I. SIMULA NG WAKAS

93 1 1
                                    

WILL YOU EVER BELIEVE YOUR BORROWED HEART?

PAANO KUNG ANG TAONG PINAKAMAMAHAL MO AY HINDI NA KAYANG MAHALIN NG PUSO MO, DAHIL HINDI NA NIYA ITO MAKILALA AT BAWAT PINTIG NITO AY IBANG PANGALAN NA ANG SINISIGAW. SINONG MAMAHALIN MO ANG TAONG ALAM MONG INIIBIG MO DAHIL IYON ANG SINASABI NG IYONG PUSO O ANG DINIDIKTA NG IYONG ISIP? SINO ANG MAS PAKIKINGGAN MO, ANG ISIP MO O ANG BORROWED HEART MO?

                                                                        I. SIMULA NG WAKAS

Sa isang kilalang ospital sa Makati tuluyan nang nagising sa kanyang kama si Roe dahil na rin sa malakas na sigaw ng isang lalaki sa kanyang tabi.

"Doc! Doc! Nurse! Gising na siya!", ang sabi nito.

Agad agad ay may mga nurses at doctor ang agad na lumapit sa kanya.

"Okay na siya at lahat ng vital signs niya ay maayos naman lahat, tagumpay ang operasyon natin Roe. Magaling ka na!", masayang sabi ng kanyang doctor.

Ilang araw nalang ang ilalagi ni Roe sa ospital at makakauwi na siya.

Pero sino nga ba ang lalaki na nasa kanyang tabi at masayang masaya na makita siyang gising at malusog?

Siya si Ricson ang limang taong karelasyon ni Roe simula pa noong high school pa lamang sila at hanggang ngayon na si;a ay second yearcollege na. Si Ricson ay galing sa desenteng pamilya, ang tatay niya ay isang kilalang Engineer at ang nanay naman niya ay isang sikat na fashion designer. Minsan nga ay si Roe pa ang kinukuha nitong model sa mga new creations nito. Mabait si Ricson at halos lahat ng mabubuti at magagandang katangian ay nasa kanya na. Masipag magaral at responsible sa lahat ng bagay. Talaga ngang sabi ng lahat ay bagay na bagay sila ni Roe.

Si Roe ang babae na talaga naming titingilain mo, dahil hindi lamang siya maganda kundi may mabuting puso rin. Siya ang President ng Student Council ng University nila at halos lahat ng oras niya ay sa pagaaral at pagtulong sa mga civic programs ng school at ng community nila. Matalino at nasa magandang pamilya rin si Roe. Ang tatay niya ay isa ring Engineer kaya nga nagkakilala sila ni Ricson ay dahil nagging mabuting magkaibigan ang kanila mga ama. Ngunit bata pa lamang si Roe ay nawala na ang kanyang mapagmahal na ina. Namatay ang kanyang ina dahil sa sakit sa puso, na kanya rin naming namana ngunit ngayon ay matagumpay na napagwagian dahil magaling na siya.

“Hindi mo ba ako naMiss?”, ang nakangiting sabi ni Ricson.

“Syempre naMiss kita hon o at salamat sa pagaalaga mo sa akin”, ang sagot ni Roe.

Pero ang totoo nito ay walang maramdamang kasiyahan ang puso niya ng nakita niya ang lalaking alam niya na pinaka-mamahal niya. Nagtaka siya pero pinagwalang bahala niya ito dahil baka resulta ito ng mga gamot na ininom niya.

Heart transplant ang operasyon na kanyang napagdaanan at napagtagumapayan.

Lumipas ang mga araw at panahon na para siya ay makauwi na sa kanyang bahay. Dumating ang papa ni Roe at syempre nandoon din si Ricson at inaalalayan siya nito habang palabas ng hospital room.

“I love you honey ko”, ang bulong ni Ricson kay Roe.

Pero ang kinabigla ni Roe ay kahit gusting sumagot ng kanyang isip na mahal din niya si Ricson ay parang bakit ayaw siya payagan ng kanyang puso. Bakit parang wala na siyang nararamdaman ng pagmamahal kay Ricson.

“Hindi pwede ito, mahal ko si Ricson at walang dahilan para mawala ang ang pagmamahal ko sa kanya”, ang nasa isip ni Roe.

Hindi nagawang sumagot ni Roe dahil agad na dumating ang kanyang papa.

“Anak halika na at makakauwi na tayo”, ang sabi ng kanyang ama.

Nakauwi na nga si Roe sa kanilang bahay at lumipas ang ilang araw ay unti unti na siya gumagaling. Sa bawat araw rin na lumipas ay laging nasa tabi niya si Ricson. Hindi siya nito iniwan at pinabayaan.

Alam ni Roe na mahal niya si Ricson, na ito ang lalaki na handa niya pakasalan at mahalin habang buhay. Alam niya ito, pero bakit hindi rin niya ito MARAMDAMAN.

                                                                     

MY BORROWED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon