang mga pangaasar nya hanggang makarating kame sa isang condo sa may Sucat.

In fairness ang  ganda ng condo nya mukang mamahalin. Nakacondo lang pala toh.

Bumaba kame parehas ng sasakyan. Hinagis nya sa akin ang susi ng kotse ko.buti nalang nasalo ko. So boyish talaga.

“hoy pandak, magingat ka magdrive huh..” ^_^ ganyan yung ngiti nya.. hmnp concern lang?..

“mag ingat ka, kailangan mo pa akong sunduin bukas at sa mga susunod na bukas..okay?? tsssii.. kala ko concern na.. yun lang pala ang purpose nya..

Bumalik na din ako agad sa Hospital, marami pa din kasi akong gagawin.

Kinabukasan.

Clancy POV

1pm. We are having our rounds together with Dr. Lim and Carly. Si Dr. Lim ewan ko ba sa kanya kung bakit ako ang lagging sinasama sa pag rarounds nya. Pwede naman na si Dra. Alvares. Minsan nga feeling ko may gusto sa akin yun eh. Hahaha ang feeler ko. Pero promise napifeel ko yun kasi lagi syang nagtetext sa akin kahit outside na sa work namen and minsan non sense na yung mga sinasabi nya tapos minsan sumasabay sya sa amen kumain kahit hindi pa naman nya break. Tapos hindi sya magrarounds hanggat di ako tapos sa ginagawa ko, inaantay nya talaga ako. Hehehe something like that. Kahit nga si carly napapansin yun. Pero sorry he’s not my type.

Bring out the best in youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon